Dedicated po itong chapter na to kay @dhemxles para sayo to :-)THIRD PERSON'S POV
Pagkatapos mapanood ni Kenneth ang video ng laban nila ni Midnight ay di siya makapaniwala na ang MOVE na nakatalo sa kanya noon ay siya ring nakatalo sa kanya ngayon.
'How did she knew this kind of move? Si Rossetta lang ang may kakayahang gawin iyon dahil doon siya nakilala at hinangaan dahil sa flexible niyang katawan'
'How can this be so possible na gayang gaya niya ang move ni Rossetta ng walang kahirap hirap?'
Ilan lamang yan sa mga katanungang itinatanong niya sa sarili ng makita at mapanood ang video.
Hindi naman mapakali ang kasama ni Kenneth na si Timex sa silid dahil sa kakaibang aura na inilalabas ni Kenneth.
Pinagpapawisan na ng malamig si Timex at hindi malaman ang gagawin.
Feeling niya matatae na siya sa kanyang kinauupuan dahil sa aurang nanggagaling sa kanyang master matapos na mapanood ang video na nasa kanyang laptop.
Parang bumabaliktad yung sikmura niya na parang roller coaster dahil sa master niya.
Si kenneth naman ay isip ng isip kung paano nagawa ng isang gaya ni Midnight ang ganong ka espesiyal na technique na iisa lamang ang taong nakakagawa. Mali dalawa na pala dahil nagawa na niya.
Sa kabilang banda naman ay hindi magkamayaw sa tuwa si midnight sa isang technique na nagawa na naman niya. Hindi lang ito ang unang pagkakataon na nakagawa siya ng special techniques ng mga kilalang assassins o gangsters dahil simula yata ng siya'y naadik sa computer ay sinubaybayan na niya ang mga video ng mga ito at ginagaya ng perpekto. Walang labis walang kulang.
Parang ito na rin ang libangan niya sa pang araw araw na gawain niya.
Maliban na lang kung siya'y tamad na tamad ay wala siyang ibang gagawin kundi humilata sa kama ng walang kain kain at matulog ng isang araw.
Bumalik tayo kila Kenneth hindi na napigilan ni Timex ang kanyang dinaramdam at tumakbo sa loob ng banyo at sumuka ng bonggang bongga. Dahil sa dulot ng awrang nanggagaling sa master niya.
Habang si Kenneth naman ay hindi parin matigil ang kakaisip ng mga posibleng posibilidad kung paano parin nagawa ni Midnight IYON. In short hindi niya pa rin matanggap na natalo na naman siya ng BATA na kaedaran ni Timex.
Haaaay buhay parang life talaga.
Tama nga ang kasabihang ang taong hindi matanggap tanggap ang pagkatalo hindi magpapatalo kahit na talo parin ang kinalabasan.
Guminhawa na ang pakiramdam ni Timex dahil nailabas na niya lahat ng sama ng loob niya sa inidorong kaawa-awa.
Fi-nlash na niya ito at lumabas sa comfort room para bumalik sa kanyang kinauupuan dati malapit sa kamang kung saan nakaratay ang master niya.
Nakita niya itong may tinayawagan sa telepono na galit ang ekspresyon sa mukha sa hindi malamang dahilan
'Hindi ba tatahimik ang kalooban nito sa kinalabasan ng laban at kailangan pang paimbestigahan si Midnight?' Tanong ni Timex sa sarili dahil sa narinig na usapan ng master sa kausap nito sa telepono pagkalabas niya ng comfort room.
Umiisip na rin siya ng mga posibilidad na ggawin ng master niya kay Midnight kung sakali mang may gawin ito sa babae.
'Girl's should and never be underestimated' yan ang tumatak sa isip ni Timex dahil sa pangyayaring ito.
'Master is very lucky dahil pampatulog lang ang ginamit sa karayom sa pinangatake ni Midnight. E kung si Rossetta na hindi lang siguro siya nakahiga sa hospital bed kundi nag-aagaw buhay ma ito dahil sa tatamuhing mga galos mula kay Rossetta'
'Hanggang saan ba ang limitadyon mo MIDNIGHT?' ang tanong na bigla na lamang niyang naisip sa lalim ng iniisip niya.
'How the hell did that happen?' Tanong ni Kenneth sa kausap niya sa telepono.
Hindi siya makapaniwala dahil hindi pa rin talaga siya maka get-over sa resulta ng laban niya kay midnight.
'JUST DO YOUR JOB OR I WILL KILL YOU? NOW CHOOSE!!..''
Galit na sabi niya dahil hanggang ngayon ay wala pang nakukuhang impormasyon tungkol sa babaeng nagngangalang Midnight na kaibigan ni Timex.
'Kahit ang mga gumagalaw na at inutusan ko na kukuha at kumukuha ng mga impormasyon tungkol sa babaeng yon ay ang pinagkakatiwalaang intel na ng mafia ay wala paring mapapala.'
Ang sabi niya sa sarili niya pagkalapag niya ng telepono sa katabing mesa malapit sa higaan.
Sobrang frustration na ang nararamdaman niya dahil lamang sa babaeng si Midnight.
'Hindi siya ordinaryong babae' ang katagang yan ang pumasok kaagad sa isipan ni Kenneth.
'Dahil kung ordinaryo lamang siya bakit andami niyang alam na pati ang organisasyon na pinakatago at kilala at exclusive lamang para sa mga miyembro ay alam niya'
Umalis na si Timex sa kwarto ng Master niya sa hospital dahil hindi na jiya ma-take ang pinapakitang ugali nito kahit na alam niyang kasama niya lang ito kani-kanina lamang para bang hindi magkanda ugaga at parang kaharap nito si Rossetta dahil sa kakaibang aura na kikilabutan ang sino mang makaharap o makasalubong manlang.
'Ganito pala ang epekto kay master kapag natatalo. Masyado niyamg dinidibdib at gagawa ng paraan para makabawi man lang sa taong nagpahiya sa kanya.'
'Pero sa kaso niya ay kahiya-hiya naman talaga ang labas noon dahjil siya ang naghamon ng away kay midnight at pinagbigyan lang ito ng kaibigan para wala na itong masabi pang iba.'
Well that's MIDNIGHT every secret she reveals the truth will always come out. Kahit sa hindi sinasadyang pagkakataon.
BINABASA MO ANG
COPYCAT : The Gangster Assassin [SLOW UPDATE- on-going]
ActionPaano kung malaman mong nilikha ka lang Isang PRODUCT ng isang experiment ngunit isa kang tao. May magagawa ka ba?