THEN

30 2 0
                                    

Binigay sa akin ni Manong Driver yung sukli. Kinuha ko ito sabay nagpasalamat sa kanya tapos tumawid na ng kalsada. Nagdasal muna ako sa chapel bago pumasok sa school.

Sana pasado ako sa exam ngayon.

"Pasado ka," bulong ng isang tao sa likuran ko. His husky voice sent shivers down my spine. He knows I'm getting goosebumps over it but I didn't tell him that I'm actually and literally having goosebumps dahil magmamayabang na naman siya. Lord, forgive me for this. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya after kong magdasal, nag-sign of the cross muna ako tapos pabiro siyang hinampas sa dibdib niya. "Ouch, babe. Pwede namang pisilin."

"Bibig mo! Nasa chapel tayo!" pabulong kong sigaw.

Nanlaki ang mata niya tapos humagalpak ng tawa. "Utak mo talaga, green."

"Bahala ka riyan," akmang aalis na ako ngunit pinigilan niya ako agad.

"Saglit lang, Cleo! Magdarasal lang ako."

So hinintay ko siya.

Habang nagdarasal siya, pinagmasdan ko yung mahaba niyang pilik mata. Naiinggit ako dahil mas mahaba pa yung kanya kaysa sa'kin, plus perfect pa yung arko ng kilay niya. Ang unfair.

Nakakunot yung noo niya, seryosong-seryoso sa pagdarasal. Sana naman kasama sa dasal niya yung makapasa siya sa exam nang hindi siya nandaraya. Madalas ko kasi siyang nahuhuling nangongopya sa mga malapit sa kanya. Though magkatabi kami ng upuan, never niya akong hiningian ng sagot. Pero kahit na, masama pa rin iyon.

Nag-sign of the cross siya, tanda na tapos na siyang magdasal, saka ay hinarap na ako. "Tara?" nakangiting pagyaya niya.

Nakangiti rin akong tumango, "Tara," at sabay kaming pumasok ng school.

"Ready ka nang mag-exam?" tanong niya habang naglalakad kami papuntang room namin.

"Siguro?" 'di ko siguradong sagot kaya kumunot ang noo niya. Papagalitan na sana niya ako nang biglang may bumati sa kanyang good morning na pulos sa kababaihan nanggagaling. Iba talaga kapag sikat, kung sinu-sino na lang ang bumabati sa'yo. "Wait lang," hinawakan ko ang braso niya para tumigil muna sa paglalakad. Tinanggal ko ang bag sa likod ko at sinubukan kong sukbitin ito sa kaliwang braso para sana kuhanin yung tubigan niya na nasa loob, pero dahil may bitbit pa akong mga libro, nalaglag ang mga ito. Yumuko siya para pulutin ito. "Sorry." Kukuhanin ko na sana iyon pero nilayo niya ito sa akin.

"Ano bang kukunin mo?"

"Yung tubigan mo. Baka kasi kuhanin mo sa akin mamaya sa gitna ng exam, mapagalitan pa tayo ng teacher," ani ko.

Yes. I have his water bottle 'cause he intends to forget to bring this all the time.

Lumapit siya sa akin saka marahang hinila ang bag ko. "Saan ba nakalagay?" tanong niya.

"Nandyan lang sa loob."

Binuksan niya yung bag ko. Pinasok niya yung braso sa loob at hinanap yung tubigan niya. Habang ginagawa niya iyon, pinagmasdan ko ulit siya. Matangkad siya sa akin ng ilang inches: hanggang baba niya lang ako. Yung school uniform niya ay puting-puti at plantsadong-plantsado. Na-bother lang ako sa kwelyo niyang nakatupi paloob kaya inayos ko ito.

Nagtama ang paningin namin.

Sakto namang lumabas ang braso niya sa loob ng bag ko, hawak-hawak na yung tubigan niya.

Unconsciously, hinawakan ko yung dulo ng manggas niya saka, "Ang gwapo," sabi ko.

Umiwas siya agad ng tingin. Nag-umpisa na siyang maglakad, iniwanan ako roong nakatitig sa kanya. Nakangiti akong umiling saka tumakbo hanggang sa nakalapit na sa kanya. Walang pasabing bigla niyang kinuha ang kamay ko saka pinagsalikop ito sa kanya, nilingon ko tuloy siya.

End of the LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon