Chapter 12- Wrath

16 7 0
                                    

Iya's POV

Magkatabi kami ni Ced na nakaupo sa bench. Habang seryoso siyang nagsusulat sa notebook niya ako naman iniisip pa rin ang babaeng laging nagpapakita sa amin.

Napansin ata ni Cedrick na tahimik ako kaya humarap siya sa akin. "Hey! Iniisip mo pa rin ba yung multong babae?"

Tumango ako. "Hindi talaga siya mawala sa isipan ko, Ced. Parang mas lalo akong naging curious sa nangyari sa kanya"

"Don't worry. Mabibigyan din natin siya ng hustisya at nang matahimik na siya sa kabilang buhay"

Tumango ako saka tumingin sa paligid. Nakita kong tahimik na nag.uusap Sina Dane at JJ.

Kumunot ang noo ko. Ano naman kaya pinag-uusapan nila?

Someone's POV.

Tahimik akong nakatanaw sa puntod niya habang kuyom kuyom ang kamao ko.

"Ipaghihiganti ka namin Ate. Pauuwiin ko muna 'yung mga may atraso sa'yo tapos dun na kami aatake. Pahihirapan ko sila hanggang sa magma.kaawa silang patayin ko na lang sila" nanlilisik ang matang at galit kong sambit.

Naramdaman ko ang malamig na pagdampi ng hangin sa batok ko. "Alam ko nandito ka lang, Ate. Hindi mo ako mapipigilan sa mga gagawin ko sa kanila."

May tumapik sa balikat ko kaya napalingon ako. "Itay."

"Sigurado ka na ba sa gagawin natin?" Seryosong tanong ni Itay.

"Siguradong-sigurado na may mga napatay na ako Itay at sanay na akong pumatay"

"Nandito lang kami sa tabi mo para sa mga plano mo"

Tumango ako. Iisahin ko ang mga Mahal nila sa buhay. Hindi ako titigil hangga't hindi nabibigyan ng hustisya si Ate.

"Mabait naman tayo 'tay eh pero sinagad nila tayo porket mayayaman sila ginagamit nila ang pera para takpan ang mga kagaguhan na ginawa nila. Pwes nagkamali sila ng kinalaban"

"Maiintindihan din nang Ate mo ang gagawin natin."

Tinapik niya ako sa balikat bago ako iniwan. Sa Paparating na Retreat dun ko na isasagawa ang mga plano ko. Nilabas ko ang music box na pag-aari ni Ate saka ko pinatugtog at umupo sa harap ng puntod niya at nilapag dun ang paborito niyang music box na niregalo pa ni Apollo sa kanya.

Cedrick's POV

"Pre, napansin ko na close na kayo ni Iyah ah"

Napalingon ako sa biglang umakbay sa akin. Si Klaus lang pala.

"Palagi na lang kasi kaming nag-aaway eh kaya naisipan naming maging mabait na lang sa Isa't-isa"

Ngumisi si Klaus. "Alam ko may gusto ka sa kanya."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano'ng pinagsasabi mo diyan?"

"Defensive hahaha don't worry your secret is safe with me."

Umiling na lang ako at inalis ang kamay niya sa balikat ko. "Wala nga akong gusto kay Iyah."

"Sabihin mo sa bato bro di mo ako maloloko"

Mahina na lang akong tumawa. Tumahimik kami ng makita ko si Iya kasama sina Irish at Natalie na mukhang masayang nag-uusap.

Nilapitan namin sila kaya napansin nila kami.

"Hi Girls!" Masayang sambit ni Klaus at nilapit pa ako sa pwesto ni Iya. Napalunok ako gagong 'to!.

Tipid na ngumiti sa akin si Iya at bahagyang umusog para makaupo ako samantalang tumabi naman si Klaus kay Irish.

"Ay! Wow! Ba't ako walang partner?" Parang nagtatampong sambit ni Natalie. Tinawanan namin siya.

"JJ! Yow! Halika dito!" Sigaw ni Klaus.

"Ewww!! Ipartner niyo naman ako sa gwapo na sikat"

"Choosy ka pa! Gwapo din naman si JJ ah pag inayusan"

"Oo nga! Atsaka mukhang bagay kayo"

Habang busy sila sa pag-aasaran umusog ako papalapit kay Iya at Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.

"Nakikita mo pa rin ba siya?" Bulong ko kaya napatingin siya sa akin.

"So far hindi naman pero alam ko magpaparamdam siya ulit"

Tumango ako saka umayos na ng upo. Kung sino man ang babaeng nagpapakita sa amin sana magbigay siya ng hint kung paano namin siya matutulungan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let's Play A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon