Selos pa more...

85 6 0
                                    

Sa school canteen...

Loisa: Arvin... Balita ko, crush ka raw nina Lindy at Cristal...

Arvin: Talaga?

Mitchellyn: May gusto sila sayo? Naninibago ka pa... Hindi ba, heartthrob ka sa school? Ang gwapo mo kasi...

Loisa: Uyyy... Arvin... (tinutusok nya ang tagiliran ni Arvin)

Mitchellyn: Hindi naman bago yan...

Arvin: Sus... Ayaw mo lang ata na magka love life ako...

Loisa: Nagseselos lang yan!!!

Mitchellyn: (namula)

Loisa: Hala... Namula sya... Totoo nga...

Arvin: Totoo ba?

Mitchellyn: Hindi ah... 

Arvin: Ligawan ko kaya si Cristal?

Mitchellyn: Wag! (sigaw ko)

Loisa: Bakit?

Mitchellyn: Ahmmm... D-dapat... Makilala muna ni Arvin si Cristal... Wag kang mag-alala... Tutulungan ka namin... That's what friends are for right?

Arvin: Sige... Mamaya... Hihintayin ko sya pag dismissal na... Ihahatid ko sya sa bahay nila...

Mitchellyn: Seryoso ka?

Loisa: Oh. Come on... Wag ka na kasing KJ... Hayaan mo na sya...

Dismissal...

Loisa: Oh, Arvin... Paparating na si Cristal... Puntahan mo na...

Nilapitan ni Arvin si Cristal at kinausap. Nakikinig naman kaming dalawa. Si Loisa, kilig to the bones... Ako, hindi makahinga... Hinatid ni Arvin si Cristal sa kanilang bahay. Sumunod lang kami sa kanila. Nang nagpaalam na sila sa isa't isa, nilapitan namin sya.

Mitchellyn: Oh, kamusta?

Arvin: Hindi sya ang hinahanap ko... Masyadong madaldal.

Loisa: It's ok... Marami pang iba jan... Bukas, si Lindy naman...

Aamin na ako. Crush ko sa Arvin. Matagal na pero hindi ko sinasabi sa iba. Ayaw kong nakikita syang may kasamang iba... Sa dinamidami ng pwede kong magustuhan... Bakit sya pa?

Feeling ko ang sama ko... Bago kasi mag dismissal, kinausap ko si Cristal. Sinbihan ko sya na balak ni Arvin na ihatid sya... Nagtanong sya sa akin kung ano ang gusto ni Arvin sa isang babae... Sinabi kong gusto ni Arvin ang madadaldal na babae... Sinunod nya naman... Ang sama ko talaga...

to be continued...

Crush ko si BestieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon