004

13 0 0
                                    

The day went so fast. Ni hindi ko na nga namamalayan na isang buwan na pala kahapon yung pagka-late ko dahil walang masakyan at iniwan ako ni Kuya Arc. Isang buwan na nakalipas nung muntik pa akong hindi makapag-quiz dahil sa ka-tanga-han ko at isang buwan na rin nung huli naming pagki kita nung taga-STEM. Maybe because we are both busy on our business. Being graduating student, you should take more efforts if you want to enter in prestigious universities or schools in college. Actually, its a favor for me that he hasn't bragging a text with me about the dinner. Wala pa akong iisipin na gagastusin para sa dinner. 'Bat ba kasi nag-promise ako, eh isa din naman akong tight sa budget at allowance ngayon.




"Uy 'teh! Nag-aaya si Karm na mag d-DCoi daw mamaya, wala kasi yung prof mamayang last subject. Sama tayo?" sabi Yuri.





I have a bad feeling about this.



"Sila Ate Ria ba, sasama? Kung sasama siya, syempre g lang. Kahit hindi naman talaga ako umiinom. Atsaka siya kasabay ko umuwi eh." sabi ko na lang kahit wala talaga akong balak na sumama kasi naghihintay sa bahay yung mga pending na k-dramas na gusto kong panoorin. Wala lang, paki-sama na rin siguro 'to kasi nahihiya akong tumanggi. 




"Yun na nga, Sofy eh. Ang sabi ni Ria, kung g ka daw, sasama siya." sabay napakamot ng ulo.




"Pulutan lang sa atin, Sofy. Si Karm na daw bahala sa inumin. Kasi hindi ka naman umiinom atsaka ako din baka mga tatlong baso lang ako." bulong sa akin ni Ate Ria.



Ano pa nga ba? Edi natuloy kami sa DCoi na sinasabi nila Karm na bar. Hindi kami naka-uniform ngayon kasi isang subject lang kami ngayon tapos wala pa yung prof. Syempre mauutak mga kaklase ko, kung magkakalat lang din naman sila sa bar, hindi nila ida- drag down yung pangalan ng school.



Hindi ako umiinom ng alak. Sa magto-tropa, ako lang talaga ang bukod-tangi na mabait na hindi pa umiinom. Ewan, ayoko yung amoy ng alak. Ayoko rin subukan. Red wine lang talaga yung iniinom ko pag may occasion tapos yung hindi pa matapang.



Nung pumasok kami sa bar, kinausap na ni Karm yung may-ari ng bar para asikasuhin kami. Medyo maliit lang yung bar. Pagpasok, may mga iilang lamesa at upuan. They have a small stage in the center of the bar that have set-up of a microphone and some musical instruments that if the customers want to have a live show, they can. Or sometimes, maybe the bar invite some band to perform. They also have a billiard and videoke on the other side of bar. Beside that is counter bar where it display the different varieties of liquor. The bar have relaxing ambiance and some dancing lights. 




Nagsimula silang maglapag sa lamesa ng mga ambag nila para sa alak. Kami naman ni Ate Ria, napagkasunduan na kami na bibili ng snacks. Masyadong mahal kasi sa loob ng bar tapos hindi pa masarap sabi ni Karm. Syempre maniniwala kami dun. Tambay na dito yun eh lalo pag nagka-cutting classes siya. Siya yung siraulo naming kaklase na barumbado pero naiyak nung groupings sa thesis dahil walang tumatanggap sa kanya.




Pumunta kami sa pinaka malapit na convenience store para bumili ng magiging pulutan nila. 


Into You | MUSIC • SERIES (On-Going)Where stories live. Discover now