Letting go...

63 4 0
                                    

Cristal's POV

Naalala nyo pa ba ako... Ako yung babaeng siniraan ni Mitch kay Arvin... I'm still angry with her. Nagkaroon ako ng chamce para makaganti sa kanya...

JS prom namin ngayon. Nasa labas ako ng bahay ni Lindy nang makita kong nakasakay si Mitch sa taxi. Hinintay ko si Lindy na makalabas at sinundan namin yon... Alam kong si Mark ang partner niMitch sa prom pero nakita kong iba ang kasama nya. Magkasama sila ni Arvin. Kinunan ko sila ng mga letrato gamit ang cellphone ko at umalis na kami para pumunta sa prom. Sa labas ng venue, nakita ko si Mark na parang natataranta. Siguro hinahanap nya si Mitch. Nilapitan namin sya.

Cristal: Parang kinakabahan ka ata Mark...

Mark: Kanina ko pa kasi hinahanap si Mitchellyn. Ang sabi ng Parents nya sa akin nung sinundo ko sya kanina, nauna na sya at sumakay sa taxi. Baka anong nangyari sa kanya... Nakita nyo ba sya???

Lindy: Actually, oo... She's not here... Kung ikaw, mababaliw na sa pag aalala, sya naman, nagpapakasaya. (ipinakita namin ang mga letrato)

Mark: Nasaan sya???

Cristal: Come with us...

Pinuntahan namin ang lugar na yon. Naabutan namin silang nagsasayawan. Nagtago muna kami pero si Mark, dumiretso sa kanila at sinuntok si Arvin. Hinila nya si Mitch at sumakay sila sa kanyang kotse at umalis. Naiwan kiming dalawa doon...

Sa kotse

Mark: Bakit mo kasama si Arvin?

Mitchellyn: (umiiyak) Bakit mo sya sinuntok???

Mark: Hindi ka ba masaya sa akin? Mas gusto mo ba sya? (kumalma sya ng konti)

Mitchellyn: Noon pa man, mahal ko na sya... Masya ako kapag kasama ko sya...

Mark: Ako? Mahal mo ba ako?

Mitchellyn: Oo naman...

Mark: Pero hindi katulad ng pagmamahal mo sa kanya. Nakikita kong masaya ka... Gusto kong makita kang ganon... Wala na siguro akong magagawa kundi ang pakawalan ka... At hayaan kang maging masaya...

Mitchellyn: Salamat at naintindihan mo...

Arvin's POV

Wala na akong pag-asa... Sana noon pa lang, sinabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko. Sana hindi na umabot sa ganito. Nanatili akong nakatayo doon. Nakatingala sa langit. Natakpan ng maitim na ulap ang mga bituin at bumuhos ang ulan. Hindi pa ri ako umalis sa kinatatayuan ko. Mga ilang minuto pa ang lumipas may naramdaman akong yumakap sa likod ko...

Mitchellyn: Arvin...

Arvin: (hinarap ko sya) Bumalik ka... Ang akala ko...

Mitchellyn: (hindi nya ako pinatapos sa pagsasalita. hinalikan nya ako at niyakap) Arvin... Mahal kita...

Arvin: Mahal din kita...

                   The End

Crush ko si BestieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon