Chapter 1: Save and Thanks
35/50.
Shit.
"Miss Zaldua, any question? correction?" napalinga-linga ako sa paligid bago nahihiyang umiling. May nadinig pa akong natatawa at nangaasar sa bigla kong pagtayo.
Napapikit nalang ako. Tandang tanda ko pa ang dalawang gabi kong pagpupuyat para lang makabisado ang formula, Tapos eto? Eto lang makukuha ko?
Natapos ang klase at madaming nakiusisa na bakit ganon score lang daw ang nakuha ko. Yan din ang tanong ko sa sarili ko, lumabas ako ng room at nakitang nakasandal at nagtitipa sakanyang cellphone.
Dumaan ako sa harap nya at nilagpasan sya.
"Musta?" Inakbayan nya ako at dinig ko pa ang paghinga nya sa paghabol nya saakin. Malayo na ang nilakad ko bago nya ako sundan.
"Fine." I said casually.
Tinignan nya ako at tinaasan ng kilay. Huminga ako ng malalim at sinabi nalang ang totoo.
"Okay, mababa ang nakuha kong score sa Alegbra." Humagalpak sya ng natawa at pinagpapalo pa ang braso ko.
"So? Depress ka na nyan?" Nakataas ang kilay nya at tinignan ang cellphone nya. Pababa kami ngayon dahil sa groundfloor pa ang canteen namin.
"Alam mong pag nalaman 'to ni Mommy magagalit talaga sya."Ng makarating kami sa Canteen halos puno na lahat ang table at tanging malapit lang sa comfort room ang wala. Inilapag ko ang dala kong libro at bag sa table ng canteen. Inilabas ko ang skyflakes habang magbabasa ng History Book. Habang si Odette naman ay bumili ng Ice Cream.
Umupo si Odette sa table ng canteen at hinayaan ko nalang sya. Laging ganto ang ginagawa nya, kung minsan hihiga pa sya. Nagfocus nalang ako sa pagbabasa kahit sobrang ingay ng paligid.
"Did you know? I lost my vir-"
"Omaygod! Shut the hell your mouth!" I whisper to her ears. Kumunot ang noo nya at agad tinanggal ang palad kong nakalagay sa bibig nya.
"Why? It's normal, Flora," Ibinaba nya ang hawak nyang phone at nginitian ako. Dinilaan nya ang Ice Cream nya at itinapat naman nya ito sa mukha ko.
"Yes! Pero sa public place na ganto sa tingin ko hindi normal. And stop calling me Flora! Dette!" balik kong asar sakanya.Umiling ako sa pagtanggi sa alok nyang hati kami ng Ice Cream nya. Naalala ko lang din, Flora ang tawag saakin ni Mommy, Daddy, and Lola. At sa lagi nyang pagpunta sa bahay...lagi din nyang nadidinig na Flora ang tawag saakin nila Mommy.
"Ok? Tigilan mo din ako sa pagtawag ng Dette!" She rolled her eyes at me. Asar yun ng nambubully sakanya dati na nainlove sakanya ng mag 4th year highschool kami, ngayon.
"5 Minutes nalang tapos na ang break, Let's go?" aya saakin ni Odette. Tapos na syang kumain at nagpupunas na ng kamay sa tissue na hawak nya. Tinanguan ko sya at kinuha na ang bag at libro na nasa table.
Paakyat kami pabalik sa room ng mapansin may teacher na nagtuturo sa room namin! Ang aga naman! Napalingon ako kay Odette na nagulat din.
"Hindi mo alam?! Sir Jayson kayo ngayon?" mabilis akong umiling at nakita ang pagkamot nya ng ulo.
"Nako! Terror pa naman yan Flora! Sinasabi ko sa'yo eh! Bakit di mo kasi inisip na sya next teacher nyo? Ibabagsak ka nyan!" medyo kinabahan na ako sa sinabi nya. Sa lahat ng studyante sa school na 'to na naging subject teacher sya o advisory class laging bukambibig nila na matapang syang teacher at nambabagsak talaga, lalo na kong late sa klase nya.
"Nako! Flora! 1 Minutes nalang klase na namin! I have to go!" nagpapanic na sabi ni Odette. Nagkasalubong pa sila ng susunod na teacher nya at sabay silang pumasok ng room.
Napasandal nalang ako sa pader. This is my first time! First time mababa ang exam! First time malate!
"Bloody hell..." nasapo ko ang noo ko ng makitang nagiikot ang mga student council. Kasama din pala ang senior sa pagiikot? Magkakaroon pa ako ng record ngayong last year ko na sa junior high?! Malaking epekto 'to sa grades ko! Maaring mababa ako sa honor!
Kung ano ano ng iniisip ko para hindi maiyak sa mga nangyayari saakin ngayon. "Happy place...happy place...happy moments...happy moments..." paulit-ulit kong sinasabi para maalala ang masasayang nangyari sa buhay ko at hindi mapa-hagulgol.
There's 2 types of anger. One is wet and two is dry. Wet anger means when your eyes water and your voice shakes and you feel weak...and I feel wet anger in this kind of situation.
"What are you doing?" napalingon ako sa nagsalita, kunot noo syang nakatingin saakin at pawis na pawis. Pinunasan ko ang mga iilang luhang pumatak galing sa mata ko. Tumayo ako para sana maglebel kami ngunit nakatingala parin ako sa tangkad nya.
Zachary. The President of Senior High Student Council. I believe he's smart and very self-centered? I don't really know him...I mean, he's very popular in this school but, I think he's very private too...
He's eyes looks unemotional and dark smoldering looking at me. "Nothing." Napayuko ako at napapikit.
"You're late." He said coldly. Tumingin ako sakanya, naglakad sya patungo sa tabi ko at sumandal sa pader. May dala syang attendance for late pero hindi nya saakin ibinibigay. Hindi ko nalang pinansin at baka alam naman nya ang buong pangalan ko?
Katahimikan ang bumalot saaming dalawa. Tinignan ko nalang ang sapatos ko at nagisip ng masasayang alaala.
"Why are you sad?" Napalingon ako sakanya. Umiling ako at muli nanaman tinignan ang sapatos.
I hide my face in my hands. Nakakahiya! Bakit pa kasi nandito pa sya! Gusto ko ng umiyak eh...
"This may be the worst idea I ever made, I don't know. Have to see if I can work." Nagulat ako sa sinabi nya at tinanggal ang kamay sa mukha ko. Tiningnan nya ang attendance for late at ibinaba rin.
"What?"
"I'll help you out." He said lazily. Naglakad na sya papalayo at pababa sa floor namin...

YOU ARE READING
Philocalist By The Beach
Teen FictionFlorence Lulu Zaldua a lover of beauty, and appreciates beauty in all things. But, everything changes. When your heart is wrecked. You can't control love and she hope, she find someone that treasure and appreciate as much as she appreciates beauty...