The Day She Regretted

138 40 8
                                    

THE DAY SHE REGRETTED

━━━━━━ ◦ ✿ ◦ ━━━━━━

Trigger Warning: Self-harm. Skip this chapter if you'd like.

Nakatingin lamang sa kawalan si Samuel habang nakatunghay lang ako sa kanya. Katahimikan lamang ang pumalibot samin at para siyang estatatwang nanigas. Maya maya ay tumunog iyong phone niya. Another alarm. Alas-singko na. Dagli itong tumayo at bumaba kami.

Akala ko ay sa mansion kami didiretso pero tumungo kami sa dati kong bahay. Matagal ko ng hindi nakita ang Madrasta ko at nakababatang kapatid ni Marie. Malaki pa rin kasi ang galit nila sakin kahit anong pilit kong intindihin sila.

"Where is the body?" bungad agad ni Samuel pagbukas ng pintuan.

"Good evening to you, too," sarkastikong bati ni Marie.

"Take me to her," mahina lang iyon pero napakalamig ng boses ni Samuel.

Nagtitigan lamang sila at pagkuwan ay bumuntong hininga si Marie.

"Fine," sabi nito at kaagad kami dumiretso sa isang creamtorium.

Pinapasok naman kami at dinala kung nasaan iyong katawan ko. Nakatakip iyon pero pilit na kinuha ni Samuel.

Napasinghap ako ng makita ito. Kahit ako ay hindi nakilala ang katawan ko. Sunog na sunog ang balat ko pero natandaan koong may sugat ako sa ulo. Nang makita ko iyong malaking galos dulot ng aksidente ay nakumpirma kong ako nga iyon.

"Can you... Can you just leave me alone?" hirap na sambit niya.

Nagtinginan ang empleyado dito at si Marie at tahimik na umalis. Nakatuon lang ang mga mata ni Samuel sa katawan ko. Hindi ko alam kung paano niya nakayanan kasi sobrang karumal-dumal ang itsura ko.

Hinawakan niya ang palad ko at narinig ko na lamang ang paghikbi niya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Magaling umarte si Samuel kaya nga naging sikat siya kaagad dahil may talento talagang taglay ito. Maraming naantig sa mga pelikula niya oras na umiyak ito pero hindi ito makakapantay sa nakikita ko. Parang nilamukos iyong puso ko pagktapos saksakin ng ilang beses habang nakatanaw sa mga luha niyang nagsipatakan.

Hindi ako sanay na ganito siya kahina. Lagi siyang matatag sa harap ko dahil sa aming dalawa ako iyong mahina. Gusto-gusto ko siyang yakapin ngunit sumayad lamang ang mga braso ko.

Lumipas ang mga minuto at patuloy pa rin ang impit niyang pag-iyak at nakamasid lamang ako. Kahit anong paghihinagpis na naramadaman ko ay ayaw pa ring tumulo ng luha ko.

Halatang walang balak umalis si Samuel kung hindi pagsinabi ng empleyado nag magsasara na sila. Nasa labas na si Marie at mukhang hinihintay si Samuel. Iisa lang kasi ang sinakyan nila papunta rito.

"What time will she be cremated?" tanong ni Samuel ng makalapit siya kay Marie.

"Four in the afternoon," sagot ni Marie.

Agaran naman kinuha binuksan nito ang phone niya ta nagset ng alarm.

"I'll be here tomorrow. I will keep the ashes in our family's mausoleum afterward."

Tumango lamang si Marie. Akmang papasok na ito ng pinigilan siya ni Samuel.

"I can't drive you back," kinuha nito ang pitaka at binigyan ng pera, "Just take a taxi."

"Still rude as ever," komento ni Marie at naglakad palayo.

Agad namang pinaharurot ni Samuel ang kotse at nakarating kami sa mansyon ng mga Valderama. Dire-diretsong itong tumungo sa collage na ginawa niya.

Days By Your Side || short storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon