Encounter.

1.3K 54 1
                                    

Cazdrin Ivan Alcantara

Sa halos dalawang taon na wala si Astrid... Never syang nawala sa isip ko. May mga balita naman ako tungkol sakanya pero hindi ganon kalaman para malaman ang pribadong buhay nya.

I saw an article about her 19th birthday at kasama nya si Xantie Rivera.

Nabigyan narin sya ng titulo bilang youngest billonare. Sa lagay na to hindi ko alam kung babalik pa ba sya. Kung babalikan nya pa ba ako. Pero sa ngayon, wala akong ibang ginawa kundi ang isipin sya at mag aral.

I chose med for my future but i want Astrid to be my one. Isang taon na wala akong babaeng nakasama bukod sa mga kaklase kong nakasama ko sa research at kung ano ano pa.

Intact parin kaming buong marivlloso at nag babalitaan tungkol kay Astrid.

Nandito naman ako sa isang hospital kung saan mag o-observe as a 2nd year med student.

"Mr. Alcantara, Mr. Buenavista, Mr. Isidro, Ms. Cantunes,and Ms. Nermundo. Floor 3rd, operating Room 5. Doc. Freddie Acosta will be your guide" sabi ni Prof at lumapit naman ang isang lalaki na naka coat at may hawak na pad.

Pinsan kaya ni Astrid?

"Good morning stb doctors. I'm the assigned  head in Operating rooms. Medyo magiging strict lang tayo today dahil nandito ang isang share holder. Okay?" Nag tanguan nalang kami bago pulutin ang record book na gagamitin namin.

"Dre, hindi kaya si Astrid?" Umaasang tanong ni Dremion kaya napatawa naman ako at umiling.

"Nasa London sya" mapait kong sabi at pilit nalang syang ngumiti at tinapik ang braso ko bago kami nag simulang mag lakad.

"So Cazdrin.." panimula ni Kei. Si Kei Cantunes, isa rin sa madalas kong naging research partner kaya medyo close kami. "Kaano ano sya ng TOTGA mo?" Malokong tanong ni Kei sakin at nginiwian ko nalang sya ng maka sakay kami sa elevator.

"Baka pinsan" sabi ko at mag kibit balikat.

"Just like...srsly? Wala talaga kayong communications?" Natatawang tanong ni Kei kasabay ng pag bukas ng elevator na syang pag sara naman ng nasa harapan namin na sakay ang maraming guards.

"Kung alam mo lang Kei. We almost done everything" gatong ni Dremion ng makalabas kami at nag lakad papunta sa operating room.

"So, kaka-alis lang ng pinsan ko...which is the share holder. Nandito parin sila sa Hospital pero kaaalis lang nila da area na to" biglang sabi ni Doc kaya napalingon kami.

Nag paunang mag lakad si doc at parang may inaayos pa sa may lobby ng 3rd floor kaya tumambay muna kami sa benches.

"I wonder how that woman looks like. Kinababaliwan mo talaga Cazdrin" sabad ni Ice at tumawa pa.

"Wag na! Baka pag nakita mo agawan mo pa si Cazdrin" gatong ni Kei at nagtawanan naman sila.

Inilabas ko naman yung litrato ni Astrid sa wallet ko. Picture namin noong nag sports ground kami. Almost 3 years ago.

Pinakita ko naman yun at bakas ang pagkamangha sa ekspresyon nila at hindi makapaniwala. Biglang inagaw ni Raki ang picture at punakatitigan.

"Hala! I may be mistaken but i think sya yung nasa elevator kanina?" Taka naman namin syang nilingon at kinuha ko naman ang picture.

"That's impossible. Nasa London sya" sabi ko at napangiwi naman sya.

"Okay! Tara na!" Aya ni Doc kaya binalik ko sa wallet ang picture ko at binalik sa bulsa ko.

AGAMANI ASTRID GHAILE ACOSTA

It's been a long time. I'm happy that i'm back--but temporarilly.

Nandito lang ako para mangalap ng report for stocks rate. Busy na kasi masyado si Xantie at sila Jackson para maharap pa to.

At gusto ko rin namang maka balik dito sa pilipinas kahit dalawang araw lang. Masulyapan ko lang sya. Kahit hindi nya na ako makita. Dahil pag nakita nya ako...hindi ko alam kung babalik pa ako sa London.

Lumapit ako sa receptionist kasunod parin ang ilang body guard ko.

"Miss... please tell Doc Freddie na galing na ako dito to pick up the stocks report. Dinig ko kasi ay may kasama syang mga med students. Tell him to go to Central Mansion" marami pa akong binilin sa babae na sabihin kay Freddie as soon as they got here.

Matapos nun ay nag punta na kami sa elevator para pumunta naman sa 4th floor. Agad kaming sumakay ng tumunog ang elevator at pasara na yun ng masulyapan ko ang katapat na elevator na bumukas.

Cazdrin?

"Hold on!" Sabi ko at naka sara na ang pintuan ng pindutin ko ulit at bumukas.

Sumilip ako mula doon at nakita ko syang naka suot mg uniporme ng med student. Med pala sya? Ako naman ay nag engineer...hindi dahil gusto ko kundi dahil ayaw kong mag aral ng matagal. Eto syang matyagang mag aaral ng sampung taon.

"Ms. Acosta?" Tawag attention pa sakin ni Hanna.

Sandali ko pang tinitigan si Cazdrin na nasa tapat ng reception area bago bumuntong hininga at pumasok sa elevator.

I'm happy that i saw you Cazdrin... I'm happy that you're in a good shape.

"I love you..." i whispered under my breath...

I really do.

Thorns Of The Rose (Rose Duology #2)|| COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon