Chapter 5- Ghost in the CR

15 10 4
                                    

Iya's POV

Ang talino talaga ni Cedie lagi niyang napapansin na natatakot o nababalisa.

"Hi!". Napaigtad ako sa nagsalita lumingon ako at nakita ko ang nakangiting mukha ni JJ.

"Uy! Hello. Kamusta ka na?"

"Ok lang. Salamat nga pala last time ha"

"Wala yun. Matuto kang lumaban minsan JJ para hindi ka nila mabully lagi. Kaya ka nila laging binubully kasi hinahayaan mo sila". Pangaral ko kay JJ. Ngumiti naman siya at tumango.

"Wag kang mag-alala Iya hindi ko na hahayaan na ibully nila ako"

"Dapat lang". Napansin naming pumasok si Jenny sa room na nakayuko habang hawak hawak ang libro.

"She's really creepy. Para siyang anak nang aswang or anak nang mangkukulam". Sambit ni Irish. Umiling ako minsan talaga bully sila Lalo na pag nagsama sila ni Nat.

"Oo nga. She's an outcast Girl". Tumayo na ako at lumapit sa desk nila natigil sila sa pag-uusap at tumingin sa akin saka ngumiti.

"Wag niyo nang ibully gumagaya na ata kayo kay Franco eh"

"Sorry Iya pero kasi I'm being careful only mahirap na kasi". Sambit ni Irish.

Magsasalita na sana ako nang pumasok nang classroom ang Crush ko. Weird right? I'm famous and Perfect at maraming nagkagusto sa akin pero seryoso may Crush talaga ako.

Nakangiti siyang naglakad habang nakasukbit ang bag sa kaliwang balikat. With those captivating chinky eyes and clean-cut hairstyle, marami talaga ang nahu-humaling sa kanya kasama na ako dun.

"Hi Iya. I heard na pinag-tanggol mo si JJ last time thank you for that 'yang kaibigan ko kasi hindi marunong lumaban". Nakangiting sambit niya. Natutulala ako I can't believe it na kina-kausap niya ako ngayon.

Sasagot na sana ako nang maramdaman kong may umakbay sa akin napalingon ako sa taong iyon.

Nakangisi si Cedie habang kaharap si Dane na nakangiti pa rin at walang bakas nang Inis sa mukha.

"Matapang kasi 'tong kaibigan namin akala mo hero hindi niya naman kaya"

Nainis ako sa sinabi ni Cedie napawi tuloy ang magandang mood bwisit talaga 'to pagalit kong tinanggal ang kamay niya sa balikat ko.

Ngumiti pa rin ako kay Dane kahit Inis na Inis pa rin ako sa ginawa ni Cedrick.

"A-ah Dane wala yun don't worry kinausap na ako ni JJ at sabi niya lalaban na daw siya ayoko kasi nang may binubully"

"Me too. I'm dubbed as Mr. Nice Guy of WestView pero nagagalit din ako pag ginanun mga kaibigan ko"

"Ako rin handa akong makipag-away para sa mga kaibigan ko"

"Tss". Narinig kong reklamo ni Cedrick hinarap ko siya at sinamaan nang tingin umiwas lang siya nang tingin.

"Sige Iya pwede ka bang maayang mag.lunch mamaya sa Cafeteria?"

OMG! Inaaya ako ni Crush kilig na kilig tuloy ako. O-oo na sana ako nang umekstra na naman ang walanghiyang si Cedrick.

"Sorry Bro every lunch magkakasama kaming magbabarkada"

"Ow sad to hear that maybe next time Iya?"

"S-sure. Sorry Dane"

"It's okay". Ngumiti siya at pumunta sa seat niya hinarap ko si Cedrick na nakangisi.

"Alam mo pakialamero ka talaga"

"What? Totoo naman ah. Tss crush mo pa rin pala Yun"

"Bakit? Ano'ng problema mo?"

"LQ na naman ang dalawa". Nagtawanan mga kaklase namin sa sinabi ni Klaus.

Inis na inirapan ko ang nakangisi pa ring si Cedrick bwisit ka talaga. Inis na lumabas ako nang room at lumakad nang lumakad.

Pabagsak kong sinara ang pintuang binuksan ko sumandal ako sa pader at pumikit saka huminga nang malalim inis na Inis pa rin talaga ako kay Cedrick akala ko Ok na kami pero bwisit pa rin pala siya.

Nagulat ako nang makarinig ako nang panaghoy agad akong kinilabutan ngayon ko lang napagtanto na sa lumang CR pala ako nakapasok kung saan may nagmumultong babaeng duguan.

Agad nanindig balahibo ko nang biglang lumamig ang ihip nang hangin nagsimula nang manginig ang kamay ko at pawisan na rin ako nang malapot.

Sinubukan kong lumabas pero hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. At napasigaw na lang ako nang may lumitaw na babaeng duguan ang mukha sa harap ko hindi lang duguan basag ang bungo niya at Kita ko ang malapot na dugong patuloy na dumadaloy sa mukha niya umiiyak siya nang Dugo pero nanlilisik ang mga mata niya.

Sa sobrang takot ko bigla na lang nag-dilim ang paningin ko at Hindi ko na alam ang nangyari.

Let's Play A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon