ELIZE

24 0 0
                                    

"Class dismissed." Pagkasabi ko ng salitang yon ay nagsitayuan na ang mga estudyante ko at isa isa na silang lumabas.

Isa akong professor sa isa sa pinakamalaking law school dito sa bansa. Kasalukuyan akong nagaayos ng gamit at palabas na ng classroom.

Bago ako tuluyang umalis hindi ko maiwasan mapatingin sayo. Palagi kang naiiwan dito sa labas ng pinto ng huling klase ko at hinihintay mo munang makalabas ako bago ka umalis.

Kinabukasan habang nasa field ako nahagip ka ng mga mata ko nagaaral ka sa isang tabi at tila malalim ang iniisip.

Hindi ko maiwasan na titigan ka dahil napakaganda ng iyong mukha. Mula sa labi mong mapula, matangos na ilong at singkit na mga mata. Lalo pang nakadagdag sa kagandahan mo ang nakatali mong buhok dahil kitang kita ang mukha mong napakaamo at ang kutis mong sobrang puti.

"Sir!" Rinig kong tawag sakin ng isa sa mga estudyante ko kaya nawala ang pagkakatitig ko sayo.

"Sir kanina ko pa po kayo hinahanap, pinapatawag po kayo ni maam Cindy sa..." Tuloy lang sa pagsasalita ang isa sa mga estudyante ko pero di ko pa din maiwasang mapalingon sayo.

Kasalukuyan ka ng nagaayos ng gamit mo at paalis ka na sana pero bigla kang napalingon sakin, agad naman akong nagiwas ng tingin sayo.

Ilang segundo na din nakalipas kaya nilingon ulit kita, nakatalikod ka na at naglalakad na paalis.

Nandito ako ngayon sa isang restaurant para imeet sana ang isa sa mga client ko minsan ay tumatanggap din ako para mas lalo kong magamit ang pagiging abogado ko pero nacancel dahil nagkaemergency daw.

Napagdesisyonan ko munang pumunta sa garden ng restaurant para magyosi bago ako umalis, sakto naman na pagkadating ko dito ay walang tao.

Naupo ako sa isang bench bago ako naglabas ng yosi at sinindihan ito.

Nakailang hithit na din ako ng yosi ng makita kitang nakaupo din sa isa sa mga bench dito, nakadress ka at mukhang galing ka sa isang dinner.

Palagi kitang napapansin kaya hindi na ko nagdalawang isip na lapitan ka at tanungin ang pangalan mo. "Miss pwedeng makiupo?" Tanong ko sayo tinignan mo muna ko bago ka sumagot. "Sige."

"Kung may sasabihin ka sabihin mo na." Maikling sabi mo ng makaupo ako sa harap mo.

"Itatanong ko lang sana yung pangalan mo? Palagi kasi kitang nakikita sa university." Tinitigan mo muna ko at akala ko susungitan mo ko pero ngumiti ka.

"You're checking me out professor Drieft." Napangiti naman ako sa sinabi mo dahil totoo.

"I'm Elize but you can call me baby." Kumindat ka muna bago magsalita ulit. "Kidding." At bahagya kang tumawa.

Napailing nalang ako sayo. "Katatapos lang ng dinner?"

"Yeah and it sucks, minsan na lang kami magkikita kita nagaway na naman sila." Wika mo.

Nagtuloy tuloy ang paguusap natin ng gabing yon. Ang dami mong nakwento about sa pamilya mo kung gaano ka nahihirapan at kung gaano mo na gustong umalis.

Masasabi kong isa yon sa pinakamasayang gabi para sakin kasi mas nakilala kita at sa sandaling panahon na paguusap natin nakita ko kung sino ka talaga.

Sa gabing yon nagsimula ang pagiging magkaibigan natin.

Pagkatapos ng klase nating dalawa sa university magkikita tayo sa feild at magkwekwentuhan bago umuwi. Naging daily routine na nga natin ang pagkikita araw araw at dun na mas lumalim pa ang pagtingin ko sayo.

Tuwing sabado at linggo naman palagi tayong magkausap sa telepono at minsan ay lumalabas tayo para kumain.

Isang buwan na din ang nakalipas simula ng magkamabutihan tayo at napagdesisyonan ko na naumamin sayo.

Bitterly SweetWhere stories live. Discover now