Nakatitig lang ako sayo habang tuloy tuloy ang pag-agos ng luha galing sa mga mata mo. Gusto kitang lapitan, gusto kong hawakan ang iyong mga kamay, gusto kong yakapin ka ng mahigpit at sabihin na okay lang ang lahat wag mo na siyang isipin at maging masaya ka.
Ngunit alam ko na hinding hindi ko na pwedeng gawin yon at hanggang pagmamasid nalang mula sa malayo ang magagawa ko.
Lumipas pa ang ilang araw pero ganon ka pa din nakatulala at bigla na lamang tutulo ang mga luha, minsan naman ay niyayakap mo ang kwintas at libro.
Nagaalala na din sila tita sa nangyayari sayo at maya’t maya ay dinadalaw ka naman ng mga kaibigan mo para kamustahin.
Isang gabi ay dumating na nga ang kinakatakot ko na gawin mo. Pinagmamasdan kita habang nakahiga ka at iyak ng iyak, magang maga na ang mga mata mo. Gusto kitang patahanin at alagaan ulit pero hindi na mangyayari lahat yon.
Wala sa sariling tumayo ka mula sa pagkakahiga mo at dumiretso ka sa cabinet kinuha mo ang sleeping pills mo at dumiretso ka sa kama para kunin ang kwintas at libro.
Sinimulan mo ng ilagay ang mga gamot sa nanginginig mong mga kamay. Wala ng lumalabas na luha mula sa mga mata mo. Nakatitig ka nalamang sa mga gamot na nasa kamay mo.
Gustong gusto kitang lapitan at pigilan sa gagawin mo pero hindi ko magagawa yon.
Bago mo pa isubo ang mga gamot na nasa palad mo ay bumukas ang pinto at bumungad dito si tita dali dali naman siyang lumapit sayo at kinuha ang mga gamot sa kamay mo.
Napahagulgol ka na lamang ng iyak ng niyakap ka ni tita. “Ma sobrang sakit sana sinama nalang niya ko, sana hindi niya ko iniwan ng ganito, sana nahanda ko naman ang sarili ko, sobrang sakit hindi ko na kaya.”
“Shh stop crying baby, masaya na siya don pabayaan nalang natin siya.” Tuloy ka pa din sa pagiyak habang yakap yakap ka ni tita, ilang saglit pa ay nakatulog ka din kaya dahan dahan kang inihiga sa iyong kama.
Awang awa ako sa nangyayari sayo, wala akong magawa para ibalik ang mga ngiti mo na kinuha ko. Wala akong silbi.
“Matagal pa ba yan Drieft?” Napalingon naman ako sayo, halatang excited ka na sa kakalabasan ng niluto ko.
“Saglit nalang to upo ka na muna jan mahal.”
Nagulat nalang ako ng bigla mo kong yakapin mula sa likod ko. “I’m so happy right now. I wish the time could stop.” Sakto naman na luto na yung niluluto ko kaya pinatay ko na ang kalan at humarap sayo, bumungad sakin ang maganda mong mukha kasama ang isang napakasayang ngiti na nangagaling sa iyong mga labi.
“I can’t imagine my life without you mahal ko.” Mahinang bulong mo.
Tinitigan muna kita bago kita hinalikan sa iyong noo. “Hinding hindi ako mawawala sa buhay mo.” At dun na nga tumalon ang puso ko ng sumilay sa labi mo ang isang napakaganda ngiti na alam kong puno ng kasiyahan.
Muli na namang namaligi sa aking isipan ang ating mga ala ala, napakahirap kalimutan lalo na kung nakikita kitang nasasaktan at sobrang nahihirapan dahil sa kagagawan ko.
Dahan dahan kang inihiga ni tita sa kama bago ka niya hinalikan sa noo at lumabas ng kwarto mo.
Hindi kita kayang tignan o kahit lapitan pero hindi ko alam biglang humakbang ang mga paa ko at unti unting naglakad palapit sayo.
Lumuhod ako at tinignan ang natutulog mong mukha, napakaamo, katulad pa din ng dati na tila isa kang anghel na natutulog pero ngayon bakas na sa iyong mukha ang lungkot at pangungulila. Alam kong hirap na hirap ka na at ayokong manatili ka na ganito.
Lumipas ang ilang linggo at unti unti ka na ngang nakakalabas kasama ang mga kaibigan mo.
Unti unti na ulit bumabalik ang mga ngiti sa labi mo. Nakakangiti ka na pero bakas pa din sa mga mata mo ang lungkot at sakit.
Hinihiling ko sa bawat araw na nagdadaan na sana maging okay ka na, sana bumalik na ang mga ngiti sa labi mo at tuluyan ka ng makawala sa lungkot at sakit na naidulot ko sayo.
Buwan pa ang lumipas at alam kong unti unti mo ng napapalaya ang sarili mo sa sakit at lungkot. Masaya ko para sayo pero hindi ko maiiwasan na malungkot at masaktan dahil unti unti mo na din akong kinakalimutan, na unti unti na kong nawawala sa puso mo.
Sa halos isang taon na paghihintay dumating na din siya, ang lalaking papalit sakin sa puso mo. Oo nakakalungkot, oo masakit, pero ako ang nangiwan kaya kailangan kong tanggapin kung ano ang dapat mangyari.
