DATE WITH YOU

3 0 0
                                        

Excited na ko ngayong araw February 14, 2021 dahil sa loob ng isang taon makikita na din kita. Halo halo ang nararamdaman ko sa mga oras na to.

Isang taon na ang nakalilipas simula ng maging tayo pero ngayon palang tayo magkikita. Iniisip ko palang na makikita na kita hindi na ko mapakali. Sobrang kaba at pananabik ang nararamdaman ko sa bawat minuto na lumilipas.

Nakasandal ako ngayon sa isang puno sa likod ng isang parke at hinihintay ka.
Abot ang tingin ko sa relo ko at hindi ako mapakali.

Ilang minuto lang ang lumipas at naramdaman ko na may tumusok sa balikat ko kaya agad naman akong napalingon.

Bumungad sakin ang maamo mong mukha at isa lang ang masasabi ko sobrang ganda ng mga ngiti mo.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng marealize ko na ikaw ang babaeng hinihintay ko, ang babaeng matagal ko ng gustong makita at ang babaeng mahal na mahal ko.

Ngayong araw palang kita nakita at ganon ka din sakin. Sa loob ng isang taon na pagsasama natin hindi pa natin nakikita ang isa't isa kahit man picture lang kaya ngayon na nasa harapan na kita hindi ko maiwasan na titigan ang napakaamo at napakaganda mong mukha.

Ngumiti ka sakin at kumaway. "Ahm? Hindi naman ako nagkamali diba? Ikaw si Drieft?"

Ngumiti naman ako at tumango. Hindi ako makapagsalita dahil sa kaba kasi sa wakas nakita na din kita.

Tumawa ka naman bago mo ko tinanong. "Wala man lang ba kong kiss o yakap love? Sure ka na wala talaga?"

Pinitik naman kita sa noo bago ako sumagot. "Eto na po." Niyakap kita ng mahigpit dahil sa unang pagkakataon ay nahawakan na din kita.

"Kiss ko nasan?" Tanong mo sa pagitan ng yakap natin. Humiwalay naman ako sayo at tinignan ka.

Hinawakan ko ang dalawa mong pisngi at dinampian ko ng halik ang iyong noo. "Okay na po ba love?" Tanong ko sayo.

Ngumuso ka naman at bumulong. "Daya naman."

Natawa ko kaya dinampian ko din ng halik ang mga labi mo. "Nguso nguso pa kasi."

Ngumiti ka naman bago mo ko hinila. "Tara na nga." Hinawakan ko ang kamay mo at sumabay ako sa paglalakad mo.

"Saan tayo pupunta love? Tara na ba agad sa condo mo?" Tanong ko sayo ng pabiro. Lumingon ka naman bago sumagot. "Hindi pa pero magugustuhan mo kung saan tayo pupunta."

Hinayaan lang kita kung saan mo ko dadalhin dahil ikaw naman ang may kabisado ng lugar niyo.

"Nandito na tayo." Nagulat ako sa sinabi mo dahil huminto tayo sa tapat ng sogo.

"What the fuck love? Seryoso ka?" Gulat na tanong ko sayo.

"Opo love bakit may problema ba?" Nagtatakang tanong mo sakin. "Ayaw mo ba dito?" Tanong mo ulit.

"Hindi naman, ayos lang naman sakin kahit dito tayo." Ngumiti ka agad at hinila ko papasok sa loob.

Nagcheck in tayo at dumiretso na sa kwarto. Pabagsak mong inihiga ang katawan mo sa kama. "Love ano tatayo ka nalang ba jan?" Ngumiti ako pero kung ano ano ang naiisip ko sa mga oras na to. "Eto na tatabi na love."

Umupo ako sa gilid ng kama pero nagulat ako ng bigla mo kong hinila pababa at ngayon nasa taas na kita.

Unti unti mong nilapit ang mukha mo sakin at pumikit ka kaya hindi ko na din napigilan ang sarili ko na ipikit ang mga mata ko.

Nagulat nalang ako maramdaman ko ang pagpiga mo sa ilong ko. "Got yah!" At umalis ka na nga sa itaas ko.

"Sinusubukan mo ko love?" Napanguso ka naman sa tanong ko.

Bitterly SweetWhere stories live. Discover now