Chapter 2

9 2 5
                                    

Chapter 2: The silent cry


"Seriously? Nagkausap kayo?" gulat na gulat si Odette sa mga kwento ko na nangyari saakin kahapon.

Tumango ako. "Oo. Sabi din nya tutulungan nya ako. Ayoko sanang maniwala kaso, hindi talaga nagalit saakin si Sir Jayson nuong pumunta ako sa faculty para huminga ng pasensya." Uminom ako sa inorder namin ni Odette na Milkshake. Titig na titig saakin si Odette na parang prinoproseso pa ang mga nangyari saakin.

Lumabas kami ng Milkshake Shop ng malapit na mag-5. May curfew kasi na binigay si Mommy kapag hindi ko nasunod siguradong pagbabawalan na akong sumama kay Odette.

Sumakay kami ng jeep at bumaba din ng sabay. Ilang hakbang lang at naghiwalay na kami ni Odette ng daan. Napahawak ako sa braso ko ng madama ko ang malamig na simoy ng hangin.

Bizzare, afternoon. Weird.

Tinignan ko ang relo ko at may 10 minutes pa naman ako para magliwaliw sa mala-paraisong ganda ng dagat.

Naglakad ako papuntang pampang, nakakagulat na walang mga tao sa mga oras na ito. But in reality, I'm inlove how peaceful the sea is. It feels like I am strong and I've gone through hell and kept walking. 'Cuz I know my weaknesses.

I have grown as a person.

And, I allow myself to be at peace with this. I smiled.

Suddenly, I felt feeble. Pabalik na sana ako sa daan patungo sa bahay, ng may humawak ng pulsuhan ko! Nanginginig ako at napailing iling. He's very serious and furious. Matangkad at hubog na hubog ang katawan ang may hawak sa pulsuhan ko ng sobrang higpit. He's handle bar moustache makes him looks more creepy.

"Come with me." Nangangatog ako at pilit binabawi ang pagkakahawak nya saakin. "No!" Binitawan nya ako at lumapit pa lalo saakin.

"I'm not going to hurt you." He smirked. 

"I've heard those words before." Hinawakan nya ang baba ko at hinilang muli ako.

"Mabuti at alam mo, dahil papatayin kita." malamig nyang sambit. Nangingilid ang luha ko at nagsisigaw na.

"You'd be better off avoiding her." Napalingon ako sa nagsalita sa likod.

"Cian."

"Zachary!" The man shouted to Zachary. Seryoso lang na nakatingin si Zachary. Nagtitigan sila at binitawan ako ng malaking lalake.

"Ano nanaman ba 'to?"sambit ni lalake. Nakatitig lang si Zachary kahit halos magkalapit na ang kanilang mukha, titig na titig pa din sya dito na parang gustong patayin.

Tinulak ni Zachary ang lalake. Dahilan upang bumagsak ito sa lupa. Hinigit nya kaagad ako at mabilis na naglakad.

"S-andali..." Nanginginig kong sabi. Hindi padin makapaniwala sa nangyari. Napatigil kami sa paglalakad ng makalayo layo na. Napayuko ako at dinadama ang pagbilis ng tibok ng puso ko, naramdaman na ng katawan ko ang nangyari saakin. Napapikit nalang ako, at sa kasamaan palad umulan pa.

'Kailangan mo ng umuwi." He said. Tumayo na ako ng tuwid at tumango. Pinunasan ang iilang luhang bumabagsak galing sa mata ko.

Nakarating rin ako sa bahay, gusto man ni Zachary na ihatid akong mismo sa bahay namin, tumanggi na ako. Bukod sa baka magsalita si Zachary sa totoong nangyari, ayokong isipin nila Mommy na nagboboyfriend na ako...

"Anong nangyari sayo?! At ano itong mga pasa sa pulsuhan mo?!" naghy-hysterical na sabi ni Mommy. Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Mommy. Napatakbo din si Lola Mercy patungo saakin.

Hindi ako makasagot, dahil paniguradong magagalit si Mommy at pagbabawalan na akong lumabas labas pa.

Tinignan ko si Mommy at nakita ko sa mga mata nya ang mumunting luha. Niyakap nya ako at damang dama ko ang panginginig nya. Gulat na gulat ako at parang ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pagaalaga. Hinimas nya ang buhok ko at halos di na makahinga sa sobrang higpit ng yakap."Wala po ito Mommy, nadapa lang po ako sa school at naulanan dahil walang payong." sinamahan ko pa ng tawa para mas maging mukhang normal.

"Mersyel, tama na yan. Pagbihisin mo na si Flora." Mahinahon na sabi ni Lola. Binitawan ako ni Mommy at agad syang tumalikod.

Nawala din ang kaunting saya ko ng makaakyat ako sa kwarto.

I cry silently. Where I have to hold my breath and grab my stomach just trying to keep quiet at the night. Takot na takot akong baka maulit ulit ang ikwentrong iyon. Takot din ako baka madinig nila Mommy ang mga hagulgol ko.

Para akong binubog physically, mentally, at emotionally. Ang hirap sarilihin ang problema. Pero alam ko din kasi na ako lang ang makakaintindi sa sarili ko. 





Philocalist By The BeachWhere stories live. Discover now