tres

11 0 0
                                    

"Ikinagagalak po namin kung makakapaghulog po kayo ng donasyon para sa pag p-preserved ng Bantay. Maraming salamat po" nililista na ngayon namin ang aming mga pangalan dito. Nasa likod namin si Darius na nagsusulat na rin ng pangalan niya.

"Oh! Kayo si Pra- Kapitan! Ha ha ha!" Sabay saludo sakanya nung nasa front desk. Nakangiti namang sumaludo rin sakanya si Isandro. Don't tell me...

"Kamusta naman po si Sir Prado! Siya po ba ang pinunta niyo dito?" Sabi ulit nung manong sa front desk.

"Ah ayos naman po siya" nakangiti paring tugon ni Darius.

"Sino naman pong kasama niyo ditong mamasyal?" Hindi ko na narining ang huling sinabi ni manong nang hilahin na ako ni Gaya.

"Couz picturan mo na nga ako dito! Tara!" Sabi niya sabay poise.

"Sige. One two three--" sabi ko sabay pindot ng record button. Hehe.

"Ok na ba?" Sabi niya habang nakangiti parin nakangiti lang ako rito kasi di niya alam na pinagttripan ko na siya haha!

"Couz! Hoy!"

"Oh ayan na" sabi ko sabay bigay sakanya ng phone.

"Hehe thank yo- HOY COUZ VIDEO NAMAN TO EH!" tumakbo na agad ako papalayo sakanya. Nakita kong papalapit na si Isandro saakin kaya nag tumahimik muna ako. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing lalapit siya bumibilis ang tibok nang puso ko. And I don't believe in love at first sight!

"Are you enjoying?" Nakangiting tanong niya saakin. Tinignan ko naman siya at nakapamulsa siya ngayon habang may suot na na shade. Kung alam niya lang kung gaano siya ka-attractive ngayo-err.

"Miss?"

"Huh? Ah oo nageenjoy naman ako hehe" ngumiti lang siya saakin at tumingin sa malayo. Pangalawang beses na'to ha huhu.

"Hoy couz! Dito na kayo!" Sabi ni Gaya na nasa taas na.

"Tara umakyat na tayo dun" sabi ni Isandro at hinawakan ang kamay ko para sana hilahin. Ngunit nakaramdam ako ng parang kuryente at alam kong naramdaman din niya kaya napabitaw siya saakin. Napatitig ako sa kamay ko. Weird.

"A-ahaha mas mabuti nalang siguro na ganto hehe sige una na ako dun" sabi niya at naglakad na papalayo. Hindi ko siya pinansin at nakatingin paron ako sa kamay ko na hinawakan. I never felt this. This feeling of longingness. Ngayon ko lang 'to naramdaman. At bakit sakanya pa.

I left a heavy sigh at nagsimula na ring umakyat. Pagakyat ko nakita kong pinipicturan ni Isandro si Gaya.

"Couz tara tara magpapicture tayo kay Isandro!" Sabay hila saakin. Nagbilang naman na si Darius at nagsimula na kami magpoise. Pagkatapos nang picturan umakyat na pataas ulit si Gaya. Masyado nang mataas dun kaya umayaw na ako. Umakyat rin si Isandro sa taas.

Tinitignan ko ang baba at nagpapahangin ngayon. There's something about this place na hindi ko mawari kung ano.

"Sampaguita"

"Don't call me that"

"Huh?" naguguluhang tanong ng kabababa lang na si Isandro.

"I said don't call me that" naiinis kong ulit. Ayaw na ayaw kong tinatawag akong ganyan 'cause it reminded me of my mother.

"Call you what?" Nagtataka parin niyang tanong.

"I thought you called me sam-?"

"Jasmine? So what can I call you then if you don't like that?" Pano niya nalaman ang pangalan ko? Ahh baka sinabi ni Gaya.

"N-no Jasmine is fine" sabi ko at tumingin ulit sa malayo. Malinaw ko talang narinig yung sampaguita. Somewhere, from someone. Tumabi na rin siya saakin at tumingin rin sa malayo.

"I'll tell you the history of this place" tumingin nalang ako sakanya at nakinig.

"This is the Bantay Bell tower, Vigan's most iconic symbol. Before it became a bell tower, it served as the town's watchtower noong 1591 when it is first built" nakangiting paliwanag niya.

"Alam mo bang noong watchtower pa ito ay ginamit 'to nang mga pirates noong Spanish Colonial Era kaya binigyan ito nang pangalan na bantay which means guard" woah kung nasaan pala ako nakatayo ngayon ay may posibilidad na tumayo rin dito yung mga pirates na sinazabi niya.

"And it's also known as Diego and Gabriela Silang's favorite date spot during 17th century" sabi niya habang nakangiti sa malayo.

Kabilugan nang maliwanag buwan, may isang binata na may hila hilang dalaga sa kanyang kamay at masaya silang papaakyat sa isang tore.

"Mahal ano ba ang iyong sasabihin. Baka hinahanap na tayo sa baba" sabi nang babae habang hawak hawak ang kamay ng binata.

"Mahal ko, bigyan mo ako nang dahilan upang makabalik ako saiyo" agad namang nalungkot ang dalaga at umagos sa mata niya ang mga luha. Alam niyang may misyon nanaman ang kanyang kasintahan at mapapasabak nanaman ito sa isang gyera.

"Mahal na mahal kita, Delfin. Mahal na mahal" lubos naman na natuwa ang binata at hinalikan sa noo ang kasintahan. Hinalikan din nito ang kamay at sinabing.

"Pakasalan mo ako" nagulat ang dalaga sa sinabi nang binata. Alam niyang may alitan ang kanilang pamilya at hindi niya alam kung papaano mangyayari ang kasalan na ito, ngunit ang nasa puso't isipan lamang niya ay mahal niya ang binata at handa niyang gawin ang lahat para dito.

"Ngunit papaano--"

"Ipaglalaban kita. Kung kailangan kong suwayin ang lahat susuwayin ko, makasama lang kita" lalong naiyak ang dalaga at napayakap sa binata.

"Oo papakasalan kita" lalong nagalak si Delfin at napayakap narin sa dalaga. Alam niyang masyadong delikado ang misyon na papasukin niya at walang kasiguraduhan kung makakabalik pa siya ngunit sapat nang marinig niya ang nararamdaman nang dalaga mawala man siya sa mundong ito.

"Kahit paglayuin man tayo ng kamatayan at panahon, sayo at sayo parin ako pupunta.  Iyo mo lamang akong hihintayin. Sumpa kita"

"JASMINE! JASMINE" hindi ko namalayan na iyak nalang ako nang iyak habang naguusap kami ni Isandro. Hindi ko namalayan na nayakap ko na pala siya sa sobrang kalungkutan na nararamdaman ko ngayon.

"Isandri, hindi ko na alam, hindi ko na alam ang gagawin ko. Gustong gusto kong makita at maalala pero meron saakin na gusto ko nang alisin ang lahat nang 'to" iyak parin ako nang iyak habang nakayap hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko dahil nalaman ko na kung sino ang lalaking iyon.

"Shh. I'll help you. Just give me some time. More time. Wait for me. I'll come to you, I swear" sabi niya habang hinahagod ang likod ko. Lalo naman akong naiyak sa mga sinasabi niya. There's a connection, I knew it. 'Cause I already found him.

SampaguitaWhere stories live. Discover now