Prologo

26 12 0
                                    

Isang babae ang tumatakbo habang umiiyak.

"Hindi ka bagay dito umalis ka na!"

"Oo nga salot kayo mangkukulam!"

Pinahid niya ang luhang lumandas sa pisngi habang tumatakbo. Umakyat siya nang hagdan hindi pa rin siya tinantan nang mga bully.

"Pinatay mo si Apollo magbabayad ka"

Habang tumatakbo sa hagdan bigla na lang sumikip ang dibdib niya. S-si Apollo na Mahal na Mahal niya."W-wala akong kasalanan, Apollo"

Masaya pa sila kagabi kasi birthday ni Apollo at sa bahay nito ang handaan. Mga bully ang mga kaibigan ni Apollo at masasama ang ugali.

Nang bigla na lang mangisay si Apollo at humandusay sa sahig. Sinubukan nilang sagipin ang buhay nito ngunit hindi pa man nakarating sa ospital binawian na ito nang buhay.

Palaisipan ang biglaan nitong pagkamatay. Isang Tao Ang sinisi nang pamilya ni Apollo at nang mga kaibigan nito. Siya!

Umiiyak pa rin siya nang makarating nang rooftop. Nakadama siya nang kaginhawaan doon.

Kinuha niya sa bulsa ang maliit na music box at binuksan yun saka pinatugtog.

Regalo yun ni Apollo sa kanya. Nagulat siya nang biglang may bumato sa kanya. Lumingon siya at nakita ang apat na mga kaibigan ni Apollo nasa likuran nang mga Ito Ang mga bully na habol nang habol sa kanya.

"Mamatay ka na salot ka"

Tumingin siya sa music box at nilapag Yun sa sahig. Pagod siyang huminga.

"Wala akong kasalanan sa pagkamatay ni Apollo pero kung ang kamatayan ko ang kabayaran sa katahimikan niyo. Gagawin ko na ngayon, tutuparin ko ang gusto niyo"

Sumisigaw ang mga Ito habang nakangisi ang mga kaibigan nang minamahal.

Pumikit siya at umatras. Sa bawat pag-atras niya papalakas nang papalakas ang tibok nang puso niya. Nararamdaman niya na, Ang kamatayan niya.

Nawala ang ngisi sa mukha nang mga kaibigan ni Apollo nang malamang seryoso siya sa gagawin."Nawa'y Sumaya na Kayo" Bulong nang dalaga.

Huli na para umawat ang mga kaibigan ni Apollo mabilis siyang tumalikod walang sali-salitang tumalon Ito sa Rooftop.

Tumakbo sila at sinilip ang katawan nang babae. Kinabahan sila nang makita ang katawan nitong naliligo sa dugo at basag ang ulo kumalat sa sahig ang masagana nitong dugo.

Sa isang iglap naging magulo na ang paligid habang patuloy na tumutugtog ang music box sa sahig.

Let's Play A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon