Nakaalis na siya pero fuck?! diko paren maalis sa isip ko ang sinabe niya at syempre nandito paden ako sa pwesto ko kanina.
"Hoy Cai! halika na HAHAHAHAH para kang timang jan" sigaw ni Karyll saken. Ano nangyare kay Zab? HAHAHAHAHA may pa hapit-hapit pang nalalaman HAHAHAH"
"Bat ba sigaw ka nang sigaw jan ha?" inis kong sagot. Kala mo ang layo layo namin ih ang lapit lang namn tch.
"Init ng ulo naten ah? may dalaw ka?" tanong ni saken Mariene. Buti pa tong isang to mukhang matino
"Kassee naman ihh..." nakanguso kong sagot. Akala ko tatanongin niya ako ng ' ano bang nangyare' pero tumawa ito. Fak? akala ko matino, may sapak din pala!
"Wag niyo kong kausapen. Kasalanan niyo to. Kasalanan niyo kaya di na ako macrucrushback ni Zab. hmp!"
"You mean crush----" sabe ni Amina pero di siya pinatapos ni Mariene.
"Teka nga, ano ba talagang sinabe sayo ni Zab?"
"Sinabe niya lang namang ' Di mo man lang sinabeng crush mo pala ako, sayang, icrucrushback pa naman kita" sabe ko ng naka tingala sa kawalan habang ginagaya ang matigas na maganda na sweet basta di ko maexplain ang boses niya. Tipong di sapat ang maganda, sweet o kahit anong words para ma describe eon boses niya. Kaya biglang napatili silang tatlo dahil sa sinabe ko
"Omaayyyy" --amina
"Hala! Seryoso??!"-- Mariene
"Kyaahhh"-- Karyll"Oo. At kasalanan nyo to." sabe ko sabay duro sa kanilang tatlo.
"Sorry naman." sabay nilang pagkasabe kaya nagkatinginan sila at sabay ding tumawa.
I looked at them flatly.
Sino bang matinong tao ang matutuwa sa nangyare?! Crush ka ng crush mo tas biglang sabog dahil sa putang dare na yan? Damn! Kill me now.
------------
" Goodbye Miss" sabay naming paalam ng kaklase ko. Nang makaalis si Miss ay lumapit si Amina saken kasunod si Karyll at Mariene.
"Tara sa canteen? nagugutom ako." Ket kelan talaga mukang pagkain."Arat." aniko at sabay kaming lumabas sa classroom. Habang naglalakad kami sa hallway ay sari-saring bulong bulongan ang aking naririnig like,
"Siya yun?"
"Oo."
"Akala mo kung sino. Di naman kagandahan. duh"
" Papansin""Akala niya naman papansinin siya ni Baby Zach"
tch. baby?! kayo ba? tss insecure ka ghorl?
"Di yan papatulan ni Zach"
" Yeah, she's baduyy"
Icrucrushback nga ako diba? At anong baduy?! kelan pa naging baduy ang pagsuot ng formal na damit? Sorry ah, diko kasi type ang suot na halos kita na kaluluwa sa sobrang iksi!
Akmang lalapitan ito nila Mariene at Karyll pero pinigilan ko sila
" Hayaan niyo na. Di nila ikakaganda yan." nakangisi kong sabe sa kanila pero umirap lang sila. Hays. mga maldita talaga HAHA
"Psst! Cai!" tawag sakin ni Amina kaya napalingon ako sa kanya.
"Bakit?"
"Si Zab, makakasalubong natin" sabay nguso kong nasan si Zab. Naglalakad si Zab na diretsong nakatitig saken. 'anong problema niya?' my mind whispered.
Kasama niya ang dalawa niyang kaibigan na si Ash Trinidad at si Kianne Mirafuentes. Nang nagkatapat na kami ay bumulong .
" Sayang" lingo lingo niyang ani. At nilagpasan kami.
'Sayang'
'Sayang'
'Sayang'
'Sayang'Parang nageecho yung boses nya bwesit! Ano bang gusto niyang iparating ha? Arrggghh iniistress niya ako ah!