Into You Chapter One:




"Konting tiis na lang, makaka-graduate din tayo" sabi ni Yuri, kaklase ko habang inaayos yung thesis papers namin para sa gagawing defense bukas.




Andito kami ngayon sa library.





Napa-angat ang ulo ko sa kanya galing sa pagta type ng mga word sa laptop ko na pwede pang idagdag para sa thesis namin.




Halatang pinapagaan niya lang yung loob namin kasi bakas na sa mga mukha namin ang pagod at puyat.



Hays, sana nga.



Sagot ko sa isip ko. Medyo kinakabahan ako sa mga magiging panels namin lalo na 'di talaga sinabi ng prof namin kung sino yung mga magiging panelist para bukas.




Iniisip ko kung "paano kung 'di namin masagot yung mga tanong?", "paano kung sa sobrang kaba ko, napatanga na lang ako bigla?", "paano kung 'di maa-approve yung thesis namin?", "paano kung 'di kami maka-graduate dahil sa kagagahan ko?"



'Di pa namin tapos yung final draft para sa thesis namin at nakaka pressure na dahil minamadali na kami ng prof namin.



Sa senior high school life ko, masasabi kong ang pinaka mahirap na ang grade 12, kasi graduating na kami. Nung junior high school naman ako, 'di naman ako ganito na masyadong pala-aral. Kaya nga nagtataka bigla yung nanay ko kung bakit kating-kati ako sa kanya magpabili ng laptop, magpakabit ng internet at laging wala sa bahay o kaya may overnight. Galit na galit na sa akin sila Papa kasi akala nila naglalakwatsa lang ako. 'Di rin kasi sila sanay na hindi kami natutulog sa bahay. Oo, super strict po silang dalawa.




Yuck, si Venice? Aral na aral? 'Di ko na talaga kilala sarili ko.



Madaming pinapagawa. Nakakapagod. Nakakapanghina. Nakakapuyat. Nakakaloka. Nakakasira ng beauty!



'Pag talaga itong defense natapos, matutulog talaga ako ng matutulog.




Napabuntong hininga ako.


Sumasakit na yung mata ko dahil sa matagal na pagbabad sa harap ng laptop. Lalo naman yung utak at likod ko, ghad! Maghapon na akong nakaupo sa harap ng laptop.





Tinanggal ko yung anti-radiation glass ko na nasa mata ko at nilagay sa lamesa.





Sumandal ako sa upuan at pumikit. Ire-relax ko muna saglit yung utak ko kasi pigang-piga na sya. Said na said na. Wala na talaga akong maisip na pwede pang idagdag. 'Bat ba kasi kailangang may maabot kaming quota ng words bago ipasa? Paano talaga kung wala na kaming words na maidadagdag?






Nakaka-surprise na nagagamit ko yung utak ko maghapon nang dahil sa letcheng thesis na 'to.






Naramdaman kong may lumapit sa akin.






"Hoy! Ok ka lang? Namumutla ka na."







Napadilat ako nung kalabitin ako ni Yeri, ang kakambal ni Yuri. Identical twins sila pero alam namin magkaka tropa kung sino si Yeri at sino si Yuri. Magkakaibigan kami kaya kami-kami na din magkaka grupo para sa thesis kasi hinayaan lang kami ng prof namin. Choice daw namin yun para kapag nagkagipitan, 'di daw sya ang masisisi na may 'pabigat' sa grupo.

Kadalasan kasi, thesis talaga ang sanhi ng pagkasira o pinag-aawayan ng mga magkakaibigan ngayon. Ngayong shs ako, madami akong nasaksihan na nasira yung pagkakaibigan lang nila ng dahil lang sa thesis.





Into You | MUSIC • SERIES (On-Going)Where stories live. Discover now