Chapter 66

752 34 2
                                    

A/N: Sorry nag 1 chapter update lang ako kahapon, you see... i'm not in the very best mood to write yesterday kaya hindi ako nag update baka kasi characters ko mapag diskitahan ko 😗👉👈.

Agamani Astrid Ghaile Acosta

Alas siete na ng gabi at panay may tama na ang mga kasama ko na ang tatawanan at nag kwekwentuhan. I chose not to drink hard drinks dahil panigurado hindi ako makakakilos sa sakit ng ulo kapag ginawa ko yun. Naiwan si Kuya Garnet at Scarlet kasama ang dalawang bata sa rooms. Ayaw kasi uminom ni Scarlet at dahil under ang kuya ko---walang nagawa.

"Try to drink liquor!" Aro ni Blake kay Blash kaya binatukan ko naman sya.

"Our brother is a minor you jerk!" Angil ko at inis nya naman akong nilingon habang sapo ang batok.

"Baby, let him" akap sakin ni Cazdrin kaya asar ko rin syang tinignan.

"Isa ka pa! Stop drinking! I don't wanna sleep beside a drunk man" ngiwi ko at taas kamay nya namang tinakpan ang beer at binalik sa lamesa bago mas lumapit sakin.

"Ang Kj mo! Para kang si Scarlet!" Angil sakin ni Alodia kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Coming from you" ngiwi ko.

"Alam mo babe---"

"Anong babe?!" Angil ni Cazdrin kay Ice

"Ano pala? Darling, honeybunch? Sugar plum, pumpi-yum-pi-yumpkin you're my sweetie pie" kanta ni Ice na sinabayan pa ni Reighn ay Raki.

Mga siraulo.

"Alam mo kambal! Time will come our dear brother will drink---" inis ko syang hinampas sa braso.

"Siraulo ka ba?!" Iritang tanong ko at huli na ng tahimik na pinainom ni Dremion ang isang shot ng tequilla kay Blash kaya binato ko sya ng pinag pigaan ng lemon.

"Aray!" Tumatawang daing nya kaya tinuro ko naman si Blake at si Dremion maging si Ice at Cazdrin.

"Kapag nag kasakit sa atay ang kapatid ko---gagawin kong bopis ang intestines at atay nyo!"

Binalewala naman nila ako at patuloy sa pag papinom sa trese anyos kong kapatid. Halos maubos na nito ang isang can ng beer.

"Baby, comfort room lang" bulong sakin ni Cazdrinkaya kinumpas ko nalang ang kamay ko at sinenyas na umalis na sya.

Almost 5 Minutes had passed wala parin si Cazdrin at napag pasyahan na namin na bumalik sa rooms since they're really out or their mind and Blash is already drunk. Kung sa normal na ugali nya ay napaka snob at deadpanner nya, he's the complete opposite ngayong lasing sya.

"Lumabas na kayo ng bar, ako na ang mag aantay kay Cazdrin" taboy ko at sumang-ayon naman sila.

"Ate! Hanapan mho ko ng gelfren! Yung matino! Usto koh parang ikhaw!" Lasing na sabi ni Blash kaya napailing nalang ako.

Inakay naman nila yun palabas at bago nilapitan muna ako ni Ice.

"Astrid, bilisan nyo ha? Mag ingat karin baka mapag diskitahan ka dyan" paalala nya kaya tinapik ko lang ang braso nya at tumango.

Nag lakad naman ako papunta sa restroom area at nakakapag taka na ang tagal ni Cazdrin pero wala namang gaanong tao doon kahit for mixed genders.

Akma akong kamatok ng makitang naka siwang ang pintuan ng kaya imbis na kumatok ako ay binuksan ko yun---

What the hell?

What the effing fuck?

"You're so hot" bulong ni Venus dito habang hinahalikan nya si Cazdrin sa palibot ng mukha pababa sa leeg at pabalik balik.

Thorns Of The Rose (Rose Duology #2)|| COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon