Chapter 55

829 46 4
                                    

Xantie Shaq Rivera

Bitbit ang bottled water at ang pag kain na binili ko para sakanya ay kinatok ko ang opisina nya. Kanina pa sya walang gana at matamlay. Hindi naman naapektuhan yung trabaho nya pero nag aalala ako.

Nilapag ko ang plastic ng pag kain at ng tubig sa coffee table nya.

"It's 12nn already Ghaile. Eat up and drink your meds" sabi ko sakanya at tumayo naman sya para lumapit sakin.

"Salamat, how about you? Kumain ka na?" Tanong nya habang binubuksan ang pagkain na binili ko.

"Katatapos lang namin nila Jackson. Inaya ka daw kanina ni Bret pero tumanggi ka, so i decided to bought you some" ngumiti naman sya at sumubo ng pag kain.

"Thanks..." tipid nyang sabi at sinserong ngumiti.

"Are you not...feeling well?" I asked at umiling naman sya.

"Ayos lang ako. Medyo nahilo lang" sabi nya at dumukot ng gamot nya sa bag nya.

"Doc Guerero said you still need tobe treated. Kailan ka babalik sa London?" Nilunok nya naman ang tatlong gamot na nasa palad nya bago sya bumuntong hininga.

"By next month babalik ako." Sabi nya at para bang stress na stress at sumandal sa couch.

"Pano kung...wala na talaga?" Nag aalalang tanong ko at nadinig ko naman ang pagtawa nya.

"I don't expect to be cured Xantie. My life adds extensions everytime i'm treated. Hindi ko inaasahan na gagaling ako. Inaasahan kong humahaba ang buhay ko" naka ngiti nyang sabi at napabuntong hininga naman ako.

"Alam na nya ba?" I asked and she laughed again...bitterly.

"There's no sense if he knew. Ayokong bumalik sya sakin dahil sa awa." Sabi nya at umupo ng maayos bago yumuko at suklayin ang buhok.

"Kelan ka nga ulit na diagnosed?" Tanong ko at umayos ng upo.

"3 years ago. Sabi ni Doc, may chance naman akong gumaling sa loob ng 5 years of treatment. Pero kung hindi...treatments will just help for me to live longer. Pero, hindi ko na inaasahan na gagaling ako" naka yuko nyang sabi at napansin ko naman ang mga pasa sa braso nya.

Madalas syang mag longsleeve o hindi naman kaya blazers dahil sa mga yun. Madali syang mag pasa at madalas iyong lumabas sa balat nya. Ang madalas na pagsakit ng likod nya---the spinal chord to be specific, is also because of that.

Acute Myeloid Lukemia... that's her complication. It's still acute so the doctor said it can be cured. Pero never kong narinig mula kay Ghaile ang mga salitang yun. She always says, she just wanna live longer kahit nakakapit na sakanya ang sakit nya.

Sa limang taon na pag tra-trabaho ko para sakanya, masasabi kong lahat ng ginawa nya ay worth it. Kahit hindi sya ganon kalapit sa ibang pinsan nya ay pinili nyang pumunta sa London para protekrahan ang mga yun. Kahit ang pinsan nyang tinuring nyang kapatid at pinag tabuyan sya ay prinotektahan nya.

Lahat talaga ng mababait...nauunang nag kakaroon ng komplikasyon?.

Umalis sya sa London ng masigurado nyang ligtas na sa lugar nya ang mga pinsan nya. Pero hindi naging madali ang pag alis nya.

She went almost through everything! Muntik mawala sakanya ang yaman na hawak nya, muntik syang mapatay sa kagustuhan nyang bumalik dito, kulang pa ang salitang paghihirap sa lahat ng dinanas nya...para lang makabalik sa lalaking dahilan kung bakit sya lumalaban.

Inggit na inggit ako kay Cazdrin dahil meron syang Ghaile na kayang isakripisyo lahat makasama lang sya.

Pero sa kabila ng lahat ng to...alam kong malabong mag kasama pa ulit sila para sa matagal na panahon. Maybe it's all okay when it comes to Acostas....but her Leukemia is still there to stop her.

Thorns Of The Rose (Rose Duology #2)|| COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon