MIDNIGHT'S POV
Natatawa ako kapag naalala ko kung saan kami nagkakilala no TOR. Kung iisipin kasing mabuti para siyang bata noon na binubully ng maps malaking tao sakanya. Nakakaawa siya at nakakatawa
DAHIL kalalaking tao lampa hahahahaha
FLASHBACK
------------------------------------
May isang ASSASSIN ang tinutugis ng mga kapwa niya assassin na nagtatago sa pangalang o codename na FEATHER siya ay galing sa isang Mafia na kilala sa Europe. Kung titingnan mo ng maigi dapat ay isa siya sa mga magagaling na assassin dahil sa makapangyarihang mafia siya nabibilang at kilalang kilala ito dahil sa mga assassin na hindi matatawaran ang galing sa pakikipaglaban at sa bilis nila matapos ang buhay ng grupong kanilang sasalakayin.
Pero dahil sa pinakita niya ay nadismaya ang batang si Midnight sa ipinakitang pakikipaglaban ni Feather sa kagaya niyang uri na assassin.
Ang akala ni Midnight na ang lahat ng mga nabibilang na miyembro dito ay malalakas at di matatawaran ang galing ngunit kakaiba ito dahil parang di ito beterano sa pakikipaglaban.
-------------------
MIDNIGHT'S POV
Napakahina niya para maging isang assassin. 'Pano ba 'to natanggap para maging assassin?' Tanong ko sa sarili ko
Hindi ko inaasahan na ganito siya makipaglaban e parang hindi pa ito magaling sa close combat na ngayong ginagawa niya. Marami diyang butas na maaaring patamaan. 'Hindi ba ito tinuturuan o kaya nagtetraining man lang?' Tanong ko ulit sa sarili ko.
Dahil sa inip kong kakaantay na matapos ang laban na siya ang nagsimula. Binato ko ang mga shuriken ko sa kanilaara malaman nila na may taong kanina pang nanonood sa kanila.
''Kanina pa ako nandito ni hindi niyo man lang nararamdaman ang presensiya ko? Mga assassin ba talaga kayo?'' Sabay baba ko sa puno na kinatatayuan ko kanina pa.
''E sino kaba ?'' Sabay na tanong nila sa akin.
''Ako? Hmmm estudyante diyan sa school na labing metro mula dito. Ang boring niyo ngang panoorin e'' pang-aasar ko sa kanila na ikinagalit nila hahahahaha.
Evil much. Hahahaha
''Ang yabang mo ah. Bakit ma ububuga kaba?'' Tanong nung kalaban ng isang baguhan na assassin na sa aking tantya ay baguhan rin gaya niya.
''Oo eto o'' pagkatapos kong sabihin iyon ay binugahan ko siya ng tubig. Buti may baon ako .
''Aba'y--
Bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay sinuntok ko na ang mukha niya at pinindot ang likod ng leeg niya ng mabilisan para di na siya makaganti pa sa ginawa ko sa kanya at pinagbabato ang mga kasamahan niya ng mga bato na kumpol kumpol sa gilid ng mga halamanan.
''TARA NA'T UMALIS.....
PAGBABAYARAN MO TO.''
''BUHATIN NIYO NA SI BOSS DALI!!!!!!!" Naiiyak niyang sabi.
''BAKLA!!!'' sigaw ko dahil malayo na sila sa kinatatayuan namin ng lampang to.
''Tseeeeeeeeee!!!"
Pagkatapos ng sigaw niyang yon ay sumakay na sila sa van at lumarga na.
'Lampa ....
BINABASA MO ANG
COPYCAT : The Gangster Assassin [SLOW UPDATE- on-going]
ActionPaano kung malaman mong nilikha ka lang Isang PRODUCT ng isang experiment ngunit isa kang tao. May magagawa ka ba?