THE DAY SHE REMEMBERED
━━━━━━ ◦ ✿ ◦ ━━━━━━
Nagpatuloy sa pagtrabaho si Samuel habang ako'y nanlulumo sa sahig. Hindi naman kasi ako makaupo ng sofa. Lahat ng bagay maliban sa kisame, pader at sahig ay lumalampas ng katawan ko.
Sobrang nakakainip pala ang maging multo. Lalong lalo na dahil hindi ako makalayo kay Samuel. Pinagmasdan ko na lamang siya buong magdamag. Siya lang yata iyong kahit stress sa trabaho ay 'di makakaila ang kagwapuhan nito.
Itim na itim ang buhok nito at parang pinaglilok ang kanyang itsura. Makakapal na kilay, matangos na ilong at manipis na labi pero iyong mapupungay niya mga mata talaga ang nakakaakit. Idagdag pang kulay abo ang mga ito. May lahi kasi siya at kahit sino mapapatingin sa mata niya. Matangkad rin ito at matipuno. Kung iisipin, ang swerte ko talaga na nobyo ko siya.
Mali, ex na pala. Siguradong mapalad si Irene. Ang ganda pa naman niya. Parang modelo at maganda pa magdamit ng sarili. Kung titignan, bagay sila. Ako lang talaga ang ilusyunada na inakala kami iyong itinadhana.
Ang pamilyar na tunog ng alarm niya ang bumasag ng katahimikan. Lumapit naman kaagad ako sa kanya. Hindi lumampas sa paningin ko ang wallpaper niya. Ako iyon.
Siguro hindi niya pa napapalitan nung sa babae niya. Napabuntong hininga ako. Ang nega ko talaga.
Pagkagyat ay nagligpit kaagad ito. Kinuha niya iyong coat sa sofa at maliit na suitcase pagkatapos ay dali daling lumabas.
Pagbaba ng lobby ay napatingin ako ng oras. Alas singko na pa lang ng hapon. Sa pagkakaalam ko ay alas otso ang alis nito. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa parking at pinaandar na iyong kotse niya.
Dumating kami sa isang restaurant. Paborito ko dito. Hindi lang kasi masarap ang pagkain kundi tanaw rin iyong ang magandang tanawin ng siyudad, lalo na sa paglubog ng araw.
Malugod na tinganngap si Samuel ng waiter at dinala sa may terrace. Nag order kaagad ito. Nang umalis iyong waiter ay saka siya tumayo. Ngayon ko lang napansin na dala niya ang DSLR. Libangan kasi ni Samuel ang kumuha ng litrato habang ako naman ay ilap na ilap sa mga ganoon.
Ng dumating ang order ay bumalik kaagad ito. Pero ang buong atensyon niya ay nasa cellphone. At parang mukhang hindi na nakatiis ay tumawag na ito. Rinig na rinig ko ang pagring at ilang beses na sinabing out of reach. Mga nakailang ulit ito bago sumuko at nagvoicemail na lang siya sa chat.
"Hon? Pansinin mo na ako. I'm at your favorite restaurant. Gusto mo ba ng takeout? I'll wait for your reply."
Hon? Ibig sabihin ako iyong tinawagan niya? Sigurado talagang walang sasagot. Nasira na nga iyong eroplano paano pa kaya iyong cellphone ko? Bigla akong napaisip. Paano pagmalaaman niyang wala na ako? Magiging malungkot ba siya o magiging masaya dahil mapapadali na lang sa kanya lalo't may bagong karelasyon ito.
Panakanaka siyang sumulyap sa phone niya at ng matapos kumain ay wala pa ring reply sa cellphone niya. Pagkatapos noon ay bumalik na siya ng kotse at nagdrive.
Kalaunan ay napansin kong wala na kami sa siyudad. Mga ilang oras na rin kami sa kalye at patuloy lamang ito sa pagmamaneho.
Sa wakas ay tumigil din kami.
Pababa na siya ng kotse ng nag-alarm na naman iyong cellphone niya at nakalagay ang 6pm sa screen. Ganyan kasi iyan. Halos kada oras may alarm. Ang nakakatawa lang, halos lahat ng alarm niya ay tungkol sakin.
May isang araw kasing nakalimutan niyang tumawag o magtext man lang dahil sobrang busy. Hindi naman ako nagalit dahil naiintindihan ko naman pero siya talaga iyong nagpumilit na gawan ko siya ng alarm. Kaya 'di na ako nagtataka pag minsan nakakatanggap ako ng mga text sa eksatong oras na nilagay ko sa phone niya.
BINABASA MO ANG
Days By Your Side || short story
Romancea collection of short stories | book one Days By Your Side Hindi akalain ni Stella an dahil sa kanyang pagkamamali ang dating pag-iibigan nila ni Samuel ay tuluyan ng masisira at hinding hindi na mababalik ng oras kailanapaman. Pero binigyan siya n...