Prologue

31 2 0
                                    

Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin.

I'm wearing an A-line gown. It's a strapless lace ball gown that has a sweetheart neckline, beaded bodice with geometric embroidery, and a floral lace motifs over tulle. Fit siya sa sa akin through the waist and then cascades out towards the ground.

I smiled to myself.

Perfect.

This is the moment that I've been waiting for. Mamaya, maglalakad ako sa aisle, pagmamasdan ko yung umiiyak niyang mukha, tapos. . . tapos. . . maiiyak na rin ako dahil umaapaw yung pagmamahal ko sa kanya. Kapag nakarating na ako sa altar, hahawakan niya ang kamay ko, and mag-e-exchange kami ng vows.

Iniisip ko pa lang, naiiyak na ako. Pero siyempre ayokong kumalat yung make-up ko kaya pinaypayan ko ang sarili saka huminga nang mabuti.

Oh my goodness.

Oh my goodness.

Kinakabahan ako!

What if matapilok ako habang naglalakad?! What if mag-stutter ako or pumiyok habang nag-e-exchange kami ng vows?! Or worse. . . what if hindi siya dumating?

Goodness, stop thinking like that! This is both your day, think positive!

Habang hinihintay kong may pumasok sa loob ng kwarto, umupo na lang muna ako.

Some say that our relationship is too wholesome. Pina-prangka kami ng iba na naiinggit sila sa amin dahil ang sweet daw talaga namin. Well, gusto naming dalawa na low key lang kaya kapag kasama namin yung circle, hindi kami nagsasamang dalawa. Ang nakakapagtataka nga lang, paano naging sweet iyon? Siguro dahil we act as friends in public but lovers in private? That's what they call sweet?

But yeah. Hindi naman sa nagmamayabang ako, pero masasabi kong maswerte ako. I'm marrying my most favorite person! It's such a dream come true! No wonder naiinggit sa amin yung iba.

Hindi ko ine-expect na sa kabila ng sakit at sakripisyo para lang magkabalikan kami, sa kasalan lang pala hahantong.

We've been best friends for like. . . eternity. Akala ko hanggang doon lang kami. Pero nagkaroon kami ng mutual understanding noong high school kami. Open kami sa isa't isa, lalo na sa feelings namin. So the moment na umamin siya sa akin, napaamin na rin ako nang wala sa oras. Siyempre crush lang muna. Inosenteng-inosente pa talaga kami noon dahil sa way ng pagko-confess namin.

"Crush kita."

"Crush rin kita."

Napangibit ako. So cringy.

Pero dati talaga, kilig na kilig ako noong sinabi niya iyon sa akin.

Umigtad ako nang may kumatok sa pinto. Bumukas yung pinto tapos pumasok yung isang friend ko sa circle. She looks dashing in her rose gold chiffon gown.

Umawang ang labi niya nang nakita ako. Sinarado niya ito agad tapos umiling-iling.

"You are so beautiful," she complimented.

I thanked her.

Nilapitan niya ako and then inayos yung takas kong buhok. "Are you ready?" tanong niya. Pansin ko sa itsura niya na kagaya ko, ay kabadong-kabado. Natawa tuloy ako. Bakit siya yung mas kinakabahan eh hindi naman siya yung ikakasal?

I nodded. "Of course."

"Sure ka na ba talaga?"

To make her reassure that things are fine, hinawakan ko yung kamay niya. "Sure na sure."

"You know, pwedeng mag-back out if hindi mo kaya."

Kumunot ang noo ko sa pahayag niya. Back out? Is she out of her mind? This is what I want, why will I back out? Besides, nandito na.

Umiling ako bilang sagot. "No."

She exhaled. "If you say so."

Sinabihan niya ako na mag-ready na dahil nasa simbahan na siya. Habang nag-aayos for the last time, nahagip ng peripheral vision ko yung invitation card. Kinuha ko ito saka pinagmasdan for the nth time. Hinawakan ko yung part ng paper na may name niya, sunod naman yung name ko.

I breathed.

And then a tear fell from my right eye.

Kahit na nasa likod ko yung friend ko, alam kong pansin niyang umiiyak ako. I don't want to ruin my make up so bumuga ako ng hangin saka pinunasan yung luha ko.

I told her that I'm ready, a hundred percent sure. So yeah.

Tumayo na ako and for the last time, pinagmasdan ko yung sarili ko sa salamin. Tapos. . . pinagmasdan ko na naman ulit yung invitation card.

And again. . .

I breathed.

Then closed my eyes.

End of the LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon