"Who is this?" paninigurado ko. Baka kasi pagnagpadalos dalos ako, mapahiya pa ako"Duh? hindi mo na ako kilala? It's me! your one and only pretty pinsan, Marmia Hadji hihik*" aniya at biglang tumawa. Sabi ko na nga ba iling* iling*
"Kumusta?"
"Eto,maganda parin HAHAHA"
"Nagjojoke ka?" sarcastic kong tanong
"OFCOURSE NOT!" biglaang sigaw kaya inilayo ko ang phone sa tenga ko. Ang sakit nun ah
Sa lahat ng pinsan ko ito talaga yung pinakahangin at punakahonest pagpisikal na kagandagan ang pag-uusapan HAHAHAAH kaya mamimiss ko talaga to pag wala siya sa mga family gatherings. Ang sarap asarin ih. Masabihan lang ng pangit, sasama agad timpla at ang malala pa ay nakikipagbangayan agad HAHAHA
Napangiti ako ng maalala ko nung may umaway sa kanya sa classroom, kung di ako nagkakamali, grade 1 kami nun. Grade 1 section marang
"Marmia! Asan na yung candy ko dito?!" sigaw ni Chandy. Nasa iisang desk lang kasi sila kaya si Marmia lang ang posibleng kumuha
"Aba! malay to tayong bobita ta" mataray na sagot ni Marmia. Bulol kasi sa sa K at S. Imbis na K o S ay T ang nasasabi niya.
Hinanap na ni Chandy kung saan saan ang candy niya pero di parin niya nakita. Tiningnan na niya sa backbag niya, sa envelope, at sa ilalim ng desk niya pero wala parin.
Umiyak si Chandy na siyang dahilan ng pagkaagaw niya sa pansin ni teacher Shane.
"Oh Chandy, bat ka umiiyak?" mahinahong tanong ni teacher
"Kinuha po kasi ni Marmia yung candy ko" humihikbing saad ni Chandy
"Batet ato? Tabi to naman tayo tanina na hindi ato ang tumuha! hmp!"
"Wala namang ibang kukuha ih ikaw lang!"