The next day...
Magkasabay kaming tatlong pumasok... Guilty pa rin ako sa ginawa ko kahapon.
Bago kasi mag dismissal, kinausap ko si Cristal sa balak ni Arvin. Nagtanong sya sa akin kung ano ang gusto ni Arvin sa isang babae. Ang sabi ko, gusto ni Arvin ng madadaldal na babae... Sinunod nya naman ang payo ko na dumaldal sya... Ang sama ko talaga...
Loisa: Psstt... Samahan mo akong mag C.R. (sabi nya sa akin)
Mitchellyn: Arvin... Samahan ko muna sya...
Arvin: Maghihintay lang ako dito...
Sa C.R.
Loisa: (tumigil nang makarating kami sa loob ng banyo) Umamin ka... Gusto mo si Arvin noh???
Mitchellyn: H-ha? P-pano mo nalaman...???
Loisa: Masyadong halata... Bakit hindi mo aminin sa kanya?
Mitchellyn: Akala mo ba mapapansin nya ako? Sa dinami-dami ng mga babae sa paligid, hindi nya ako mapapansin.
Loisa: Sulatan mo kaya ng love letter? Para malaman nya na may nagkakagusto sa kanya...
Mitchellyn: Susubukan ko... Pero sino ang magbibigay?
Loisa: Ako na ang bahala...
Meanwhile, May lumapit kay Arvin. Sya si Mark. Sya yung nerd na ka seat mate ni Arvin.
Mark: Arvin... Hindi ba, magkaibigan kayo ni Mitch?
Arvin: Oo... Bakit?
Mark: Paki bigay naman to sa kanya... (inabot ang sobre)
Arvin: Ano to?
Mark: (bumulong) Love letter.
Arvin: Galing sayo?
Mark: Oo...
Arvin: So, ibig sabihin, may gusto ka sa kanya?
Mark: Matagal na...sige alis na ako... (umalis)
Arvin's POV
May ipinabibigay si Mark para kay Mitchellyn. Love letter daw. Muntik ko na nga syang suntukin... May gusto kasi ako kay Mitch. Hinayaan ko na lang... Pag alis nya... binasa ko ang nakasulat.
"Dear Mitch,
Alam mo... Gusto kita... Nahihiya akong sabihin sayo... But i think i love you...
Sincerely yours,
Mark"
Ang baduy... Ayaw kong magkagusto si Mitch sa kanya... Nakaisip ako ng maitim na balak... Papalitan ko ang kanyang sulat... Yung hindi magugustuhan ni Mitch... Magsusulat ako ng bagong sulat at yon ang ibibigay ko kay Mitchellyn... Mwahahahaha...
to be continued...
BINABASA MO ANG
Crush ko si Bestie
أدب المراهقينLove is full of surprises... Kahit ako mismo ay hindi inasahang magkakagusto sa bestfriend ko.