"Asan ka ba galing?"


I glared at Yuri. How dare her! Siya na nga yung yung nang iwan, siya pa may ganang magtanong.

"Bigla-bigla ka na lang nawawala."

I just rolled my eyes to her questions. Nahawa na 'to kay Vanna, sobrang daldal na rin.

Nandito kami ngayon sa student lounge. Bwisit na Yuri 'to, pagtingin ko sa CR wala naman siya. O baka naman nililigaw lang ako nung STEM student na yun. Buti na lang nag chat sa akin si Yeri na nandito na sila nakatambay sa student lounge.

"Alam niyo, may iku kwento ako sa inyo. May nakaka chat akong babae..." panimula ni Miguel.

"Ayan ka na naman, Migol." pambabara ko sa kanya saka kumagat sa turon na binili ko kanina.

"Hindi, legit na 'to."

"'Yan din naman sabi mo sa amin dun sa last na babaeng nakaka chat mo. Ano nga ulit pangalan nun? Chela? Chelsea? Chelly?" pambabara din ni Vanna.

Ewan ko ba dito, kung sino-sino na lang china-chat na babae simula nung naghiwalay sila ng 3 years girlfriend niya na ngayon, ex niya na.

"Chesa yun. 'De, basta iba na 'to. Pag nagtuloy-tuloy yung chat namin ng 3 weeks, liligawan ko na. Ang cute niya kasi eh." habang kinikilig na nagku- kwento sa amin.

Yuck.

Muntik ko nang mabuga sa kanya yung tubig na iniinom ko. At sabay sabay na lang kaming napasabi ng...

"Ewan ko sayo, Miguel."

Pagtapos namin kumain, nagkayayaan na kami umuwi kasi magre review pa kami para sa quiz bukas.

--

Forms of business ownership:

"Sole Proprietorship- a business is owned by a single person...

Partnership- a business entity operated and owned by two or more persons who contribute in a company/firm...

Corporation- a business entity that has a seperate legal personality from its owners...

Cooperative- is a business organization owned by a group of individuals and is created for their mutual support and benef--"

I heard a knock on my door. 'Di pa ako nakakasagot, he just open my bedroom's door.

"You know what, Sofia? Its like you are not in senior high school. I can hear you reading that goddamn book for hours. I can't concentrate on my studies, lower your voice or much better, use your eyes for reading."

"You know what, Kuya Arc? You should be helping me in my studies rather than ranting non-sense." and I rolled my eyes.

"Kaya mo na 'yan. Malaki ka na. That's a warning, Venice Sofia, ah." napailing saka padabog na sinara yung pinto ng kwarto ko.

Tsk. Sungit. Kaya walang jowa eh.

I took a sip on my coffee to relax. I continued reading and then sleep after.

--

Nagising ako na parang may bumusina. Takte ano yun?! May truck na ba ng basura sa labas? May nagbanggaan ba? Or don't tell me pati dito sa subdivision may traffic na rin? Hays,  gusto ko pa matulog eh.

Inabot ko yung cellphone ko na nasa may side table habang nakapikit at dahang dahan minulat yung mata ko parang tignan kung anong oras na.

I parted my lips. Kinusot ko yung mata ko kasi baka nananaginip pa rin ako.

Into You | MUSIC • SERIES (On-Going)Where stories live. Discover now