CHAPTER 1.4 HER HOBBIES

29 3 0
                                    

Umuwi na si Midnight galing sa mansiyon nila Tor dahil kung magtatagal pa siya don ay baka masermunan pa siya ng lalaking bumaba galing sa hagdanan kaya umalis na lamang siya at umuwi upang hindi na mangyari ang iniisip niya

Pumara siya ng taxi pagkalabas niya ng bahay nila Tor at sinabi sa driver ang address. Pagkadating sa kanilamg bahay ay binayaran na niya ang driver at pumasok na siya sa loob ng bahay nila

''Himala at wala yatang tao sa bahay''

Siya'y nagtatakang pumasok ng bahay nila dahil fi man lang niya makita ang anino ng kanyang ama sa loob ng tahanan nila.

''Nasaan ba si papa?"tanong niya sa sarili niya

Nang maisip niya na baka ito ay nasa trabaho pa ay nag-isip siya ng mga maaaring gawin habmg inaantay niya ang pagdating ng kanyang ama pagdating nito galing trabaho.

Humanap siya ng mga dvd's na kanyang panonoorin at pinagsamasama ito sa istante na malapit sa kinalalagyan ng dvd player nila.

Bago niya panoorin ang mga iyo ay nag youtube muna siya at tining nan kung may panibagong video na in-upload dahil siya ay fan ng martial arts at deadly moves na specialties nito. Special moves na sila lamang ang nakakagawa ngunit ito'y nagagawa rin niya dahil sa pagkahilig manggaya ng iba ay natutunan na niyang gayahin ang estilo ng pakikipaglaban ng kanyang kaaway kapg sila ay nakikipaglaban. Isa yan sa mga abilidad niya na hindi niya ipinapakita sa ibang tao kumbaga tago ang panggagaya niya.

Pagkatapos niyang panooring ang update ng video ng sinisubaybayan niya ay sinimulan na niya ng panonood ng cd na kanyang pinili hanggang siyang makatulog..

------------

TOR'S /TIMEX'S POV

Nakikipaglaban ako sa mga kaaway na mga assassin dahil eto ang unang misyon na aking gagawin sa tanang buhay ko ng unan akong sumali dito sa Mafia na kinabibilangan ko ngayon.

Iniisa-isa ko ang mga kalaban ko dahil napakarami nila kung ikukumpara sa akin na mag-isa lamang na haharap sa kanilang lahat.

Binabaril ko ang leeg nila para hindi na sila makalaban pa at malagutan kaagad ng hininga.

Ito ang una sa mga itinuro sa akin noong nagsisimula pa lamang ako magtraining kasama ang mga bagong recruit na kagaya ko upang mapabilang na maging isang assassin at miyembro ng organisasyon na ito.

Habang nakikipaglaban ako may narinig akong nagsalita kaya natigil ang pakikipaglaban ko sa leader ng grupo na aking nilalabanan

''Mga assassin ba talaga kayo?'' Sabi ng tinig na hindi ko alam kung saan nanggaling.

Luminga-linga ako sa paligid at nakita ko ang babaeng nagtanong sa akmin ng ganoon.

Kung susuriing mabuti parang wala namang alam itong babae na 'to kaya't kinabahan ako na madamay pa siya sa gulong pinasok niya.

Ngunit nagkamali ako dahil siya pa ang tumapos ng laban na ako ang nagsimula. Hindi ko na narinig ang mga sinabi niya dahil tinpos ko muna ang mga kasamahan ng kalaban bago pa ito makatakas. Tinakot niya na parang mga daga ang kanina ko pang nilalabanan na underling na mafia ng kalaban kaya't nakampante na angloob ko na sa wakas ay natapos na rin ang laban ko.

Inaya ko siyang pumunta sa tinutuluyan ko dahil bumibigat na ang pakiramdam ko dahil sa pagod at sakit ng katawan ko na kanina ko pa iniinda dahil malakas rin ang nakalaban ko kanina.

Pagkarating namin sa bahay ay humanga ako dahil sa tagal ko nang naninirahan dito hindi pa ako masyadong marunong na makaramdam ng presensya ng iba dahil wala pa ako sa bahaging iyan ng aking pagsusulit na ibibigay ni master kaya di ko muna inaalala dahil matututunan ko rin naman iyon. Nakakaramdam rin ako ng presensya ngunit di kasing galing ni Midnight na kahit malayo palang ay ramdam na niya ang presensya ng taong naka paligid o umaaligid sa paligid.

Dahil sa kanya gusto ko nang matutunan ang ganoong bagay. Napakalakas ng pakiramdam niya at hindi man lang nararamdaman ang presensiya niya kahit malapit ka lang sa kanya.

Bumilib ako sa kakayahan niya ng sinabi niyang 'may tao.'

Tiningnan ko ang paligid ng mansiyon pero wala naman akong nakitang tao sa paligid. Nung hindi ko makita sinabi niya na nasa likod ng poste kaya nalaman ko na. Malayo pa kami sa mismong pintuan dahil iyon lamang ang may magkatapat ng poste na malalaki malapit sa maypintuan.

Pumasokna kami at bumungad sa amin ang napakalaking sala ng mansiyon noong makita kong naaliw siya sa kaniyang nakikita ay iginayak ko muna siya sa may sofa

''Saglit lang hah..''sabi ko

Hindi niya ata narinig dahil masyado na siyang naaaliw sa mga fisenyo ng bahay kaya'y nagkibit-balikat na lang ako at iniwanan siya sa sala at pumuntana sa kwarto ko para magamot na ang mga pasa at sugat na nakuha ko sa kaninang laban na naganap kani-kanina lamang

Dahil baka mapano pa si Midnight ay dinalian ko ang pagagagamot sa sarili ko pero nagulantang ako pagkabalik ko. Wasak ang mga sofa, hawakan ng hagdan, mga vase at iba pang mga kagamitan sa sala. Ang mas ikinagulat ko ay ang lalaking nakahandusay at walang malay na isa sa mga pinakabatang assassin at pinakamagaling dito sa pilipinas ay napatulog ni Midnight ng ganon kadali lamang.

''ANONG NANGYARI DITO?!!!!!!!''

Tumingin ako kay master na ngayo'y parang nakakita ng isang palabas at ikinatuwa ng makita ang kinahantungan ngunit di ito mahahalata sa kamyang mukha. Na-amuse siya sa madaling salita.

Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Midnight ang aking tingin at itinuro si master at sinabing

''Tanong mo sakanya....

COPYCAT : The Gangster Assassin [SLOW UPDATE- on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon