Chapter 17

351 23 4
                                    

Chapter 17

Pagkatapos namin kumain ay meron din kaming masayang kwentuhan.

"Kamusta naman kayo ng jowa mo" tanong ko kay nath.

"Oo nga nathalie" sabi nila.

"Okay naman" sagot niya.

"Eh ikaw kaya kamusta na lovelife mo?" Balik niya ng tanong saakin.

"Wala nang pag-asa" sabi ko.

"Weh eh pano si sir enzo?" Tanong nila.

"Tigilan niyo nga yung tao may ibang gusto yun" sabi ko.

"Ouch" pang-aasar nila.

Tuloy lang ang kwentuhan namin hanggang sa nag 6pm na ng gabi at naalala ko na may pupuntahan pa pala ako.

Nagkayayaan narin sila umuwi.

Nasa labas na kami at nakasakay na ang iba habang si nathalie ay kinukulit ako.

"Sige na sama na ako" pangungulit niya.

"Hindi ok lang may kukunin lang ako sa school" palusot ko.

"Suss may iba kang pupuntahan" pagaalinlangan niya.

"Hindi sa school lang talaga"

"Oh siya bahala ka"

Naglakad na siya papunta sa sakanyan ng jeep.

Agad naman akong pumara ng taxi para pumunta sa park.

Nang makarating kami ay agad akong nagbayad at dun bumaba.

Pagpasok ko agad kong napansin ang mga tao na may kanikanilang kasamang jowa nila.

"Jusqo bakit dito hindi to para sakin" bulong ko.

Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.

Hanggang sa makarating na ako sa lugar kung saan madalas nag-da-date pag gabi.

Naupo na ako dun sa may Damuhan at dun nag-antay.

Maya maya pa ay nag-aalisan na ang mga tao ay wala parin siya.

Tumayo na muna ako para hanapin siya dahil baka nandito na siya.

Nagpunta ako sa may bench para dun maghintay.

Aalis na sana ako pero biglang may humawak sa braso ko.

"Ah sir andyan na po pala kayo"

"I told you already don't call me sir"

"Ah oo nga pala"

"Mukhang may liligawan tayo ah" sabi ko.

"Meron sana kung papayag"

"Papayag yan, sa gwapo niyo ngayong gabi"

"Talaga" sabi niya.

"Oo" sagot ko.

"So pumapayag kana?" Tanong niya.

Biglang nagbago ang ekspresyon ko sa narinig ko.

"A-ano ?" Nalilito kong tanong.

"Sabi ko kung papayag ka?" Tanong niya.

"Papayag?"

"Na ligawan kita."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko

"Ligawan? T-teka lang ha anong ligawan? Ako? Bakit?" Tuloy tuloy kong sabi.

"Sa apat na tanong mo isa lang ang sagot ko" sabi niya.

"Cause i like you" malambing niyang sabi.

"A-ako!?" Gulat kong sabi.

"Remember the notes?"

"Yung sticky notes? Sayo galing yun?"

"Yes" tipid niyang sagot

"And nung team building, your the one that iam talking about"

Wala akong masabi sa mga nalalaman ko ngayun.

"Hindi ko lang agad naamin sayo dahil.."

Tinaas ko ang dalawa kong kilay na hudyat na sabihin niya.

"Natatakot ako baka iwasan mo ako"

"Jusqoo namann" sabi ko habang ginugulo ang buhok ko.

"And kaya din kasi lagi mainit ulo ko sayo cause iam jealous" malungkot niyang sabi.

"Eh bakit wala ka kanina sa bar?"

"Cause i have my plan"

"Plan?"

"Eto"

"Kailan pa?" Tanong ko

"Since first day"

"Simula una alam kong may gusto na ako sayo, hindi ko lang sinabi pero ngayon handa na ako sa sasabihin mo, handa na ako masaktan kung hindi parehas ang nararamdaman ko saakin."

Natahimik lang talaga ako sa mga sinasabi nya ngaun

Hindi ko ine-expect na ganito ang mangyayari ngayon.

"If ready kana just send me a sticky note" sabi niya.

Ibinaba na niya ang bouquet na hawak niya at umalis.

"Lord bakit naman ganto, bakit feeling ko nasaktan ko siya?" Bulong ko

"Bakit parang may nadagdagan sakin pero kulang parin?"

Sinundan ko si enzo, dahil hindi pa naman siya nakakalayo.

Nasa likod na niya ako, pero hindi ko alam kung sasabihin ko ba.

Huminga muna ako ng malalim.

"Enzo!"

_

To be continued...

Magic In A PhotographWhere stories live. Discover now