May halo pa din naman saya ang lungkot at sakit na nararamdaman ko dahil sa wakas nakalaya ka na din sakin lahat ng sakit na naramdaman mo mawawala na at mapapalitan ulit ng saya.
Gustong gusto ko ng bumalik ang mga mata mong kay sigla at ang labi mong nakangiti na halatang halata na masaya ka.
Sa paglipas ng mga araw na kasama mo siya parang unti unti ng dinudurog ang puso ko. Sa tuwing hahawakan niya ang mga kamay mo ay hindi ko maiwasan na mapamura nalang kasi pota ako dapat yon. Sa tuwing hahalikan ka niya parang hinihiwa ng isang daang beses ang puso ko kasi ako ang nagmamay-ari sayo pero ngayon hindi na. Sa tuwing napapasaya ka niya pota torture kasi ako dapat yon, ako lang dapat yung nakakapagpasaya sayo pero ayokong maging selfish at gusto kong maging masaya ka kaya titiisin ko lahat to. Ako ang may kasalanan lahat ng kalungkutan at sakit na naramdaman mo sa loob ng isang taon kaya tama na hindi mo deserve ang mga naparamdam ko sayo kailangan mo na ulit sumaya.
Kitang kita ko ang saya mo sa mga oras na ito kasalukuyan kitang pinagmamasdan habang nagmamaneho ka. Nakangiti ako pero unti unting tumulo ang mga luha ko ng mapagtanto ko kung saan ka tutungo.
Bumababa ka ng sasakyan at tumingin muna sa paligid bago ka huminga ng malalim.
Nagsimula ka ng lumakad at maya maya lang ay huminto ka na din, lumuhod ka at tinanggal ang iilang dahon sa lapida na may nakaukit na pangalang ‘Drieft Matsunaga’ ang pangalan ko.
Ngumiti ka habang hinahaplos mo ang lapida ko. “Mahal pasensya ka na kasi ngayon lang ako nakadalaw. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para puntahan ka dito kasi ang hirap tanggapin na iniwan mo na ko, nawala ka na sa tabi ko na hinding hindi ka na babalik.” At doon na nga tuloy tuloy na tumulo ang mga luha ko.
“Isang taon na din ang nakalipas simula ng mawala ka, ang hirap sobrang hirap pero wala tayong magagawa kasi kinuha ka agad niya samin. Pero wag kang magalala dito samin kasi ayos lang kami dito at alam namin na masaya ka na jan.” Nagsisimula ng magluha ang mga mata mo pero sinusubukan mong pigilan ang mga ito.
“Drieft mahal na mahal kita alam mo yan. Ikaw lang yung minahal ko ng sobra sobra pero minsan pala kapag sobra hindi na nakakabuti kasi nung unang linggo na nawala ka sinubukan kong sundan ka jan, nakakatawa mang isipin pero sinubukan ko ang tanga ko diba?” Dun na sunod sunod na tumulo ang mga luha sa mata mo.
“Ang hirap kasing tanggapin hindi ko matanggap na iniwan mo na ko. Ang sakit sakit sobra kung gaano kita kamahal double non yung sakit na naramdaman ko nung nawala ka. Hindi ko alam kung may patutunguhan pa ba yung buhay ko nung nawala ka sobrang lungkot, sobrang hirap, sobrang sakit pero kahit na ganon yung nangyari nagpapasalamat ako na nakilala kita kasi binuo mo ko hindi ako magiging ganito kung hindi dahil sayo. Maraming salamat sa lahat Drieft sa mga araw na nakasama kita kulang yung mga salitang sobra saya sa mga naramdaman ko nung nandito ka pa at kasama kita. Ibang pagmamahal yung naibigay mo sakin at kahit kailan hinding hindi ko makakalimutan yon.” Iyak ka na ng iyak at kasabay ng pagiyak mo ang buhos ng sobrang daming luha sa mga mata ko. Ang naipon na luha sa loob ng isang taon.
“Masaya na ko ngayon wag mo na kong alalahanin dito. Pinapasaya nila ko at nakilala ko siya Drieft binalik niya yung ngiti at saya na na nawala sakin nung nawala ka. Ngayon masasabi ko na talaga na pinapalaya na kita gusto ko maging masaya ka na jan at hindi ka na nagaalala samin dito lalo na sakin. Hinding hindi ko makakalimutan ang isang Drieft Matsunaga na dumating sa buhay ko at minahal ako ng totoo.”
Nakatitig lang ako sayo at tuloy pa din ako sa pagiyak. “Mahal...” Mahinang usal ko at nagulat ako ng tiningala mo ang ulo mo at tumingin sakin na para bang nakikita mo ko. “Paalam Drieft mahal na mahal kita.”
Masaya ko na pinalaya mo na ko at tapos na din ang pamamalagi ko dito para bantayan ka, nakalaya ka na sakin at oras na para umalis na ko ng tuluyan sa tabi mo. Hanggang sa muli mahal ko.
YOU ARE READING
Bitterly Sweet
RomanceLove? What really is that? We really can't explain it verbally, emotionally and even scientifically. We just feel it and how really wonderful is that thing we called love. Masarap sa feeling sobrang saya pero hindi natin alam ang katumbas ng sayang...