Chapter 63

829 35 3
                                    

Agamani Astrid Ghaile Acosta

Alas dos imedya ng marating namin ang Sta. Cruz Zambales. Hapon at tirik na tirik ang araw pero marami paring tao sa labas ng resort where we usually leaves oir boats for them to take care of it.

"Ma'am Aga, hindi nyo naman ho sinabing hapon ang inyong dating at hindi kami naka pag ayos ng meriyenda dito o sa isla" nag papaumanhin agad ang tinig ni Mang Amor ng maka baba kami ng sasakyan at tinulungan kami ng ilang tauhan ng resort sa pag baba ng mga gamit.

"Ayos lang po Mang Amor. Marami naman po kaming dalang pag kain. Si Olive po ba nasan?" Ngiti ko at bahagya pa syang lumingon sa may kubo at para bang hinahanap ang anak.

"Naku malamang ay nasa baybayin ang batang iyon. Pasensya na Ma'am Aga, maayos naman po ang pag aaral ngbata yun!" Napangiti naman ako.

Karamihan kasi ng bata dito ay under my scholar ship. Basta't makatapos sila ng pag aaral ay saakin sila mag tr-trabaho.

Inilabas ko naman ang wallet ko at dumukot ng limang libo.

"Allowance po ni Olive, sabihin nyo ayusin ang pag aaral" nagulat pa si Mang Amor at parang walang balak tanggapin iyon.

"Baby...." napalingon naman si Mang Amor ng may umakap sakin mula sa likuran na malinaw na malinaw saakin na ang siraulong si Cazdrin yun.

"Fuck you i'm talking to someone you unpolite creature!" Kalmadong sabi ko para hindi mahalata ni Mang Amor na inaaway ko ang lalaking to

"Oh, magandang hapon po. Ako nga po pala si Cazdrin Ivan Alcantara"

"Ah? Nobio mo?" Ngisi sakin ni Mang Amor at tinanguan si Cazdrin "Nag pintas ti lalaki ah" nang aasar na sabi sakin ni Mang Amor kaya kaya napailing naman ako.

"Hindi ko ho nobio, gayyem lang." ngiti ko at napa iling naman si Mang Amor

"Oh sya, sumakay na kayo sa yate at ipahahatid ko na kayo kay Balong. Sabihin nyo kung may kasapulan kayo at paparoon agad ako sa isla." Ngiti nito bago kami magpaalam at tuluyang pumunta sa yate.

Dumukot naman ako ng apat na libo at hinarap ang apat na nag buhat ng mga bagahe namin.

"Salamat po, bigay ba. Sa mauulit" galak naman nilang tinanggap iyon at panay ang pasasalamat hanggang sa maka akyat kami sa yate at kung todo naman alalay ang siraulong nasa tabi ko.

"You know, this beach already gives me the vibe" ngiti ni Cazdrin habang nasa likuran kami ng yate at papalayo sa main island habang ang dalawang braso nya ay nasa parehong side ko at ako ay naka talikod sakanya.

Ang iba naming mga kasama ay nasa harapan para salubungin ang hangin.

"Anywhere in Zambales gives you the vibe of the beautiful islands and beaches here" proud na proud kong sabi at hinarap ko naman sya.

"Mmmm, even you made this ocean view better." Inirapan ko naman sya atnginiwian na ikinatawa nya.

"I missed you baby" puno ng sinseridad na sabi nya at niyapos ang mag kabilang bewang ko.

"Hoy kayong dalawa! Ang init init nandyan kayo!" Sigaw samin ni Alodia dahilan para mag layo kami ng kaunti sa hiya. "Pumasok nga kayo dito!" Dagdag nya kaya paiwas maman akong umalis sa harap ni Cazdrin.

Agad naman akong sinalubong ni Ice.

"Tara dito Astrid" aya nya sakin at tinapik pa ng kaunti ang upuan sa tabi kaya umupo naman ako doon.

Agad nya akong inakbayan kaya ng pumasok si Cazdrin ay matatalim na tingin agad ang itinapon nya kay Ice at umupo sa harapan naming dalawa.

"Hands off Ice" nag babantang sabi ni Cazdrin pero tinawanan lang sya ni Ice at mas inakbayan pa ako at kinabig lalo papalapit sakanya.

Thorns Of The Rose (Rose Duology #2)|| COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon