Prepare the following:

Income Statement
• Statement of Changes in Equity
• Balance Sheet

'Yan ang nakasulat sa white board na sinulat ng prof namin sa Accounting.

"Sagutan nyo 'yan. Gamitin nyong example yung mga binigay ko kanina."

Tinignan ko yung ledger paper na pinabili niya sa amin na may ten columns.

"Ang laki mo na ah, parang kelan lang yellow paper ka lang ah. Ngayon ten columns ka na."

Parang tanga na ako dito. Pati papel kinakausap ko na. Kakatapos lang ng exam namin, walang patawad si Sir Jonas--yung prof namin sa Accounting, nag-lesson agad.

Katwiran niya para maaga daw matapos yung lesson and requirements niya para daw hindi siya sumabay sa iba pa naming subject at mas makapag-focus daw kami sa ibang subjects na kailangan kasi finals na. Nakuha ko naman yung point niya pero tangina para naman kaming bibitayin neto. Kakatapos lang ng exam, pinahihirapan ulit kami ng accounting.

Natawa si Vanna at inaabangan si Ate Ria nang sagot. Si Yuri at Yeri naman busy na sumagot. Hays, sana all matalino.

Ayaw ko mang komopya pero babagsak naman ako. Alam ko naman na masama ang komopya. Nakokonsensya kaya ako kapag komokopya ako.

Alam ko pag tinuturo ni Sir. Pero pag kami na yung sasagot, hindi ko na ulit alam yung gagawin or uunahin.

Tinignan ko yung 1/4 na bondpaper na binigay sa amin ni Sir kanina, kung saan nakasulat yung Adjusted Trial Balance ng isang company.

"MAYUMI SERVICE CENTER
Adjusted Trial Balance
December 31, 2018"

Ayan yung title. Sa baba noon nakalatag yung iba't ibang expenses, revenues, debts, supplies and etc. ng center.

Sana mag-time na! Para susubukan kong sa bahay kung kaya ko para magtanong na lang ako kay Ate Ria pag may 'di ko alam. Pag hindi ko talaga kayang masagutan, kokopya na lang ako.

Tinitigan ko si Sir Jonas, ang cute din nito eh. Pero mas cute siya kung ititigil niya na 'to at sasabihing "Sige class, graduation gift ko na sa inyo. Ipapasa ko na kayong lahat sa subject ko."

Hindi na kami egul. Tatlo lang naman yung subject na hawak niya sa amin. Malaking kabawasan yun kahit isa or dalawa lang yung ipapasa niya sa amin. But as if naman noh. Hindi rin madaling maging prof. Lalo na kadalasang prof talaga namin, college prof kaya talaga veteran na mambagsak ng estudyante.

"Class, assignment niyo na pala 'yan. Anjan na pala si Ma'am Carma." sabi niya habang nililigpit niya yung mga gamit niya.

"Tanginang matandang hukluban 'to. Wala pa namang time niya, andito na kaagad sa room. Lagi na lang akong nawawalan ng gana kumain kapag nakikita ko rin siya habang kumakain rin." pabulong na sabi ni Vana.

Binagsak kasi siya ni Ma'am last sem. Kasi akala ni Ma'am siya yung sumagot sa kanya habang nagdi-discuss. Hindi sagot na matino ah, as in pabalagbag na pagsagot kay Ma'am. Kaya etong si Ma'am Carma galit na galit sa section namin. Madami siyang binagsak sa amin. Madalas din ito manghula ng grade kaya naiinis din kami sa kanya. Nag-rant siya sa ibang prof namin kaya nadisappoint din yung class adviser namin.

Napagbintangan si Vana na siya yung sumasagot kay Ma'am Carma. Parehas kasi sila ng buhok ng kaklase kong talagang sinagot-sagot si Ma'am. Hindi na nabawi ni Vana yung grades kasi baka daw magka-conflict lang. Eh iniiwasan namin gumawa ng gulo kasi mga graduating kami. Pero minamalas nga naman, naging prof ulit namin siya ngayong sem. Wala naman sanang kaso sa amin kung matino siyang prof pero kapag naging prof nyo talaga siya, mapapasabi kayo nang egul kayo sa voucher niyo sa kanya.

Into You | MUSIC • SERIES (On-Going)Where stories live. Discover now