Chapter 3- First Victim

20 12 2
                                    

Cedrick's POV

Napansin 'kong parang namumutla si Iya habang nakatingin sa labas. Alam ko palagi kaming nagba-bangayan pero hindi ko gusto yung takot na nakikita ko sa mga mata niya ngayon. Tumayo ako at lumapit sa kanya lalabas sana ako para samahan si JJ para magreklamo sa guidance.

"Iya, Are you okay?"

Humarap siya sa akin at umiling saka tipid na ngumiti. Pero pansin ko pa rin ang takot sa mga mata niya.

Tumango na lang ako."Ok akala ko kasi ano na nangyari sa'yo."

"I'm definitely fine, Cedie"

Tipid na lang din akong ngumiti. I know your hiding something from us Iya kanina ko pa napapansing balisa ka.

May nakikita kaya siyang hindi namin nakikita? Napatingin ako kina Natalie at Irish na masayang nag-uusap at tumingin ako kay Klaus na mukhang badtrip pa rin. Ako lang nakapansin na balisa si Iya. What's wrong? There's something bothering her.

3rd Person's POV

"Geez pinahaya niya ako kanina." Badtrip na sambit ni Franco sa kaibigang si Clint.

"Don't worry pare reresbakan natin ang Klaus na yan" sumang-ayon ang mga barkada nila.

"Sige makaganti man lang ako pakialamera din ang babaeng yun higantihan din natin siya o yung buo na lang nilang barkada"

"Sige ba! Exciting tangina" Nagtawanan sila.

Ngunit habang nagsasaya sila may isang taong kanina pa nakikinig sa pag-uusap nila. Ngumisi ito at sinuot maskara na walang emosyon. May hawak itong matalim na kutsilyo habang nakatitig sa mga lalaking patuloy na nagtawanan.

"Magdiwang lang kayo huling araw niyo na ito" ngumisi itong muli at tumalikod saka lumakad habang sumisipol. Malaki ang galit niya sa mga katulad ni Franco at sa mga kaibigan nito. Tumigil siya 'di kalayuan at may kinuhang maliit na box sa bulsa saka binuksan yun, isang music box.

~

Masayang naglalakad si Clint habang iniisip ang Plano nila laban sa mga barkada nina Iya.

Ngunit tumigil ito nang makaramdam nang kakaiba. Parang may sumusunod sa kanya napalunok ang Binata at luminga-linga para malaman Kung sino ang sumusunod sa kanya.

"Tangina may multo pa ba sa panahong Ito? Gago ko talaga"

Umiling Ito at napakamot sa ulo saka muling lumakad ngunit hindi pa man nakakalayo ang hakbang Niya nang muli siyang makaramdam nang kakaiba. Pinagpawisan na siya nang malapot at naging balisa na ang titig nito. nasa isang madilim na daan siya papunta sa isang bar Kung saan may nagtitinda nang pinagbabawal na gamot.

"Fuck! Lagot ako kay Franco pag hindi ako nakabili"

Napako siya sa kinatatayuan nang maramdamang parang may nakatayo sa likuran niya.

"Mas lagot ka sa akin ngayon" Sabi nang isang misteryosong Tao, nagbigay nang kilabot sa kanya ang boses nitong walang emosyon. Lumingon siya at Nakita ang isang taong nakasuot nang itim na hoodie at may maskara itong suot na walang emosyon. Nagitla siya nang makita ang hawak nito, Isang patalim.

Iiwas pa sana si Clint nang bigla siyang sinakal nang salarin hindi siya makawala kahit ano'ng palag niya parang bakal ang kamay nitong sumasakal sa leeg niya.

Binalibag siya nang salarin sa isang Kotse namilipit sa sakit ang binata pakiramdam niya may pumutok na ugat sa leeg niya. Tinaas niya ang dalawang kamay habang nagmakaawa sa salarin na lumapit sa kanya.

"W-wag! maawa ka"

"Sorry all out of mercy" walang emosyon pa rin ang boses nito pero pansin sa mga mata nito ang kakaibang saya habang nakikita siyang naghi-hirap.

Sinakal siyang muli nang salarin at napahiyaw nang bigla nitong saksakin ang binti niya naramdaman niyang parang nagkalasog-lasog ang buto niya. Walang awa nitong binunot ang patalim at bumulwak ang sariwang dugo sa binti niya.

"H-hayop ka! Fuck you-"

Hindi na nito natuloy ang sinasabi nang biglang sinaksak nang salarin ang patalim sa bunganga niya. Kumisay ang katawan nito habang nasa bibig pa rin ang kutsilyo sakal sakal pa rin ito nang salarin na tuwang-tuwa sa nakikita umagos ang dugo sa bunganga nito at maya maya lang dilat Ang mga mata na binawian Ito nang buhay.

Parang laruan na tinapon nang salarin ang katawan nito at tumalikod saka namulsa at lumakad na parang walang nangyari sumisipol pa ito.

Let's Play A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon