Nakabalik na kami sa kalesa at may tinatahak kaming bagong daan. Ang sabi ni Daddy ay may dinner daw na magaganap ngayong gabi at nauna na siya sa restaurant.
Nakatingin naman ako sa labas habang palihim na tinitignan si Isandro. Kanina pa kasi siyang seryoso at walang imik nang makabalik kami dito sa kalesa. Kanina naman habang naglilibot kami ay nagkkwento siya sa mga nadadaanan namin.
"Couz hindi ba pamilyar ang dinadaanan natin?" Tama nga siya gabi na kasi kaya hindi ko iyon napansin kanina pero dumaan ulit kami sa tulay na dinaanan rin namin kanina.
Sumilip nalang ako at sinalubong ang malamig na hangin. Tumingin ulit ako kay Isandrk at napagpasyahang kausapin siya. Pero ilang ulit ko na siyang tinatawag pero di parin niya ako pinapansin.
"Isandro" gulat siyang napatingin saakin.
"Bakit?"
"Kanina pa kita tinatawag lutang ka jan"
"Ah pasensya na. May iniisip lang" sabay ngiti at ayos nang upo. Ang lalim nang iniisip niya ngayon, masayahin naman siya kanina pero parang may nakapagbago nang mood niya.
"Ah alam mo ba kung anong daan 'to?" tanong ko nalang.
"Daan ito papuntang Bantay" sabi niya at sumilip sa labas nang kalesa.
Bantay? Diba yun yung belltower na pinuntahan namin kanina? Wala namang resto na malapit dun ah. Maya-maya lang ay naririnig ko na ang music at tawanan nang mga tao, nandito na kami.
"Tara na couz" sabi saakin ni Gaya at naunang bumaba. Inalalayan naman siya ni Isandro na nasa baba na pala. Bumaba narin ako at nagulat ako sa aking nakita.
Ang isang abandonadong bahay kanina ay isa na ngayong mailaw at masiglang resto.
"Paanong--" hindi ko makapaniwalang sabi.
"Ah di mo yata napansin na inaayos yan kanina nung dumating tayo rito." nagulat ako nang magsalita si Isandro sa tabi ko. Hindi ko nga napansin, masyado akong fixated sa structure dahil parang familiar iyo at di napansing may mga taong gumagawa doon.
"Tara na, pumasok na tayo." Nakangiting imbita saakin ni Isandro. Pumasok na kami sa loob nang resto. Hindi nabago ang structure katulad nung nakita ko kanina. Inayos lang ang ceiling at ang lapag para maging matibay at kakayanin ang maraming tao.
"Couz tara na pumunta na tayo kay tito!" Pagakyat namin sa taas ay agad na akong hinila ni Gaya at nawalay na ako kay Darius.
"Oh Jasmine, nandito na pala kayo. Sinong kasama niyo?" tanong ni Daddy nang makaupo na kami sa table namin.
"Ah si Is--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang may magsalita sa harapan.
"Mic check. Mic check. Buenos noches, señors, señoritas. We're happy to welcome you here. But first, let me introduce the prinicipal of this event. General Delfin Prado Jr.," Nagpalakpakan ang mga tao at lumabas sa likod nang stage ang nasa 50s na lalaki. Delfin?
"Magandang gabi sainyong lahat. Mukhang ang saya nang naging event natin ngayon." Nagsimula nang magsalita si General Prado sa harapan at hinanap naman nang mata ko si Darius.
"Maraming salamat sa inyong pagpunta. Let's oficially start this dinner, cheers." Nagtaas ang lahat nang kanilang wine glass at nagsimula na ang dinner. Bakit hindi ko ba siya makita?
"Couz si Isandro ba yun?" Bulong saakin ni Gaya at tinuro ang table kung saan nakaupo si Isandro. Nagulat ako nang umupo rin dun ang principal nang event na'to. Nakita ako ni Isandro at ngumiti nang maliwanag. Sinuklian ko rin siya nang ngiti. Tatayo na sana siya nang.
YOU ARE READING
Sampaguita
Historical FictionSiempre vendré a ti. Lo juro. Para sa iyo ano ang kahulugan nang sampaguita? 061120