Chapter 54

861 44 3
                                    

CHAPTER 5

AGAMANI ASTRID GHAILE ACOSTA

Madaling araw na ng maka uwi ako kanina. Halos apat na oras lang ang tulog ko at kailangan ko na ulit bumalik sa trabaho.

Tumunog naman ang phone ko na agad kong kinuha.

Xantie💕 calling...

Tumingin ako sa relo bago kuhanin ang phone ko habang mag pupunas ng buhok.

6 a.m.

I know why he called...

"You already took some?" Yan agad ang bungad nya.

"I'm about to. Thank you" sabi ko at binitawan ang phone at saka ini-loud speaker.

Lumapit naman ako sa mini ref ko at kumuha ng bottled water.

"Naka tulog ka ba?" Pabuntong hininga na tanong nya

"About four hours" sagot ko bago kumuha ng mula sa lalagyan at nilagay ang mga yun sa palad ko bago sabay sabay na sinubo saka uminom ng tubig.

"You should take a break Ghaile" nag aalalang sabi nya at tumawa naman ako ng mahina bago pumasok sa closet ko.

"At ikaw naman ang mapapagod?" Sabi ko at nadinig ko naman ang pagtawa nya.

"Atleast ako walang sakit" pabirong sabi nya pero bumuntong hininga sa huli.

"Sige na, mag ayos ka na rin. Let's see each other at CIS." Sabi ko at nag paalam naman sya bago patayin ang tawag.

Kumuha ako ng isang turtle neck na sleeveless top at itim na skinny jeans saka pinaresan ng brown patterned blazer at pinili ko naman ang bag na kaparehas ng tatak ng belt ko na Gucci saka inipitan ng pony tail ang kulot kong buhok.

"Papasok ka na?" Tanong sakin ni Mommy at tumango ako bago suotin ang sapatos ko.

"Yes mom" i answered

"Did you take your meds already?" Pabuntong hininga naman akong tumayo at ngumiti ng tipid sakanya.

"Opo. Mauuna na po ako mom. Tell papa nalang. I'm sure tulog pa sya" bumuntong hininga din sya bago lumapit sakin at hawakan ang kamay ko

Mahigit dalawang taon ng nag simula syang bumawi sakin. Alam kong wala syang intensyon sa mana na hawak ko dahil lahat naman ng bagay na kailangan nya at luho nya ay naibibihay ni Dad.

"Kahit isang araw lang Ghaile... you should take a break" malungkot na sabi ni mommy at ngumiti naman ako ng pilit sakanya.

"I'm okay mom. I'll rest when i can't stand it" ngumiti naman sya bago ako samahan kuhanin ang sasakyan ko.

Naroroon na ang mga guards ko na iba pero sila Hannah ay wala pa dahil umuuwi sya sa anak nya.

Agad naman akong naka tanggap ng tawag mula kay Mama.

"Good morning anak" malambing na bati ni mama kaya napangiti ako habang nag mamaneho.

"Good morning ma" bati ko rin saka nag focus sa daan palabas ng central mansion.

"Did you drink your meds already?" Nag aalalang tanong ni Mama.

"Yes ma, pupunta ako dyan mamaya. Baka sabay na kami ni Blake." Sabi ko saka lumiko papunta sa south.

"That's good to hear. I'll see you later" pinatay naman agad ni mama ang tawag.

Mahigit 30 minutes pa ako nag maneho bago bumili ng breakfast na kakainin ko sa 10 more minutes drive.

Thorns Of The Rose (Rose Duology #2)|| COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon