One month akong hindi na-update sa pangyayari. One month akong na-late sa balita. Kung hindi ako nag-scroll sa socmeds kaninang umaga, mananatili akong outdated.
Lumulundag sa tuwa yung puso ko sa nalaman. After all the tears he'd shed, sacrifices he made, efforts that sometimes, were wasted, he finally got that license. I'm so proud of him.
I was reading comments about his recent post, and most of his friends, as well as the people who knew him, congratulated him. I want to comment, "That's my most favorite person! Congratulations!" but something came up. Besides, I shouldn't tell the whole world that he's my most favorite person, baka may girlfriend na iyan at ma-misinterpret pa. It's long overdue as well.
Nakailang buntong hininga na ako rito sa trabaho. Buhay na! Napakahirap! Hindi naman pwedeng hindi ako magtrabaho, hindi ako mabubuhay kung ganon.
"Ma'am, pwede po bang humabol?"
Pumihit ako sa direksyon ng nagtatanong. Tumango lang ako sabay kinuha ang project niya. Umalis na rin siya kaagad. I sighed again. Kahit bigyan ko ng deadline ang mga estudyante, may magpapasa pa rin ng late. I understand naman sila dahil hindi lang naman ako ang teacher nila. Saka, may mga estudyante talagang hirap makagawa at makapagpasa ng assignments nila on time dahil may problema sa bahay or sa buhay. Hindi naman pwedeng ibagsak sila dahil lang nagpasa sila beyond the deadline.
I guess this is the life of being an educator: you have to understand your students. Be considerate. Not all of them are fast learners, not all of them are capable to submit within the allotted time, and most of all, not all of them are happy. Naiintindihan ko ang mga estudyante ko dahil naging estudyante rin ako. At may mga pinagdaanan din ako noong ako ay nag-aaral pa.
While checking my students' papers, dumaan si Ma'am Darl sa table ko para yayain akong magkape. "Ma'am Cleo, tama na 'yan! Tara munang magkape!"
Pinunasan ko ang pawis. "Nako hindi pwede, Ma'am Darl. Malapit na ang encoding!"
"Magpahinga ka muna!" Unti-unti niyang nililinis ang mga gamit sa ilalim ng table ko. "Bukas na 'yan! Tutulungan kita, ako ang bahala sa'yo," confident niyang saad.
Tinitigan ko siya nang mabuti. Nagtataka na talaga ako kay Ma'am Darl. Paano niya kayang mag-chill sa gitna ng pressure at sa nalalapit na deadline naming teachers? Tatanggihan ko na sana siya kaso naisip ko na kailangan ko ring magpahinga. "Sure ka?"
Confident siyang tumango. "Sure na sure! Tara na! Hindi rin naman uso ang OT sa atin kaya mag-log out ka na, Ma'am!"
Napapailing na lang ako sa kakulitan niya. "Alam mo bang may five students pang hindi nakakapagpasa ng assignments nila sa akin? And mind you, 'assignments' ah. And for sure, ikaw rin."
And for a split second, I saw guilt flashed in her eyes. She then plastered her sweetest smile upon me. How can she act cool? Hinila niya ang braso ko saka nag-puppy eyes. "Isang estudyante na lang yung hinihintay kong magpasa. After that, I'll help you, I promise. Kaya pleaaase, samahan mo akong mag-coffee."
I also need coffee so, "Oo na," ang sinabi ko. Niyakap niya ako saka tinulungan akong isabit yung bag ko sa balikat.
Pagkatapos kong mag-log out, may mga nakasalubong pa kaming mga estudyante. Magf-five thirty na pero nandito pa rin sila sa school. Sabagay, halos lahat ng narito pa ay varsity. Dumiretso kami ni Ma'am Darl sa SB. Umorder lang ako ng Caramel Frappuccino at isang slice ng cake tapos nagkwentuhan na kami.
"Kamusta naman ang second month mo as a teacher?" she asked.
Before answering her, I took a bite of my cake. "Nakakapagod pero unti-unti na rin naman akong nasasanay."

BINABASA MO ANG
End of the Line
General FictionMost of the time, I blame myself for being born a girl. In this patriarchal society where men should be dominant, and women should be submissive, it is indeed difficult to breathe. As I reached maturity, I have come to realize that being born a girl...