Kabanata 1

17 1 0
                                    

“Ma, kailan ba kayo pupunta dito?” I am crying the whole time I was talking to her on the phone. Tawanan nila ni papa ang naririnig ko sa kabilang linya. It’s already 10 PM and we’re still up because I am nagging them. Gusto kong puntahan na nila ako.

“Paano ka magkakanobyo niyan, nagpapababy ka pa rin sa amin?” tukso ni papa.

“I don’t care. I don’t need a boyfriend. Just come here please.” I sobbed. They laughed again.

“Anong you don’t need a boyfriend? Hindi pwede ‘yan. You need to give us grandkids anak.” Pabirong saad ni mama.

“Just come here please.” I cried, hard, this time. I heard dad ordering someone on the background to ready the car. At that time, I know I won. They’ll come here, ASAP.

“We’re going anak, wait for us there. We love you.”

Kung alam ko lang sana na ‘yon na ang last time na maririnig ko kung paano ako nila kamahal, sinabi ko na sana ng paulit-ulit ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanila. ‘I love you.’ That’s what all I wanna say to them.

“Good evening, ito ba si Miss Aster Isabella Montesclaros?” bati sa akin ng hindi ko kilalang tao ng buksan ko ang pinto ng condo unit ko. Hindi ko agad nakilala na isa pala itong police dahil sa biglaan kong pagkagising.

“Bakit po? Ako po si Aster.” Hindi ko maintindihan pero kinakabahan ako.

“Naaksidente po ma’am ang mga magulang niyo…” nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ako nakasagot o nakagalaw man lang. I just stared blankly at the police officer. It’s almost 1 o’clock.

“W-where are they?” my whole body is trembling. Para akong naligo sa tubig na may yelo sa ginaw ng pakiramdam ko. Muntikan pa akong matumba paglabas ko ng unit matapos kong kunin ang bag ko. Buti na lang at naging maagap ang police na naghihintay sa akin. Kita ko sa mata niya ang awa ngunit hindi ko inakala na mas higit pa pala doon ang gusto niyang ipahiwatig sa akin.

Akala ko ay dadalhin nila ako sa emergency room o sa harap ng operating room o sa ICU ngunit tuluyan na akong nanglambot ng sa pinaka hindi ko inaasahang lugar nila ako dinala. Morgue.

“Iha…” hindi ko na narinig pa ang sinabi ng police na kanina pa ako inaalalayan. Parang nawala lahat ng pakiramdam ko, ang nakikita ko lang ay ang dalawang katawang natatabunan ng puting tela.

“Miss Montesclaros, I already called your grandmother and she’s already on her way. Nasabi niya na rin na ikaw na lang daw ang pagdesisyonin namin kung ano ang nais niyong gawin. Kung ipapacremate ba o…” the person stopped talking when she heard my loud scream. I never did imagine myself to be able to scream that loud. Parang mamamatay ako kung hindi ko maisigaw ang bigat na nasa dibdib ko.

“Mama! Papa!” I called them. I stood in between their body which lies on the cold tiled tables. I saw the blood stains on the white sheet.

Akala ko ba ako ang pupuntahan nila? Akala ko ba yayakapin nila ako gaya ng nakasanayan namin tuwing gusto ko silang papuntahin dito? Akala ko ba makakasama ko sila simula ngayon hanggang sa graduation day ko?

“Aster.” I saw my lola standing in front of me. She is not crying. Walang bakas ng luha ang kanyang mukha. Hindi siya sumigaw. Hindi kagaya ko na hindi napigilan ang pagsigaw dahil sa sakit.

Pero ang mata niya’y puno ng iba’t ibang emosyon. Anger, tiredness, confusion, hopelessness, and above all, pain.

“I’m sorry, lola. I’m sorry.” ‘yon lang ang lumabas sa bibig ko. I know, hinding-hindi niya ako susumbatan pero alam ko ring may parte sa kanya na sinisisi ako.

“What will we do to their remains? Have the traditional wake or cremate them?” yakap-yakap niya ako. Hiyang-hiya ako dahil imbes na siya ang matanda at dapat na sanang alalayan, siya pa ang umaalalay sa akin.

“I want them cremated lola.” I said weakly. Still trying my best to accept the fact that my parents are now gone. Ngayon ko pa lang din nalaman kung ano talaga ang nangyari sa kanila.

According to the police, may CCTV naman daw ang parte kung saan nangyari ang aksidente. Nabangga ng isa pang kotse ang kotse nina mama, nakainom daw ang driver nito na isang anak ng congressman. Comatose din ito at maliit lang ang chansa na mabuhay pa dahil sa laki ng pinsalang natamo ng ulo nito. Pero ganoon pa man, nagsampa pa rin si lola ng kaso kung sakaling makarecover nga ito.

Inasekaso na agad ng tauhan ni lola ang mga kailangang gawin at saktong mag-uumaga na ay nakahanda ng icremate ang mga katawan. I cried hard while I hugged their bodies tightly for the last time.

“I love you, so much. I love you more than my own life. I love you mama, papa. I love you beyond everything. Don’t worry; I will give you grandkids like what you had asked for. Please guide me always, I love you so much.” I kissed their cheeks for the last time before they will turn into ashes.

Nagising ako dahil sa katok sa pinto. I immediately sat down on my bed.

Panaganip na naman. I dried the tears on my cheeks and relaxed myself a bit before answering someone outside my door.

“Come in.” pumihit ang siradora at sumungaw ang ulo ng dalagitang si Isabel. Gulat siyang tumingin sa akin at tinitigan ako.

“Umiyak po ba kayo, senyorita?” nakayuko nitong tanong.

“I just woke up.” I lied.

“Pinapasabi po ng donya na maghanda na raw po kayo at darating na daw po ang mga bisita mayamaya.” I nodded at her and went to the bathroom to prepare myself.

We already talked about this a month ago, matapos ang ilang araw na pagluluksa sa pagkawala ng mga pinakaimportanteng tao sa buhay ko.

My father already retired from politics at siya na sanang mamahala dito sa hacienda ngunit dahil sa aksidente, kinailangan kong saluhin ang tungkuling iyon. Lola wants to rest already. Hindi ko man gustong aminin, hindi ko kakayanin ang pamahalaan ang hacienda, and as old fashioned as before, lola arranged a marriage for me to a family friend, the Montenegros. Sinubukan kong ayawan ngunit disappointment lang ang nakita ko sa mukha ni lola.

Kung nandito pa lang siguro sina mama, I won’t be in this situation. But who am I to complain? I am the reason why they’re gone. I am the reason why they’re dead.

Aster (Blossom Series 1)Where stories live. Discover now