THEN

19 2 0
                                    

"Tara na, Cleo," kanina pa nagpupumilit si Claude na lumabas kaming dalawa. Nakalapat yung kaliwang pisngi niya sa table tapos kanina pa ako kinukulit. "Nagpaalam naman na ako kay Tita."

"Hindi nga pwede, kaila—" hindi natapos ang sasabihin ko dahil may bibili. "Ano po 'yon?"

"Neng, pabili ako ng gas. Makikideliver na lang sa bahay ha?" Inabot niya sa akin yung bayad.

"Sige po."

Pagkaalis niya, tumayo agad si Claude para kuhanin ang tangke ng gas tapos nilagay ito sa isang malaking lagayan na de gulong. Nagpaalam siya na babalik mamaya.

Nakahinga naman ako nang maluwag.

Kung hindi ko kasama si Claude rito, malamang ako ang magbubuhat at magd-deliver. Ang laking tulong talaga sa akin ni Claude sa buhay ko.

"Cleo, ikaw na bahala sa tindahan ha? Aalis ako," rinig kong sabi ni Mama.

"Saan po kayo pupunta, Ma?"

Sobrang pula ng lipstick ni Mama, mukhang gagala lang ito sa mall kasama ang mga kaibigan niya. Fitted shirt at fitted pants ang suot niya kaya mas lalong na-enhance yung sexiness niya. "Birthday ng friend ko."

Birthday.

'Yan ang palagi niyang sinasabi sa akin sa tuwing magsusugal siya kina Aling Jocelyn. Kahit na pigilan ko, wala pa rin akong magagawa dahil palagi naman niyang sinusunod ang gusto niya. Kung sakaling pigilan ko, magsusumbong iyan kay tatay tapos kapag nalaman ni tatay iyon, pagbubuhatan lang ako ng kamay.

And the cycle goes on.

Kaya minabuti kong manahimik na lamang.

"Sige, ingat po kayo."

"Kung magd-date man kayo ni Claude mo, siguraduhin mong maayos ang pagkaka-lock ng pinto ha?" sumagot ako ng opo pero wari ko'y hindi niya narinig dahil dire-diretso lang siya sa pagpapaalala sa akin. "At umuwi kayo nang maaga!"

"Opo, Ma."

May bumili na naman ulit kaya roon na napukaw ang atensyon ko. Narinig ko pang nagpaalam si Mama pero hindi na ako sumagot dahil nagbibilang ako ng panukli.

Ang dami talagang naga-assume na kami na ni Claude eh wala naman talagang 'kami'. Friends kami since birth; best friend ko siya; crush ko siya; crush din niya ako.

Low-key lang kami.

Hindi pa talaga kami mag-boyfriend at mag-girlfriend, hindi rin naman one sided ang panliligaw dahil pareho naming nililigawan ang isa't isa — which is iyon yung rule na ni-set ko sa aming dalawa. Kung liligawan niya ako, liligawan ko rin siya.

Kumbaga, patas kami palagi.

Ayokong siya lang ang mage-effort sa aming dalawa tapos ako, kikiligin lang sa ginawa niya. Ang gusto ko, dapat parehas kaming mage-effort and at the same time, parehas ding kikiligin.

Bigla tuloy pumasok sa isipan ko yung confession namin. Simple lang rin naman ito pero memorable para sa'kin. Bago pa man kami magkaaminan, alam na talaga namin na gusto namin ang isa't isa. Pero mas maganda pa rin na i-voice out yung nararamdaman naming dalawa.

Unexpected nga yung nangyari.

First year high school kami noon at sa Valentine's Day nangyari iyon. Siyempre, as usual, bigayan ng chocolates or teddy bears yung mga ginagawa ng mga estudyante. And since araw ng mga puso, naki-go with the flow na lang rin ako: binigyan ko ng chocolates yung mga barkada ko (siyempre kasali si Claude).

Dahil alam na ng buong circle na crush namin ang isa't isa, inaasar nila kami. Kesyo, sabihin na raw nang direkta at 'wag nang magpatumpik-tumpik pa. Ayaw naming dalawa na maging center of attention so napagdesisyunan namin na 'mag-usap' na lang privately.

After ng klase, sabay kaming umuuwi dahil magkapitbahay lang naman kami. Habang naglalakad patungong sakayan, kinuha ko yung chocolate na binigay sa akin ni Joven (kaklase namin na may gusto sa akin) tapos sabay namin itong kinain.

Hindi siya nagselos noong mga time na 'yon dahil alam naman niyang hindi ko gusto si Joven.

"Magseselos lang ako kapag nalaman kong crush mo rin siya," tanda ko pang sabi niya.

Tapos bigla na lang akong natawa dahil may chocolate siya na nakasingit sa ngipin niya. Tumawa rin siya. Mukha kaming baliw na nagtatawanan sa gilid ng kalsada, at habang tumatawa, nakakapit ako sa braso niya (ganun kasi ako kapag utas na kakatawa).

Sinadya kong lagyan ng chocolate ang upper part ng ngipin ko sabay ngumisi nang malapad.

Nagtawanan ulit kami.

Hanggang sa. . .

Nagkaaminan na nga talaga kami.

Nakakapit pa rin ako sa braso niya habang sinasabi ko sa kanya ang katagang, "Crush kaya kita."

Hindi siya nagulat bagkus, sumagot siya ng, "Ako rin. Crush din kita."

Hanggang ngayon, hindi pa rin namin kinakalimutang aminin yung nararamdaman namin sa isa't isa. Siyempre, hanggang crush lang muna.

Low key lang talaga yung relationship namin dahil iyon ang pareho naming gusto.

Minsan, nagkakatampuhan pero madalas kaming maglambingan talaga.

Alam mo 'yun? Hindi ko ma-describe yung current status namin pero ito ang masasabi ko: mag-best friends kami na gusto ang isa't isa. Kaya yung landian namin, ginagawa namin iyon as "best friends" and as "mutual crush".

And I think iyon ang pinakamaganda sa isang relationship.

Malayo pa lang, tanaw ko na siya. Napapangiti ako sa tuwing binabalik-balikan ko ang pangyayaring iyon. 'Di ko inaakalang yung uhuging Claude noon ay magugustuhan ko ngayon. Natawa ako sa word ma "uhugin".

"Thank you," pagpapasalamat ko kay Claude pagkabalik niya.

"Nakasalubong ko si Tita," tinanguan ko lang siya. "Magsusugal na naman 'yun no?" hindi ko siya sinagot. Narinig ko yung mahinang pagmura niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Bumuntong hininga siya. "Sorry," aniya.

"Hayaan na lang natin si Mama. YOLO yun eh," ang sinabi ko na lang.

Kinuha niya yung upuan at nilapit ito sa akin. Umupo siya roon sabay idinantay ay ulo sa balikat ko. "Lumabas muna tayo."

"At saan naman pupunta?"

"Magd-date."

Pinatong ko ang palad sa buhok niya. "Saan nga?"

Inangat niya yung ulo niya para tignan ako. Sa sobrang lapit ng mukha niya, tinakpan ko ito saka tinulak siya palayo sa akin. "Payag ka?" nakangiting tanong niya.

Na agad ding nawala dahil "Siyempre hindi," ang sabi ko. Pero dahil ayokong siya palagi ang nagyayaya, bumawi ako. "Dito na lang tayo mag-date." Basta kapag usapang 'alone time' naming dalawa, pumapayag siya agad. "Bantayan mo muna ang tindahan ha? May gagawin lang ako."

"Yes boss."

Pinanliitan ko siya ng mata, "'Wag mo akong tawaging boss." Kumuha ako ng tatlong Pancit Canton at mga chichirya. "Ako ang magbabayad nito ha?"

Pumasok ako sa loob ng bahay para hiramin ang laptop ni Mama at ang speakers (at para na rin lutuin ang Pancit Canton). Nagulat na lang ako pagbalik ko sa tindahan dahil nakaayos na yung kumot at mga unan sa sahig.

Alam na alam talaga nito yung mga plano ko.

Sinarado ko na yung tindahan para walang mang-istorbo sa amin. After naming ayusin ang lahat, magkatabi kaming umupo sa tapat ng laptop at sabay nanood ng palabas sa Netflix.

Nakadantay ang ulo ko sa balikat niya, nakapulupot naman ang braso niya sa bewang ko. Habang nanonood, bumulong siya sa akin dahilan ng pagtayo ng balahibo ko. "Crush na crush talaga kita."

Inangat ko yung ulo ko, sakto namang nakatingin siya sa akin. Nang ngumisi ako, tumawa siya kaya natawa na rin ako.

Diba?

Baliw kami.

Siniksik ko pa lalo yung ulo ko sa leeg niya sabay inamoy siya. Nagbiro pa ako na amoy pawis siya na ikinakunot naman ng noo, kaya bumawi ako. "Joke lang. Bango mo kaya, tapos ang gwapo mo pa."

"Alam ko namang gwapo ako."

Pabiro ko siyang hinampas sa tiyan. "Ang yabang naman."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

End of the LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon