Chapter 9- Nightmare, Voices and a Girl

21 8 3
                                    

3rd Person's POV

Napansin ni Iya ang sarili na nasa loob nang Westview High. Nagtataka siya kung paano siya napunta roon. Gulong-gulo ang isip niya pero ganun pa man lumakad pa rin siya sa tahimik na hallway.

Walang katao-tao ang paligid. Ano'ng gagawin ko rito? At bakit walang Tao? Nasaan ang mga kaibigan ko? Ang tanong nang dalaga sa isipan.

Parang may sariling isip ang paa niya at patuloy yun sa paglakad. Natagpuan niya ang sarili sa harap nang pintuan kung saan matatagpuan ang hagdan patungong rooftop.

Binuksan niya ang pinto at luminga kasi nakaramdam siya nang kilabot pakiramdam niya may kasama siyang iba kahit siya lang mag-isa ang nakatayo.

Pumasok siya at tinitigan ang lumang hagdan. May takot siya sa matataas na lugar kaya hindi niya alam kung bakit siya nandun. Ganun pa man umakyat pa rin siya bawat hakbang niya sa hagdan bumibigat ang nararamdaman niya.

"Iya~"

Lumingon siya nang marinig na may tumawag sa pangalan niya pero wala siyang nakita. Pinagsawalang bahala niya yun at nagpatuloy sa pag-akyat nang hagdan.

"Iya~ nasa paligid niyo lang sila"

Napalunok siya nang marinig na naman ang boses nang isang babaeng parang nanggaling sa ilalim nang hukay.

"Wag kang magtiwala. Mapapahamak ka"

Pumikit siya at di na inalintana ang boses na yun. Nang marating niya ang rooftop kakaibang lamig at kilabot ang naramdaman niya nang maramdamang parang may dumaan sa tabi niya.

Napadako ang tingin niya sa dulo nang rooftop kung saan nakita niyang nakatayo ang isang babaeng nakasuot nang lumang uniporme nang Westview High.

Nakatalikod Ito sa kanya. Payat ang babae at hanggang balikat ang Buhok nito.

Pinili niyang maging matapang at lakas loob na nilapitan ang Babae. Habang papalapit siya napansin niyang may hawak ito.

Isang Music Box!! At nakakilabot ang tono na tumutugtog doon.

"S-sino ka?" Tanong niya sa misteryosong Babae. Hindi ito humarap sa kanya nanatili itong nakatalikod sa kanya.

"B-bakit walang Tao dito? Ano ba nangyayari?" Gulong-gulo na tanong nang dalaga. Pero Wala pa ring tugon sa babae.

Nasasayang ang oras niya sa babaeng ito tatalikod na sana siya nang magsalita ito. "Iwasan mo ang mga taong nakapaligid sa'yo. Wag kang magtiwala sa kanila mapapahamak ka lang"

Nanlaki ang mga mata niya. Kapareho nang boses na narinig niya kanina habang papaakyat nang hagdan. Mas lalo siyang nangilabot nang gumalaw ito papaharap sa kanya.

"S-sino ka? Bakit ganyan mga sinasabi mo sa akin?"

"May tamang panahon para diyan ang gawin mo sa ngayon wag kang magtiwala agad"

"K-kanino?"

"Sa kanila"

Nagsa-sayang lang siya nang oras sa isang walang kwentang tao. Umiling siya at lalakad na sana nang may humawak sa pulsuhan niya at mas lalo siyang nasindak nang maramdaman na kasing lamig nang yelo ang balat nito.

Napalunok siya at tumingin sa mukha nang babaeng nakahawak sa kamay niya. Ganun na lang ang takot na naramdaman nang makita ang kabuuan nang mukha nito.

Basag ang bungo nito at sumusuka ito nang dugo habang nanlilisik ang mga mata na nakatitig sa kanya.

"Aaahhhhhh." Tili nang dalaga.

~

"Hija!! Wake up!! Binabangungot ka"

Napaupo ang dalaga at nabungaran niya ang nag-aalalang mukha nang Ina at Ama niya.

"Are you okay? Ano ba napanaginipan mo? Bakit parang takot na takot ka?"

Niyakap siya nang ina. "W-wala Mom. Bad dream lang pwedeng dito na kayo matulog ni Dad? Ayoko po kasing matulog nang mag-isa ngayon."

"Sure Hija. Gusto mo ba uminom nang Gatas?" Umiling ang dalaga. Hindi mawala sa isip niya ang napanaginipan. Bumabagabag ang isip niya.

Sino ang babaeng yun? Ano ba talaga ang lihim na yun? I need to know the Truth. Yumakap siyang muli sa ama at ina.

Let's Play A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon