Chapter 33
Sa isang araw na ang last day ko dito at ngayon na din ang last din ko sa pagaaral ng photography
"Ah maam ma-" naputol kong sabi
"Don't call me ma'am, ate nalang" malambing niyang sabi
"A-ate"
"Ah ate ano po ba balak niyo paguwi ng pinas?"
"Ah hindi muna ako magpapakita sa kanya maybe 2-3 days? Para makapaghanda naman ako"
"Ate sakto, pag uwi natin sa isang araw next day birthday niya, gusto mo dun mo nalang siya isurprise?"
"Hindi kaya siya magalit sakin?"
"Hindi yan ate sure ako miss kana nun, at tsaka para naman makilala mo na rin ung bunso niyong kapatid" sabi ko habang nilalaro yung straw ng inumin ko.
"Bunsong kapatid? Ang alam ko siya lang ang kapatid ko?" Nagtataka niyang sabi.
"Ah hindi ko po pala naikwento sainyo na, nung umalis po kayo buntis daw po si tita and she and Enzo keep it a secret."
"Ah kaya pala, kaya pala nag away nun sila mama" pabulong niyang sabi
"Po?"
"Never mind, Never mind let get back"
Hapon na dito at oras na rin ng uwi at nagpasama si ate angel na lumabas.
"Ano na kaya hitsura niya no?"
"Ah may picture po siya sakin, sandali"
Tumigil kami sa paglalakad sa kalsada ng ipakita ko sakanya ang litrato ni enzo.
"Wow he's really cute and handsome!" Puri niya.
"Bagay kayo" mahina niyang sabi sabay tingin sakin.
Iniwas ko ang tingin ko sakanya dahil sa hiya.
Dumeretso na kami sa mall dahil may binili siya.
"Ah erica hindi ka ba bibili ng susuotin mo sa awarding bukas?" Tanong niya saakin habang natingin ng mga damit.
"Ah hindi na po marami naman po akong pwede isuot" sabi ko.
"Come on, kumuha kana ako bahala" sabi niya
"Ay hindi na po ok lang" nahihiya kong sabi.
"Sige na kahit yan nalang ang pangbawi ko sayo, dahil tinulungan mo akong mahanap ang kapatid ko" sabi niya.
Wala na akong nagawa kundi sumunod pumili ako ng dress na hindi ganon ka pangit, hindi rin ganon ka gara, simple lang
Pinili niya rin ako ng sapatos na babagay saakin.
Nang matapos kami dumeretso na ako sa hotel.
Kinabukasan
"Erica are you ready?"
"Opo pero medyo kinakabahan"
"Wag kang kabahan nandito ako isipin mo ba ako muna ate mo ngayon"
Nginitian ko nalang siya bilang pag sangayon,
Hinimas himas niya ang buhok ko.
Grabe talaga kung alagaan niya ako parang tunay niya akong kapatid, ang swerte ni enzo lalo na si chelsea
Dahil alam ko na mahilig si ate sa bata, ngayon wala siyang ginawa kundi alagaan ako buong magdamag habang inaantay tawagin ang pangalan ko.
Tinatanong niya ako kung gutom ba ako, kung naiinitan ba ako, kung may masakit ba.
Wala na talaga akong masasabi sakanya, nasakanya na lahat.
After ng awarding para samin pinicturan ako ni ate para daw remembrance.
Pagkatapos nun ay bumalik na ako sa hotel para kunin ang mga gamit ko dahil napaaga ang flight namin na dapat 4:00 ng umaga na move ng 6:00 ng gabi ngayon
"Wala ka nang naiwan?" Tanong niya sakin
"Wala na po"
"Then lets go"
_
To be continued...
Follow me:
Twitter; pcrlexmoons
YOU ARE READING
Magic In A Photograph
FanfictionTrue love comes only once in a lifetime. It suddenly knocks on your heart. So when the right love comes don't ever let go because true love is better than first love