NOW

20 2 0
                                    

Hinilot ko ang sentido sabay higop sa kape. Tumitibok yung ulo ko sa sobrang sakit.

"Ma'am Cleo, anyare sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Ma'am Darl.

Umiling ako. "Wala. Okay lang ako."

"Stressed ka na ba kung paano mo ipapasa mga estudyante mo?" Tumawa siya.

Bumuga ako ng hangin.

HAY BUHAY!

Hindi ako pinatulog ni Walter kakaisip sa sinabi kahapon! Nakalimutan ko na ring gawin yung kailangan kong gawin dahil sa kanya. Pa'no ba naman kasi, after niyang sabihin sa akin nang diretsahan na umaakyat siya ng ligaw, hindi na umalis sa bahay ko! Kung anu-ano tuloy ang mga napag-usapan namin para maalis yung awkwardness na nararamdaman ko. Kung hindi ko pa pinaalala sa kanya na may quiz siya bukas sa subject ko, siguro roon na siya matutulog.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko sa mga sinabi niya, nakatulog ako. Nagising lang ako dahil biglang nagpakita sa panaginip ko yung quiz nila. Oo! May quiz sila! At yung panaginip ko pa ang nag-adjust para matandaan ko!

4AM ako nagising, 5AM natapos yung paggagawa ko ng quiz. Then bago ako makarating sa school, pina-photocopy ko iyon. So, mukha akong zombie ngayon. Umagang-umaga, naubos na agad ang energy ko. Buti na lang at last period ko sila.

Pumasok lang ako ng faculty room para ibaba yung gamit ko roon at saka dumiretso sa treasurer's office para gawin yung trabaho ko. Bumuntong hininga ako saka hinilot ang sentido.

Ang kulit ng batang iyon! 'Wag na sana niya akong kulitin.

Kanina pa ako nakatingin sa test paper ni Walter Gomes at nakakabilib naman talaga siya. Sa sobrang kulit niya, hindi ko ine-expect na siya ang makaka-perfect sa quiz ko. "Ma'am Darl," tawag ko sa kaibigan kong nag-aayos na ng gamit at nagbabalak nang umuwi.

"Oh?"

"Adviser ka ba ni Gomes?"

Natigil siya sa pag-aayos ng gamit niya para tumingin sa akin. "Oo. Bakit?"

"Kamusta siya sa'yo?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Nako, pasaway na bata. Pero ang talino nun, 'wag ka!"

Nagtataka tuloy ako kung paano siya mag-review dahil araw-araw siyang late na umuuwi gawa ng varsity.

Naalala ko yung pagkikita namin sa SB noong isang araw. Yung kamay niya ay nakapatong sa bewang ng isang babae. "May girlfriend na ba 'yun?"

Dahil sa tanong ko, ngumisi siya. "Curious ka?" kantyaw niya.

Patago akong umirap. "Hindi naman," tanggi ko. "Sa SB kasi, may kasama siyang babae diba?"

"Sus! May pagka-chickboy iyon pero wala pang nagiging girlfriend," aniya. "Sa ngayon," dagdag niya pa.

Friendly lang sa mga kababaihan. Hindi naman nakapagtataka dahil may itsura naman talaga siya. Makapal ang kilay, matangos ang ilong, mamula-mula ang labi, at ang nakadagdag talaga sa attractiveness niya ay yung kulot niyang buhok.

"Umaakyat po ako ng ligaw, Ma'am."

Marahas akong umiling. Hindi niya talaga ako pinatulog kagabi! Baka niloloko lang niya lang ako.


Oo! Prank lang 'yun.

Tama, Cleo. Tama!

Niloloko lang ako ng batang 'yon! Pasaway nga naman talaga. Manliligaw? Ha! Mukha niya! Hindi ako marupok no! Saka isa pa, bago ako mag-apply rito, tinatak ko na agad sa utak ko na trabaho lang talaga ang pakay ko at hinding-hindi ako magkaka-boyfriend na estudyante ko.

End of the LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon