Natapos na kanina pa ang misa at papunta na kami ngayon sa Vigan. Sinama rin namin ang pinsan ko at the same time ay parang best friend ko na.
"Couz, naeexcite na talaga ako sa trip natin kyaah!" excited na sabi niya habang nagseselfie dito sa loob ng kotse natawa naman ako sa excitement niya.
"Girls, i-ddrop ko nalang kayo sa hotel kasi pupuntahan ko na yung ka business meet ko. Bibigyan ko na rin kayo ng pera para makastroll na kayo dito" sabi ni Daddy nang malapit na kami sa hotel.
Nagyes nalang kami at bumaba na. Kinuha na namin ang mga gamit namin at umakyat sa hotel. Nandito sa loob ng Calle Crisologo yung binook ni Daddy para madali daw kami makababa at makaikot dito. Agad humiga sa kama si Gaya(jaya).
"Hay! After how many months nakalabas din!" Sabi niya at nagunat-unat pa. Inaayos ko naman ang mga gamit ko sa kabilang kama.
"Bakit hindi ka lumalabas? Meron bang something na dadapo sayo kapag lumabas ka or what?" natatawamg sabi ko. Dumapa naman siya at tumingin sakin.
"Duh di mo ba nabalitaan na nagrounded ako ng tatlong buwan?"
"Grabe naman ang tatlong buwan ano banag ginawa mo?"
"Diba naging wasted ako pagkatapos nung graduation party namin tapos nalaman ng parents ko! Alam mo naman religious yung tita at tito mo" paliwanag noya at umikot-ikot sa kama.
Nagkwentuhan pa kami ng konti at nagayos ng gamit namin dito sa hotel. Maya-maya ay napagkasunduan na naming bumaba.
"Couz tara umarkila tayo ng kalesa" sabi niya sabay hila saakin sa mga kalesa.
"Kuya magka-"
"Dito na kayo mga binibini mura lang" napatingin kami sa likod ko nang may magsalitang lalaki. Gwapong lalaki.
"Couz, malalaglag yata pasador ko sa ginoong ito huhu dito na tayo" sabi ni Gaya sa tabi ko. Hindi ko naman naintindihan ang sinabi niya at lumapit malapit sa kalesa.
"Magkano po?"
"Libre nalang para sainyo, binibini" sabi niya sabay kindat. Gosh hindi ko pa naman gusto yung mga gantong tao.
"Uh, we can't accept that offer. Tell us the price and we will pay it generously" sumeryoso siya pero nakangiti parin at inayos ang sombrerong suot.
"I'll tell you the price later. So hop in" pinipilit narin ako ni Gaya kanina pa kaya kinuha ko na ang offer.
Naunang umakyat sa kalesa si Gaya, tinulungan siya ni kuya sa pagakyat. Humahagikhik pa'to habang tinutulungan siya.
"Thank you hihi" natawa nalang ako sa ginagawa niya.
"Ikaw na" sabi niya sabay lahad ng kamay niya sa harap ko habang nakangiti. Honestly natatakot talaga ako sa mga kabayo dahil may traumatic experience na ako dito. Nung nasa tagaytay kami ni Daddy at naghorseback riding kami eh biglang naghurumentado yung kabayo at tumalsik ako. Ilang buwang naka cast yung kamay ko nun kaya sabi ko never na akong sasakay sa mga ganto. Pero look kung nasaan ako ngayon.
Hesitant pa akong kunin yung kamay niya pero sabi niyang ok lang daw so triny ko nang umakyat. Pero nagulat ako nang biglang nagingay yung kabayo kaya muntik na akong mahulog, mabuti nalang nahawakan niya ako.
"Woah. Ayos ka lang?" Sabi niya saakin naramdaman kong nakahawak siya ngayon sa bewang ko at inaalalayan ako. Nakita ko namang nakangisi si Gaya sa loob at nakatingin saamin.
"O-oo" binilisan ko na ang pagakyat at tumabi na kay Gaya. I heard him chuckle pero di ko na pinansin yun. Kinukulit ako ni Gaya habang sinusundot ang tagiliran ko. Gosh nakakahiya huhu.
"By the way, I'll be your tour guide today, my name is Isandro"
"Are you ready girls? Here we go!" sabi niya sabay patakbo ng kalesa. Malumanay lang ang takbo nito. Hindu masyadong mabilis hindi rin mabagal. Sakto lang. Nagsimula nang magpicture ng mga daan namin si Gaya, ako naman ay ineenjoy lang paligid. Hindi maalis sa ilong namin ang amoy ng kabayo pero ayos lang.
Maya-maya nandito na kami at hininto na si Darius ang kalesa. Bumaba na kami at pagkababa ko ay may nakita akong isang abandon na bahay. Familiar yung feeling niya at maya-maya.
"Delfin, ayos lang ba nandito tayo?" sabi ng isang babae habang hila-hila siya ng isang binata na tinawag niyang Delfin.
"Ayos lang mahal ko, sabi ko sa mga kasamahan ko na ipapakilala kita sakanila" nasa kung saang kainan sila ngayon at napakaraming tao na nakauniporme ang nandodoon. May musika ring maririnig sa paligid.
"Heneral dito!" masaya namang pumunta naman dun ang binata kasama parin ang babae.
"Nandito na pala kayo! Siya na ba?" sabi nang lalaking tumawag sakanila nasa mga 50s na rin ang edad nito kung titignan.
"Ah oo, malugod kong ipinapakilala sainyo ang kasintahan kong si"
"Hoy! Couz ok kalang?!" Naputol ang mga imahe na para bang usok. It's getting weirder and weirder. Dati tuwing natutulog ko lang nakikita ang mga yun pero pati ngayon na gising ako?
"Gurl nahihilo kaba? Natumba ka eh!" Naramdaman kong salo-salo na pala ako ni Gaya. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari saakin.
"Ay hindi tara na! Nasan naba yung tour guide natin" sabi ko at nagpauna na. Sumunod na sa likod ko si Gaya habang kinakamusta parin ako.
Hindi ko na maintindihan mga nangyayari saakin sana may taong makapagsabi ng mga nararamdaman ko.
Third person view
Habang inaayos ni Isandro ang kabayo bago sila pumunta sa una nilang destinasyon ay nakita niyang nakatayo at nakatingin ang dalaga sa isang abandonadong resto na ngayon ay ginagawa. Matagal nang wala iyon at nasira na nang panahon. Sinasabi ng mga tao doon ay tinayo daw ito noong panahon ng mga Espanol ngunit nasira ito noong WWI. Sinubukang itayo muli ito ng mga apo ng may-ari pagkatapos ng digmaan ngunit nagsimula ulit ang ikalawang digmaang pandaigdig. Humina ang negosyo at tuluyan na nilang sinara. Naiwan sa loob ng resto ang isang imahe ng huling kasiyahan ng mga tao na naroon, bago magsimula ang unang digmaang pandaigdig.
Napansin ni Isandro na matutumba ang dalaga kaya tumakbo siya papunta dito. Ngunit nung papalapit pa lamang siya ay naunahan siya ng pinsan nito. He sighed in relief and smiled.
Narinig niyang hinahanap na siya ng dalaga ngunit tinignan niya lang ito papalayo at tumigil sa tapat ng lumang resto para sipatin ang larawan sa loob. He felt the uneasy feeling looking at the building.
"Sino kaba talaga" sabi niya habang nakatingin sa dalaga sa malayo.
YOU ARE READING
Sampaguita
Historical FictionSiempre vendré a ti. Lo juro. Para sa iyo ano ang kahulugan nang sampaguita? 061120