The Day She Realized

127 51 10
                                    

THE DAY SHE REALIZED

━━━━━━ ◦ ✿ ◦ ━━━━━━

Naguguluhan na talaga ako. Buong magdamag lang akong balisa. Idagdag pang hindi ako makatulog, isa na namang patunay na multo na talaga ako.

Nagulat na lamang ako ng tumunog iyong cellphone ni Samuel. Kaagad naman siyang nagising at nag-ayos.

Pumunta kaagad siya sa office floor. Binati siya ng mga empleyado ngunit hindi man lang niya pinansin. Sarap talagang kutusan ito. Hindi niya talaga kinagwapo ang pagiging maldito. Kung alam ko lang, binilinan ko sana siyang ayusin kahit konti iyong ugali niya.

Naniniwala kasi ako na kahit anong masamang pakisama sa iyo ng iba, pakitunguhan mo pa rin sila sa paraang nais mong pagtrato nila sa iyo. Ilang beses na akong pagsabihan na mali ito dahil iyon ang ugali ng mga inaapi pero nasanay na siguro ako at nakakilala naman ako ng mga totoong kaibigan kahit papaano.

Hindi naman kasi likas sa tao ang maging masama, nagiging mali lamang sila dahil sa paligid at kalagayan ng buhay nila.

Pagkalaunan ay pumasok si Jennica, iyong sekretarya.

"Good morning, S-sir. This is your schedule for today," sabi nito at nilagay iyong folder sa mesa.

"Prepare a list of other advertising companies in case they messed up again," matalim na utos niya pagkatapos basahin ito.

"Yes, Sir."

Umalis naman ito at bumalik na sa trabaho si Samuel. Ngayon ko lang nabatid na napakarami palang pumupunta rito sa hotel. Kahit iyong nasa ibang branch ay dumadayo rito para sa mga meeting. Buong akala ko mga papel lang iyong kaharap niya. Mas marami pa ata siyang natatanggap na bisita kaysa sa mga pagkakataong nasa front desk ako.

Hindi naman dahil sa pipitsugin ang hotel na trintabuhan ko. Kilala rin ito, mas sikat nga lang itong hotel na pag-aari ng pamilya ni Samuel.

Hapon na pero hindi pa rin ito kumakain. Panakanaka itong nagcecellphone. Hindi na ako makatiis kaya tinignan ko kung anong pinagkakaabalahan niya sa phone.

Pagtingin ko ay iyong chat namin ang nakabungad. Chat niya lang ang makikita dahil wala ni anong reply mula sakin.

"Sir, would you like to order lunch?" boses iyon ni Jennica mula sa intercom.

"Not yet. I'll inform you if ever," sagot ni Samuel.

Tinigil kaagad nito ang ginawa at kinuha ang cellphone. Iniopen nito ang messages namin. Ang huling sinend niya ay pagyaya maglunch.

Tinawagan kaagad niya ang number kong out of reach pa rin. Kumuwala ito ng buntong hininga pagkatapos sumubok ng ilang ulit at inatasan na lamang ang sekretarya umorder ng pagkain.

Pagkamaya-maya ay sabay na pumasok iyong babaeng nakita ko noon at si Jennica na may bitbit na tray.

"Hi, Samuel," bati ng babae. Siguradong siya iyong Irene.

"What brought you here, Irene? I thought we'll meet later," takang tanong ni Samuel.

Siya nga si Irene. Kung maganda ito sa malayo. Mas maganda ito ngayong kaharap ko siya. Sobrang kinis tas para talaga itong modelo. Tiyak na wala akong binatbat pagpinagtabi kami.

"I'm in the area so I decided to get the photos na lang para maprint right away," turan nito.

"Give me a minute," sabi ni Samuel at hinalungkat iyong drawer.

"Oh, you're having lunch. I feel hungry tuloy. Where did you get iyan, Jennica?" tanong ni Irene na inaayos ang pagkain sa coffee table.

"Sa buffet po sa baba, Ma'am," magalang namang sagot ng isa.

"You didn't have lunch yet? Why don't you get another one, Jennica?" utos ni Samuel at kaagad naman tumalima ang sekretarya.

"Ang nice natin, ah," nakangising sabi ni Irene.

Sumeryoso naman kaagad ang mukha ni Samuel.

"I have something to discuss with you, that's why," pahayag niya.

Inaya ni Samuel si Irene sa sofa at kinuha iyong laptop.

"These are the photos from last night. There are fifty plus photos so you pick the best ones," imporma nito sabay scroll ng mga litrato.

"Your shots are really so maganda! I'm so excited to see it in actual," tuwang-tuwang saad ni Irene.

Bumalik din kaagad si Jennica na may dalang pagkain at hinanda ito.

"I think these are enough. I'll visit the mansion mamayang gabi para tapusin iyong pag-assemble."

Hindi ko na kayang makinig kaya umalis muna ako. Ang perpekto kasi nilang tignan. Parang nakakasilaw, feeling ko nanghihimasok ako sa kanila. Hindi naman ako masyadong makalayo dahil nga sa kakatwang hila na meron si Samuel sakin.

Hanggang sa labas lang ako ng pintuan. Mas mabuti na rin ito kaysa magmasid sa kanila.

Nakaupo lang si Jennica tapos may lumapit sa kanya mula sa mga cubicle.

"Nagalit na naman ba?" tanong ng babae, si Ley iyon, dati kong katrabaho.

Mukhang umangat ata ang posiyson niya at nakakapagpasyal-pasyal na siya sa oras ng trabaho.

"Nitong umaga lang mainit ang ulo pero kumalma na ata siya. Ang dami kasing meeting ngayong araw tapos puro pa palpak," pagkwento ni Jennica.

"Hay. Nakakamiss talaga ang mga panahong nagtatrabaho pa dito si Ma'am Stella," komento ni Ley.

Nagulat naman ako sa biglang pagbanggit ng pangalan ko.

"Uy, speaking of Ma'am Stella. Ang ganda niya talaga 'no? First time ko siyang makita noong nakaraang linggo. Sobrang amo ng mukha tas ang bait niya pa."

"Sabi mo pa. Mabait talaga iyon kahit noong hindi pa sila magkakilala ni Sir. Marami ngang naiinggit doon at inaaway siya pero hindi niya pinansin. Pero nalaman ni Sir kaya ayon napagdesisyunan ni Ma'am Stella na umalis para wala ng gulo. Edi tayo ngayon dito sa main office ang nagdudusa dahil binuhay nila ang kampon ng demonyo," mahabang lintanya ni Ley.

Iyon ata iyong mga panahon na pinagkaisahan ako nila. Wala akong magawa kundi tanggapin na lamang iyon. Akala ko nga wala ng hangganan ang pagdudusa ko ngunit natapos lahat ng ito noong sinagot ko na si Samuel. Ako mismo ang nagsabi na magreresign ako para matapos na ang mga issue at gusto kong makapagtrabaho ng mapayapa.

Biglang bumukas ang pintuan.

"I'll see you later," boses iyon ni Irene.

"Bye, people," magiliw rin na paalam nito kina Jennica.

Kabaligtaran talaga kami. Lumaki akong mahiyain at mababaw ang kompiyansa pero tinulungan ako ni Samuel magbago at nagkaroon ako ng sapat na lakas ng loob. Pero itong si Irene ay halatang mataas ang tiwala sa sarili at likas ang pagiging pagkamasayahin.

Pumasok na ako sa loob at naglugmok na naman sa sahig.

Eksaktong alas singko ng hapon ay umalis na naman si Samuel. Ang daan ay patungo sa mansyon ng mga Valderama.

Hindi nakaiwas sa paningin ko ang pagbabago ng mansyon. Apat na araw pa lang ako nawawala pero napalitan na ang pasukan nito. Ang mga puting gate ay napalitan ng paborito kong kulay na dilaw.

Mas lalo akong napanganga pagpasok sa loob. Ang sala ay parang naging gallery. Maraming litrato ang nakadisplay. Mayroong landscape, picture naming dalawa, o mga solong litrato ko na hindi ko alam na kinuha niya.

Bigla akong nanghina ng may mapagtanto.

Mahilig si Samuel sa sorpresa. Pero mga simple lang iyon. Ang pinakaengrande ay iyong inalok niya akong maging girlfriend.

Dumating kami sa pinakadulo at sumalubong sakin ang buong pader na puno ng litrato. Collage iyon at hindi pa tapos pero pamilyar ang singkit na mga mata at manipis na kilay.

Ako iyon.

Oo na. Ang tanga ko talaga.

Days By Your Side || short storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon