MAGIC

67 1 1
                                    

"Accounting can be compared to a specialized language. It tries to deliver a message to..." Nakatitig lang ako sa maganda mong mukha habang tinuturuan mo ko.

Nandito tayo ngayon sa library at kasalukuyan mo akong nirereview para exam natin mamaya.

"Drieft hello? Are you even listening to me?"

You're so beautiful, your round eyes, long eyelashes, pointed nose, and pinkish lips. Damn! No girl can ever replace you in my heart.

"Drieft!" Natauhan naman ako sa sigaw mo at ngumiti sayo. "Sorry baby, what is it again?"

Inirapan mo ako bago ka sumagot. "Nakakainis ka na kanina pa ko salita ng salita dito tapos di ka naman pala nakikinig." Halatang inis na inis ka na pero natawa na lang ako.

"Umalis ka ba kagabi?" Lalo pang nalukot ang mukha mo dahil sa tanong ko.

"Anong klaseng tanong ba yan? Kapag yan hindi mahalaga nako Drieft sinasabi ko sayo." Sungit na saad mo, tinaas baba ko lang ang kilay ko bago ako sumagot. "Kasi buong gabi kang nakatambay sa isip ko." And boom! You grab my ear and pulled it.

"Ouch! Baby masakit." Tuloy pa din ang paghila mo sa tenga ko ng biglang dumating ang librian. "You both get out! Ang ingay ingay niyo."

Wala na tayong nagawa kundi umalis, nauna ka naman sakin at padabog kang lumabas ng library, sinundan naman kita pero halata ko pa din sa mukha mo ang pagkainis.

"Napapagod ka ba ngayon?" Tanong ko sayo, pero tuloy lang ang lakad mo.

"Baby napapagod ka ba ngayon?" Ulit ko sa tanong ko, lumingon ka na nga sakin at sumagot. "Oo kaya please lang Drieft umayos ka na."

"Magpahinga ka naman kasi."

"Saan naman? Ano ba iyang sinsabi mo?"

"Magpahinga ka naman, kaya ka napapagod kasi palagi kang tumatakbo sa isip ko. Uso magpahinga baby." Sabi ko sabay pacute.

Huminto ka at sinamaan ako ng tingin pero halata ko pa din ang pagpipigil mo ng ngiti.

Pinisil ko ang dalawa mong pisngi at hinalikan ko ang ilong mo. "Ang cute cute talagang baby ko wag ka na magsungit jan." Pero tinabig mo lang ang kamay ko.

"Umayos ka jan dun nalang muna tayo sa garden para mareview pa kita, napakaingay mo kasi napaalis tuloy tayo sa library." Natawa nalang ako sa sinabi mo.

Nauna ka na sa akin kaya sinundan kita at pumunta sa harap mo, patalikod akong lumalakad habang nakaharap sayo. "Baby alam ko na kung bakit geometry ang favorite subject mo."

"Ano na naman yan." Sagot mo naman sakin.

"Kasi kahit anong angle ang ganda mo." Natawa ka sa banat ko pero binatukan mo ko. "Puro ka kalokohan."

Ilang minuto pa tayo naglakad at nakapunta na din tayo sa garden dito sa school umupo ka sa ilalim ng puno at sinimulan mo ng ilabas ang mga gamit sa loob ng bag mo.

Umupo na din ako sa harap mo.

"Magsisimula na tayo Drieft kaya umayos ka jan." Binuklat mo na nga ang libro at nagsimula na. "Accounting consists of inputs, several processes and an output. The inputs needed by an accountant are the economic transactions entered..." Tuloy ka lang sa pagtuturo sakin.

"So baby accounting consists of?" Tanong mo ng nakatingin sa akin, ngumiti naman ako sayo.

"Gusto mo ba magic?" Tanong ko sabay ayos ng upo.

"Drieft tigilan mo. Pano tayo matatapos dito kung puro ka ganiyan?."

"Last na promise." Para matigil na ako ay sa pangungulit sa iyo, pumayag ka ng magic-an kita.

"Baby kuha ka ng salamin." Wika ko sayo.

"Huh?" Nagtatakang tanong mo sa akin.

"Kumuha kang salamin." Nagtataka ka man pero sinunod mo naman ako at kinuha mo ang salamin sa bag mo.

"So what now?" Tanong mo ulit.

Ngumiti naman ulit ako sayo bago sumagot. "Tingin ka sa salamin." Sinunod mo naman ako at tumingin ka sa salamin.

"Sino nakikita mo?" Tanong ko ulit.

"Malamang ako, ano bang tanong yan Drieft?" Pabalang mong sagot sa akin.

"Yan yung nakikita mo, yan yung babaeng nagpapasaya sakin, yung babaeng nagparamdam sakin ng mga bagay na hindi ko inaasahan, yung babaeng simple lang pero nanjan palagi sa tabi ko, yung babaeng nagparamdam sa akin kung paano talaga mahalin, yan yung babaeng mahal na mahal ko at yung babaeng papakasalan ko. Mahal na mahal kita baby." Ngumiti ka sa akin at binatukan ako.

"Ang loko loko mo talaga tigilan mo nga ako sa ganyan mo at alam mo naman na mahal na mahal din kita." Sagot mo sa akin.

Hinawakan ko naman ang magkabilang pisngi mo at dinampian ng halik ang noo mo. "Mahal na mahal na mahal kita."

Bitterly SweetWhere stories live. Discover now