"No. You're not going work again in that field, Venice."
Agad ako napalingon kay Mama. Disgust and dismay was written in her face.
"Oh my God, Venice Sofia! Hinayaan na kitang magtrabaho dun kasi sabi mo you want some to experience tapos ngayon sasabihin mo sa akin na you want to stay there? Are you trying to embrassed me?!"
Napaigtad ako sa lakas ng boses niya na pumuno sa loob ng office niya. 'Di ko na alam ang gagawin ko. 'Di na ako nagsalita. Alam kong sa oras na bumuka ang bibig ko, hindi niya magugustuhan ang maririnig niya. Hangga't maaari ayaw ko siyang galitin. Ayaw kong magkasamaan kami ng loob. Ayokong masaktan siya sa mga sasabihin ko. Hangga't kaya ko pang magtiis, magtitiis ako sa pangliliit niya sa akin.
Napabuntong hininga ako.
Nakita niya iyon at akmang magsasalita na siya noong pumasok bigla ang kanyang sekretarya.
"Ma'am, sorry po. It's an emergency!" kitang kita sa kanya ang pagkabalisa.
"What emergency?" nakataas na kilay na tanong ni Mama.
"Ma'am may isang eroplano po natin ang nag-crash."
In a split seconds, napalitan ng pag aalala ang mukha niya na kanina ay galit. At agad na umalis.
Napabuntong hininga ulit ako.
Another problem again, agad naisip ko. Umalis na ako ng kompanya at agad nag drive pauwi sa condo na tinutuluyan ko.
Frustrated na tinignan ko yung sarili ko sa harap ng vicinity mirror na malapit sa akin.
Gusto kong magkaroon kami ng quality time ni Mama kasi palagi siyang busy at palagi rin akong umaalis ng bansa. Syempre nami-miss ko na rin siya. Bad timing lang talaga yung pagpunta ko at 'di niya nagustuhan yung desisyon ko.
Gusto kong mag tour guide na lang kasi masaya akong nababahagi sa ibang tao kung ano yung history ng lugar na iyon, anong magandang puntahan, anong pinaka masarap na pagkain at kilalanin sa lugar na iyon yung mga nakatira.
Wala akong balak na mag cabin crew tulad ng gusto ni mama sa akin.
Alam kong para sa iba, swerte na ako kasi abot na abot ko na yung pangarap nila pero iba ako. Mas gugustuhin kong makipag usap sa mga client ko.
Napabalik lang ako realidad nang tumunog ang phone ko.
Ate Ria's number flashed on my screen.
"Moshi, moshi?" agad na sagot ko.
"Ohayo! Ice, kailangan ka dito sa office ko. May raket ka na naman, gurl."
"Magkano bigayan? Malaki ba?" narinig kong tumawa siya sa kabilang linya.
"Gaga! Pumunta ka na kasi dito para malaman mo kung magkano yung bigayan. Special Request ka eh. Atsaka para alam na din kung ayaw mo ba or hindi para mabigay ko sa iba."
"Sige Ate, magbibihis lang ako." saka ko binababa yung linya.
Kahit ang totoo nakabihis na ako, may balak pa kasi akong dumaan muna sa drive-thru kasi nagugutom na ako. Bahala na si Ate Ria mag-entertain dun sa client habang wala ako HAHAHAHA.
Kasalukuyan akong kumakain ng burger na binili ko sa drive thru habang naglalakad papunta sa office ni Ate Ria, malayo kasi yung parking lot at office niya eh. Ugh, hassle!
Prente ko pang binuksan yung pinto at nang makita ko kung sino yung kausapt at kaharap ni Ate Ria, parang tinakasan ako ng dugo sa mukha. Nabitawan ko din yung drinks na nasa kamay ko. Napatingin din sila sa akin nung makita ako. Parang binuhusan ako ng may yelong tubig.
Agad lumapit sa akin si Ate Ria para tanungin kung ok lang ba daw ba ako? Pinakiramdaman ko yung sarili ko. Ok ba ako? 'Bat naman ako matatakot kung nadito siya?
Ano ba yan! Bakit ngayon pa? Wala ako sa mood makipag gaguhan pero heto ako kaharap ko siya. Napasimangot ako. Wala kasing nagbago sa kanya eh, gago--este gwapo pa rin siya.
"Ilocos Sur sana balak ko. Pero may alam ka bang may mas magandang puntahan?" tanong niya sa akin.
Napairap ako. Malamang, mas may madami pa. Nakita yun ni Ate Ria kaya she mouthed "umayos ka".
Tumikhim ako.
"Of course, may mas marami pa. But, Ilocos Sur is still worth it to go. But what do you really want to do or what adventure do you want to experience in Ilocos Sur?"
"I'm not planning any yet. Gusto ko na pag may makita ako, gusto kong i-try. Why? Do you have any suggestions about that?" balik tanong niya sa akin.
Nauubusan na ako ng pasensya but I've remained myself to be calm. I tried to smile sweetly and composed myself.
"Madami po, Sir. If you talk with owner, there's a lot of recommendation and packages that our agency offered. I will let you decide first. I excuse myself for awhile."
Sinenyasan ko si Ate Ria na siya muna makipag coordinate kasi may sasagutin akong tawag. Agad akong lumabas ng office.
Si Mama.
"Where are you, Venice Sofia?" agad na salubong sa akin ni Mama.
'Wow, hello, Ma!' saracastic akong napangisi.
"I'm working, Ma. Don't disturb me. And yes, whether you like it or not, I'm still working here no matter what."
Agad kong binababa ang linya. Ayaw ko nang marinig yung sunod na sasabihin niya. Pagod na ako makarinig ng sermon galing sa kanya ngayong araw na 'to. Gusto ko lang naman maging masaya sa desisyon ko sa buhay ko. Hindi yung lagi niya akong kinokontrol at dapat yung gusto niya lang yung masusunod.
Napabuntong hininga ako bago pumasok ulit sa loob.
Pagdating ko, nagpipirma na sila ng mga kontrata.
"Sandali, 'di pa ako um-oo ah!" reklamo ko kay Ate Ria.
"No, sweetie. You will take it. Wala ka na rin magagawa, sayang ang papel." she smiled sweetly.
Dang! I'm in danger.
YOU ARE READING
Into You | MUSIC • SERIES (On-Going)
Документальная прозаSlice of life, psychological, romance, comedy, chill, cursing, heartbreaking, friends, coffee and stress. Lol. Just keep reading to know. Disclaimer: Read at your own risk. This is my first-ever story so just please bear with me. If you have any sug...