Nang gabing yon... Nagsulat ako ng love letter para kay Arvin.
" Arvin,
Siguro hindi mo alam kung sino ako...natural, hindi ko sinulat ang pangalan ko... Gusto ko lang na malaman mong matagal na kitang mahal... Nahihiya lang ako dahil baka ayaw mo sa akin... Baka hindi mo ako magustuhan... Baka hindi mo na ako pansinin... Nilakasan ko ang loob ko nasumulat sayo para malaman mo... Malaman mong... May nagmamahal sayo.
Truly yours,
Secret Admirer"
Binigay ko kay Loisa ang sulat. Inipit nya yon sa notebook ni Arvin. Kinabahan ako nang makita kong binabasa ni Arvin ang sulat. Namumula sya habang binabasa ito. Lumapit sya sa amin ni Loisa.
Arvin: Alam nyo ba kung kanino to galing? (ipinakita nya ang sulat)
Loisa: Siguro... Isa sa mga nagkakagusto sayo...
Mitchellyn: Oo nga... Bakit sa amin mo tinatanong???
Arvin's POV
May nakaipit na sulat sa notebook ko. Binasa ko ito... Ang akala ko, si Mitchellyn ang nagbigay pero ang sabi nila, hindi nila alam kung sino ang nagbigay... May nagmamahal pala sa akin? Gusto kong makilala ang babaeng nagbigay sa akin ng sulat... Gusto kong malaman kung sino sya.
to be continued...
BINABASA MO ANG
Crush ko si Bestie
Teen FictionLove is full of surprises... Kahit ako mismo ay hindi inasahang magkakagusto sa bestfriend ko.