THE DAY SHE KNEW
━━━━━━ ◦ ✿ ◦ ━━━━━━Manhid na ba ako? Wala na kasi akong maramadaman habang napatunganga lang sa mga litrato. Para akong natauhan.
Ang bobo ko talaga. Bakit hindi man lang ako nag-isip at nagpadalos-dalos? Sarili ko lang damdamin ang inuna ko. Ngayon huli na ang lahat para magsisi. Patay na ako.
Hindi ko maiwasang maghinagpis at patuloy na sinusumbatan ang sarili ko sa kagagahang ginawa ko.
"Samuel, you're here," boses iyon ni Irene.
"Hey. I'll just finish this then return at the hotel," sabi ni Samuel habang nagdidikit ng mga litrato.
"Hay. Stella is really lucky to have you," komento ni Irene at pinanood lamang si Samuel.
"No. I'm the one who's lucky to have her."
"Nako. You're so corny talaga. But I do applaud your effort. To think na pinuntahan mo isa isa uli yong mga lugar na dinalaw niyo just to make this collage. How to have a boyfriend like you po?"
Binatukan niya si Irene. "You're so lukaret."
Malakas na halakhak ni Irene ang umalingawngaw sa sala. "OMG. That's the most conyo thing I've ever heard from you. Why are you even saying it with an accent? You're so lowkareht," pangagaya nito.
Gusto kong matawa sa asaran nila pero mas gusto kong maiyak. Sobrang tanga ko. Gaga. Bobo. Idiyota. Hindi talaga ako nakakaangkop sa mga pagbabago. Pagnasanay na ako at pagdaka'y nag iba ay masyado kong iniisip kahit ang maliliit na bagay at nagbunga ito ng pagdududa.
Noong una nga nagpakita ng motibo si Samuel ay hindi ako naninwala ngunit sa pagiging pursugido at sinseridad niya ay nahulog ako sa kanya. Pero dahil sa biglang pag-iba niya ay humantong sa ganito.
Hindi ko siya masisisi. Kasalanan ko ito dahil hanggang ngayon 'di pa rin pala ako nagbabago. Kinikimkim ko pa rin ang lahat. Tinatago ko pa rin ang mga hinanakit ko at hindi ko kayang maging tapat. Kahit ilang beses kong sinabi na may tiwala ako sa kanya, ako iyong may problema. Ako iyong madaya dahil ayokong magpapakatotoo dahil sa takot na mawala lahat ito. At iyong nga, nawala lahit sakin.
"Just shut up and work, Irene. Why did Rimuel even recommend you? Ikaw ang pinakamadaldal kong nakatrabaho," saway ni Samuel pero halatang aliw na aliw kay Irene. Ito iyong klase na Samuel na kilala ko. Palabiro at masayang kausap.
Ngunit habang tinitigan ko sila, wala na iyong selos. Magdududa pa ba ako ngayong nasa tapat ko iyong katibayan ng pagmamahal niya?
"Magaling kasi ako tapos I'm pretty pa," sagot ni Irene.
"Anong kasinungalingan ang pinagsasabi mo, Irene? Naawa lang ako kasi wala kang trabaho ngayon. Sino ba ang magtitiwala sa wedding planner na ni minsan ay hindi nagkaboyfriend," mahabang sabi ni Rimuel habang papalapit sa amin.
Siya ang nakakabatang kapatid ni Samuel at papasang kambal talaga sila kahit anim na taon ang agwat nila. May hawak itong raketa at mukhang galing sa pageensayo sa bakas ng pawis nito.
Isa kasing kilalang atleta si Rimuel at national player na ito sa larangan ng tennis. Hindi man sikat ang larong ito sa bansa ngunit maraming tagsubaybay ito dahil sa kabi-kabilang panalong inuwi niya.
"Hoy! Fullybooked kaya ako," giit ni Irene.
Nagpatuloy sila sa alitan kaya sa huli ay pinatigil sila ni Samuel.
"Bumalik ka na sa trabaho mo, Irene. You know, I want everything done this Saturday," sabi ni Samuel.
"Kaya nga we're here, diba? Imagine we're just doing everything here in a week and there are only three days left until the wedding."
BINABASA MO ANG
Days By Your Side || short story
Romancea collection of short stories | book one Days By Your Side Hindi akalain ni Stella an dahil sa kanyang pagkamamali ang dating pag-iibigan nila ni Samuel ay tuluyan ng masisira at hinding hindi na mababalik ng oras kailanapaman. Pero binigyan siya n...