Chapter 11
Maaga akong nagising ngayon at habang nababa ako sa hagdan ay naabutan ko si kuya na nagcecellphone sa may sofa.
"Goodmorning kapatid!" Bati niya sakin.
Nginitian ko siya na may halong pagtataka
"Goodmorning..bakit ganyan itsura mo?kuya ikaw ba yan!!"
"Ano ba kapatid ako toh!...new version na"
Sabi niya sabay pagmamayabang sa kagwapuhan niya..
"Ewan ko sayo ang yabang mo."
Pumasok na ako sa kusina at kumuha ng almusal.
"Ah kuya asan pala si mamu?" Sabi ko habang nilalapag ang pinggan sa lamesa
"Ah pumasok na maaga daw sila ni tita mila" sabi ni kuya.
Habang nakain ako hindi ko maiwasan na isipin anh sinabi ni kuya kanina.
"Kuya!"
"Ano"
"Magtapat ka nga saakin"
Ngumiti siya na oarang kinikilig
"Anoo!" Sigaw niya habang kinikilig.
"Kayo na ba ni lia?!"
"Shh wag ka maingay!"
"Sagutin mo muna ako"
"Oo basta wag ka maingay muna sa kanila"
"Oh ano ngaaa?"
"Oo sinagot na niya ako"
Binalik ko na ang pinggan sa lababo at bumalik sa kanya.
"Kuya ikaw ha pag yan si lia sinaktan mo hmm! Nako lagot ka sakin"
"Eto naman grabe ka naman kapatid"
"Oh bakit!!"
Umakyat na ako at nagreview dahil medyo malapit narin ang exam ko.
Lumipas ang 30 minutos, ay tinawag ako ni kuya
"Erica!!"
"Ano!nagrereview naman ako eh"
"Pinapalabhan pala sayo ni mamu yung mga towel dun sa likod."
"Nagrereview pa eh"
Nilabhan ko na ang iilang piraso ng mga towel at bumalik sa taas.
Ng lumipas ang 1 oras ay tinawag nanaman ako.
"Erica!!Erica!!"
"Ano nanaman kuya naman kanina pinaglaba mo ako kuya naman di na ako makapagfocus sa nirereview ko!" Sabi ko habang nababa ng hagdan.
"Grabe ka naman may bisita ka lang!" Sabi ni kuya
"Hoy pumasok ka na nga ako napapagalitan dito eh" sigaw niya
"A-ah s-sir ano po ginagawa niyo dito?at tsaka pano niyo po nalaman kung saan ako nakatira" mahinahon kong tanong
"Nakita ko kasi si nath sa labas na nabili ng fishball kaya tinanong ko kung saan ka nakatira and tinuro niya ito."
"A-ah si nath po"
Lagot sakin mamaya yang si nathalie
"Yeah and i just wanna give this back"
Inabot niya saakin yung kwintas ko.
"You left in my car"
"A-ah salamat po"
"Sige mauna na ako"
Umalis na siya at umupo ako sa sofa at tumingin ng masama kay kuya.
"Ano nanman!!"
"Bakit hindi mo sinabi na sir sir enzo pala yun.?"
"Paano ako sisisngit eh tuloy tuloy mo akong pinagalitan kanina sige paano?"
Umakyat na ako at pinagpatuloy ang pagrereview..
Lumipas ang 1 oras ay natapos rin ako
Oras na ng pagkain at kumain na kaming dalawa.
Habang nakain ay may naitanong si kuya
"Ikaw ba may gusto sa boss mo?"
Bigla akong nagulat at lumaki ang mata sa naitanong niya.
"A-ano!?"
"Sabi ko kung may gusto ka kay sir enzo"
"Wala noh boss ko pang yun"
"Eh bakit sabi mo saakin dati diba lagi mong nakakaaway yun or lagi kang sinusungitan?"
"Ewan ko nga rin eh biglang bumait"
"Baka may gusto sayo"
"Haa! Saakin magkkagusto?hah imposible"
"Bakit mabait ka nmn,masipag,mabait.."
"Oh sige ituloy mo"
Tinutok ko sakanya ang tinidor na hawak ko at tumawa lang siya
Bakit ba halos lahat sila ganun ang mga tanong at sinasabi saakin?
Hayss..
Hapon na at naisipan ko munang lumabas.
"Kuya lalabas muna ako ha"
Tumango tango lang siya
Paglabas ko ay naabutan ko si nathalie na nagcecellphone na para bang kinikilig habang may katext
Nilapitan ko siya at paglapit ko ay agad niyang iniwas ang cellphone niya at tumingala saakin at ngumiti na parang bata
"Oh bat ka kinikilig dyan kanina pa"
"Wala may nabasa lang ako"
"Nabasa?ano nabasa mo text ng boyfriend mo?"
"Ha pano mo nala-"
"Boom edi nahuli rin kita" pagbuking ko
"Eh ano kasi eh"
"Oo na ok lang alam ko n"
"Thankk youu"
"Bakit parang lahat ata kayo may jowa ako nalang ata wala"
"Jowa wala pero mukhang manliligaw meron" pag aasar ni nath
"Manliligaw?"
"Si sir enzo kanina nandyan sainyo ah"
"Nga pala naalala ko ikaw pala ang nagturo sakanya ng bahay namin" seryoso kong sabi
Nag peace sign lang siya
"Hay nakoo"
"Eh nagtatanong kasi eh wala namn masama ah"
_
YOU ARE READING
Magic In A Photograph
FanfictionTrue love comes only once in a lifetime. It suddenly knocks on your heart. So when the right love comes don't ever let go because true love is better than first love