THE DAY SHE DIED
━━━━━━ ◦ ✿ ◦ ━━━━━━
Bumalik na ko sa upuan at sinira iyong harang ng bintana para umidlip. Mabuti pang matulog na lang muna ako kaysa mapahiya na naman. Ngunit hindi nakikiayon ang katawan ko. Mas gusto yata nitong gunitain ang mga alaala ng nakaraan.
Mali pala.
Hindi ko pa masasabing nakaraan sapagkat magdadalawang araw pa lang kami hindi nagkikita ni Samuel. Ni hindi niya nga alam na umalis ako.
Oo na. Tanga na. Nasanay na ako sa saya na hindi ko kakayanin ang sakit pag siya mismong magsabing hihiwalayan niya na ako.
Mahal ko si Samuel at malaki iyong tiwala ko sa kanya subalit sa araw na lumilipas ay hindi ko maiwasan ang magduda. Sa ilang buwang pagsasama namin ay walang ginawang mali si Samuel. Walang bisyo, walang babae, walang kahit ano na parang napakaperpekto nito.
Ngunit isang araw nag-iba iyon ng bumisita ang kapatid kong si Marie sa mansyon ng mga Valderama. Hindi pa man kami kasal ay doon na ako na ako pinatira ni Samuel. Siya lang naman at ang nakababatang kapatid na lalaki nito ang ninirahan sa bahay nila pagkatapos mamatay ang kanilang mga magulang.
Tumutol ang madrasta ko ngunit wala silang magagawa sa desisyon ni Samuel. Alam niya ang tunay na pagtrato nila sakin kaya mas minabuti niyang magsama na kami. May balak naman talaga ako umalis sa bahay na iniwan ng Papa ko ngunit hindi pa ako masyadong nakapag-ipon sa panahong iyon...
"Stella..." tawag ni Marie at parang nahihirapang magsalita, "Hindi ko alam kung pano sasabihin to."
Suot niya ang mga niregalo sakin ni Samuel noon. Hindi ko na sinubukan kuhanin dahil lalo lamang maging magulo. Nang malaman iyon ni Samuel ay binilhan niya agad ako ng bago. Hindi ko talaga siya maintindihan. Iba talaga siguro gumana ang utak ng mga mayayaman.
"Nakita ko si Samuel na may kasamang babae," patuloy niya.
"Baka trabaho lang," sabi ko.
Alam kong hindi ganoong lalaki si Samuel.
"Hindi lang iisang beses, Stella," ika pa nito.
Nagpatuloy siya sa pagkwento ngunit hindi na ako nakinig. Ayaw ko magkaroon ng lamat ang relasyon namin dahil sa sabi-sabi lamang ng iba.
Umalis rin si Marie pagkalaunan at nagpatuloy lang ang buhay ko. Araw-araw ay puno ng pagmamahal at saya. Ibang iba sa buhay nakinagisan ko. Kulang na lang talaga sa amin ay kasal. Pinangakuan niya naman ako at handa akong maghihintay.
Makalipas ang isang linggo ng bumisita si Marie ay napagdesisyunan kung sorpresahin si Samuel sa hotel. Pagdating ko, umakayat kaagad ako sa opisina. Kilala naman kasi ako dito dahil naging katrabaho ko rin sila. Nagresign nga lang ako ng nagkarelasyon kami ni Samuel at lumipat ng bagong hotel. Baka kasi magka-issue pa at ayaw kong maging pabigat sa kanya.
"Magandang hapon. Si Samuel?" tanong ko sa sekretarya at nagpakilala.
Bago na naman kasi ito dahil madalas magpalit ng sekretarya si Samuel. Parang itong nakakita ng multo pag-angat nito ng tingin.
"Um. Ahm... Ma'am S-stella. W-wait lang po. Um... Ahm... Busy po si Sir," sagot ng babae na hindi makatingin sakin.
Natawa naman ako dahil mukhang tarantangtaranta siya. Hindi naman ako nakakatakot.
"Okay lang. Hintayin ko na lang siya dito," saad ako at aalis papuntang lounge ngunit inagapan ako ng sekeretarya.
"Ma'am!"
BINABASA MO ANG
Days By Your Side || short story
Romancea collection of short stories | book one Days By Your Side Hindi akalain ni Stella an dahil sa kanyang pagkamamali ang dating pag-iibigan nila ni Samuel ay tuluyan ng masisira at hinding hindi na mababalik ng oras kailanapaman. Pero binigyan siya n...