Chapter 5

9 2 0
                                    

Chapter 5: Fake or Real


"How long will you pretend that you're ok?!" umalingawngaw ang sigaw ni Lola Mercy galing sa baba. Napatakbo ako at maingat na sumilip sa sala. 

Nangingilid ang luha ni Mommy maging si Lola. Napahawak ako sa labi ko at napapikit sa nakikita. 

Everything is very confusing. I don't know what's happening about them but I feel my Mom is very vulnerable. 

Iniwan ni Lola si Mommy sa sala at napaluhod naman si Mommy. Lumunok ako at tumakbo patungo sakanya para yakapin sya.

"Mommy-" niyakap ko sya galing sa likod ng hinarap nya ako at tinulak. Nanlilisik ang mata nya at galit na galit saakin.

"Leave! Get out!" sigaw nya saakin. Naipon sa mga mata ko ang luha na naguunahan ng lumabas pag kalabas ko ng bahay. Isinukbit ko ang bag ko at naglakad na patungo sa sakayan ng jeep papuntang school.

Pag kadating ko sa school ay patakbo akong dumiretso sa restroom.

I wish I could be the perfect daughter.

Naghilamos ako ng paulit ulit. Medyo nabasa din ang blouse ko, kinuha ko sa bag ko ang panyo ko at nagpunas ng basang kamay.

"Sana kamustahin mo rin ang kaibigan mo," she said with a smile. Napatingin ako sa nagsalita. Natasha.

"Look at them-so young and willing to sacrifice things for love," Hinarap saakin ni Natasha ang tinitignan nya sa cellphone nya. Larawan na naghahalikan si Odette at Raze.

"Magsasaka si Raze at galing sa mayamang pamilya si Odette, anong masasabi mo Florence?" she smirked. "Idelete mo yan." utos ko sakanya.

"Hindi na kailangan dahil kalat na sa buong school." she smiled evilly, before she left.

Lumabas ako ng restroom at naglakad na patungo sa classroom. Madaming tumatakbo sa isip ko, kung totoo man yun eh ano naman? Ano naman kung nahulog nga si Odette sa isang magsasaka? Hindi naman isang krimen ang pagmamahal.

Pumasok ako sa classroom at agad agad nilapitan. "Are you okay, Florence about sa nangyari kay Odette?" Everyone asks, but no one really cares.  Nagtanong din sila kung totoo ba ang issue na kumakalat kay Odette. Hindi ko na sila pinansin at mabuti nalang dahil dumating kaaagad ang teacher namin at tinigilan rin nila ako.

Lumipas ang oras at tinuon ko ang atensyon ko sa klase. Hindi pumasok si Odette kaya pumunta nalang ako sa library ng recess at lunch para aralin ang susunod na lessons sa mga major subjects.

Patapos na ang klase at dumiretso ulit ako sa library. Mabuti nalang pala pag-uwian lalong walang mga estudyante. Pumunta ako sa pinaka dulo ng library na sobrang dilim at walang ilaw. Hindi naman gaanong madumi dito at pakiramdam ko mas komportable ako dito, wala naman akong balak magbasa ang gusto ko lang mapagisa sa madilim at tahimik.

Umupo ako at tumitig sa kawalan, ilang minuto lang ay nagdesisyon na din akong tumayo at tignan ang mga libro na nakatago rito.

I was thinking about Odette when someone grab my waist!

Muntik na akong mapatalon at biglang kinabahan. "Shh..." Inalis nya ang pagkakahawak nya saakin at hinarap ko sya.

"Zachary,"

"Hmm?" He smirked. 

"What do you want?" I whisper softly at him. 

Nanatili syang nakatitig saakin at hindi ko makayanan ang titig nya ay tinalikuran ko nalang sya.

"You look sad," he said. 

"Ano naman? Hindi naman tayo close," ngumoso ako at isinukbit ang bag ko.

"You never said thanks to me," Hinarap ko sya at tumingala.

"Thank you," Iiwan ko na sana sya ng niyakap nya ako patalikod.

"I changed my mind I don't accept thank you,"

"Bitawan mo ako! Since when are we close?" Binitawan naman nya ako at hinarap ko sya.

"Anong kailangan mo?"

"Can we date?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Philocalist By The BeachWhere stories live. Discover now