The Day She Returned

142 56 18
                                    

THE DAY SHE RETURNED

━━━━━━ ◦ ✿ ◦ ━━━━━━

Ang gaan ng pakiramdam ko na tila nakalutang. Sa pagmulat ng aking mga mata ay bumungad ang nakaupong pigura ni Samuel nakaharap sa bintana.  Abo't hanggang magkabilang dulo ang ngiti ko ng makita siya. Sa isang iglap ay nakalimutan ko lahat ng pangamba ko sa kanya dahil sa masamang panaginip na iyon. Panaganip na parang sobrang totoo.

Nakakapagtataka nga lang na hindi ko alam kung paano ako napadpad dito. Idagdag pang mga ganitong oras ay nasa trabaho ako.

Abala ito sa pag-usap sa cellphone at mukhang hindi ako napansin. Lumapit ako at tatakpan sana ang mata niya pero parang ilusyon na lumagpas lang iyong kamay ko. Sinubukan ko ulit pero wala pa rin. Dumako ang tingin ko sa baba. Nakapaa lang ako at hindi ko maramdaman ang sahig.

Anong nangyayari?

"I want everything done by Friday, understand?" nakabusangot na asik ni Samuel at naudlot ang pagmumuni-muni ko.

Tinapos nito ang tawag at umupo sa swivel chair. In-on nito ang TV at nagktaaong breaking news ang nasa palabas.

"Local aircraft crashed near the borders of the country with only five survivors. The plane had landed in the open field and there was no missing body. A total of 150 passengers are reported dead together with the five cabin crew," sabi ng lalaki sa TV.

Dinisplay nito ang picture ng eroplano ngunit sirang-sira na ito at malayong malayo sa dati nitong itsura. Ang sumunod naman ay ang mga nakaligtas na pasahero. Tatlong lalaki at dalawang babae. Tumuon ang camera sa isang babae at halos manigas ako ng makita ang pamilyar na mukha nito.

Iyon iyong dalaga na nakaupo sa aisle sa eroplanong sinasakyan ko. Parang lumakas ang tibok ng puso ko. O may puso pa nga ba ako? Kinapa ko ang aking dibdib at ang pamilyar na pulso ay wala na. Ang sensasyon na lamang ang nararamadaman ko.

Bumalik ang tingin ko sa TV at pinakita uli ang limang nakaligtas. Lima lang nabuhay ibig sabihin hindi ako kabilang roon. Mga kamay na hindi makahawak. Ang paglutang ko. Mga paang walang suot na anuman. Mga katangiang nababasa at napapanood niya lang. Katangian ng isang multo.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok iyong sekretarya.

"Good afternoon, S-sir," nakayukong bati nito.

"What is it?" nakunot noong tanong ni Samuel.

"The meeting will start in a few minutes, Sir. A-all the board members are already there. The advertising company had s-sent their representatives and f-finished preparing for the presentation," wika nito na nakayuko magdamag.

Parang itong 'di mapakali at napansin naman kaagad iyon ni Samuel.

"What is it, Jennica? Get straight to the point and don't waste my time," reklamo niya.

"Si M-ma'am Marie ho kasi. Kailangan niya daw kayong makausap. Hindi mo daw sinasagot ang tawag niya," mabilis nitong batid ngunit bahid pa rin ng pag-uutal.

"Wala akong pakialam sa kanya. Let's go to the meeting. Oh and tell the guards to ban her from entering. Ayaw kong istorbohin niya si Stella habang nandito ang girlfriend ko sa hotel," mariing utos niya at tumalima naman kaagad iyong sekretarya.

Nakinig lang ako magdamag. Balak ko sanang puntahan si Marie pero hindi ako nakalayo ng maramandamang parang may humhila sakin papunta kay Samuel.

Hindi man ako mahilig sa mga nakakatakot na libro o pelikula, alam kong ibig sabihin nito. Sabi nila lahat ng multo daw ay natitili lamang sa lupa kung mayroon itong panghihinayang o kalakip na bagay o tao. Siguro, masyado ko talaga siyang mahal na ayaw kong lumisan sa mundong ito basta makasama lang uli siya kahit na hindi niya na ako makikita pa muli.

Sumunod ako sa kanila. Unang beses kong makapunta ng meeting na ganito. Nakakatakot kasi ang mga tao dito sa conference room. Sila iyong may ayaw sa relasyon namin. Mas gusto nila ireto iyong mga anak nila pero sa huli ay wala silang nagawa at nanaig ang kagustuhan ni Samuel.

Nagsimula na ang meeting at may pinalabas silang video. Pagkatapos noon ay nanahimik lahat. Para bang naghihintay ng hatol.

"Is that all? You planned for this for a month and is that all? Even an amateur can do this! You are making a commercial for the number one hotel!"

Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses niya. Ngayon ko lang siya nakitang iritado ng harapan, maliban sa mga panahong artista pa ito. Palagi kasi itong nakasimangot sa mga litrato pero ibang-iba siya ng magkakilala kami.

Buong araw lang ako nakatunghay habang nagtatrabaho siya. Napansin kong nakapermamente na atang magkasalubong ang kilay niya. Idagdag pang, lagi niyang sinisigawan kung sino mang pumupunta sa loob. Ilang beses ring may lumipad na folder sa ere. Kahit iyong sekretarya niyang si Jennica ay para bang sindak na sindak tuwing papasok rito.

Ito siguro iyong dahilang bakit walang nagtatagal na sekretarya sa kanya?

Maraming kasing nagsasabi na masama raw iyong ugali ni Samuel pero ni minsan ay hindi ko nakita iyon. Sobrang amo nito pagmag-isa lang kami at ngayon ko lang nasaksihan ang pagkaminitin ng ulo niya. Walang pag-uusap na hindi natatapos sa pagtaas ng boses niya at kahit maliliit na bagay ay pinupuna nito. Parang gusto ko tuloy magpaumanhin sa kanila sa inaasal ni Samuel.

Kapagkuwan ay tumunog iyong cellphone niya. Sinagot naman kaagad nito.

"Hello, Irene?" bungad nito.

Lumapit ako at narinig ang boses ng babae.

"Did she leave?"

"Yes. It's her third day in the hotel. You better make everything fast," saad ni Samuel.

"Okay. I'll go pack my things at didiretso na ng mansion," sang-ayon naman ni Irene.

"Make sure not to use your car. I'll send Manong Roger. Kaibigan niya ang kapitbahay namin at baka magsumbong. I don't want her to suspect anything."

"And you think hindi pa siya naghihinala? Magdadalawang weeks na kaya 'to."

"I don't know. She's definitely angry. She's not answering my calls or even replying to my messages but for sure she'll understand this once this ends. Mas mainam na wala muna siyang alam ngayon," pahayag ni Samuel.

Patuloy lamang sila sa pag-usap. Gusto kong maiyak pero multo na nga talaga ako. Ni isang patak ng luha ay ayaw kumawala. Tama ako, meron na siyang iba. Aaminin kong nagsisisi talaga ako sa ginawa kong desisyon ngunit wala na akong magagawa ngayon. Nadinig nga ang dalangin kong maging saksi na lang ng buhay niya. Ang buhay niyang wala na ako.

Days By Your Side || short storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon