Chapter 3: From Unknown Number
Araw araw kitang mamahalin. Sambit ko sa napakagandang tanawin dito sa isla. Nawa'y manatili ka sanang ganito. Mahinahon, Inosente at Hindi nagbabago.
Bumaba ako at nakita si Lola Mercy na umiinom ng kape. Nginitian nya ako at lumapit naman ako sakanya para magmano.
Lumabas ako ng mansyon at unang una ko kaagad nasilayan ang magkarelasyon na naghahalikan sa dalampasigan. Tatalikod na sana ako ng lumapit ang isa nilang kaibigan at sinampal ang kaibigang babae.
"Hoy! Ahas ka talaga eh 'noh? Kahit talaga boyfriend ko aagawin mo! at talagang sa gantong pagkakataon pa!" sinampal nya muli ito at gumanti naman ang babae. Nagaaway na sila at nilapitan na sila ng iba nilang kasama.
I realize something. We're too young to be in love. we're too young to experience such as pain like that, we're too young to commit ourselves to someone we think we deserve. Umiling din ako at bahagyang napangiti. Baka nadala lang ako sa nakita, dahil katulad ko...maaring mapagdaanan ko din yan...maaring mahulog din ako, sa pag-ibig na hindi pala akin.
"Anong tinitignan mo?" napatili ako sa bumulong saakin.
"Zachary!?" I whisper. Sumilip pa ako kung may tao sa loob ng mansiyon na makakakita saamin. Iniwan ko sya duon na nakatayo at sinundan naman nya ako.
"Gusto ko lang huminga ng ta-"
"Bakit? Huwag na. Tapos na yun." hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya dahil ayokong maalala ulit. Tinignan ko nalang ang dalampasigan para umayos ulit ang pakiramdam ko.
May pagkakataon talaga na kailangan mong tanggapin kahit pa masakit.
"You can talk to me or not talk to me, but yes,I'm here." I glanced at him. He looks very serious gusto kong matawa dahil hindi naman kami magkaibigan. Sadyang nagkataon lang na, nalate ako at nagiikot ang student council.
"Huh?" kumunot ang noo ko sa sinabi nya at rinig na rinig ko ang pagbubuntong hininga nya.
I glanced at him again. And he looked at me, like there was something in my worth looking at...
"Flora!" nadinig ko ang sigaw ni Lola Mercy at napatalon sa gulat.
"Po!" Tumakbo na ako papasok sa bahay at nakita syang nakatayo. Napatigil ako ng makita ang galit nyang mukha.
"Ano tatayo ka nalang yan? Tara dito maglaba ka!" sigaw nyang muli at bumuntong hininga nalang ako.
Ng tumalikod si Lola Mercy mabilis akong tumakbo sa bintana. Hinawi ko ang kulay kahel na kurtina ng makita ang mukha ni Zachary sa bintana!
"Anong ginagawa mo?" bulong ko. Kahit hindi nya madidinig. Nilingon ko kung nasan si Lola at nakitang hinahagis nya ang mga puting damit sa basket.
Nginitian nya ako at sumandal pa sya sa bintana.
"Flora! Ano bang ginagawa mo dyan sa bintana!" Napatingin ako kay Lola at nanlaki ang mata, muli akong tumingin sa bintana ng hindi na makita si Zachary.
Lumapit na ako kung nasaan si Lola at kinuha na ang mga labahin sa tabi nya...
Isang oras mahigit ang inabot ko sa sobrang daming pinalabang puting damit ni Lola. Nanakit ang likod ko at napagpasyahan na pumunta nalang sa hardin para makakita ng iba't ibang klase ng bulaklak.
Ng magsawa sa pagdidilig ng bulaklak umakyat na ako sa kwarto.
Humilata ako sa kama at ng makita ang cellphone sa side table ay yun nalang ang pinagkabalahan,pagkabukas ko ng phone ay agad nakita ang messages galing sa di kilalang numero.
From: Unknown Number
He's madly inlove, and I will make a heavy manipulation.
YOU ARE READING
Philocalist By The Beach
Teen FictionFlorence Lulu Zaldua a lover of beauty, and appreciates beauty in all things. But, everything changes. When your heart is wrecked. You can't control love and she hope, she find someone that treasure and appreciate as much as she appreciates beauty...